"It's her," sabi ni Shun. "Sigurado ako, Sudalga. Siya talaga ang asawa mo. Pero hindi niya ako kilala, 'yan ang nakapagtataka. Either she doesn't really remember or she's just good at pretending."

Nagtagis ang mga bagang niya. "She's just good at pretending. Diyan siya magaling, ang magpanggap na mapapaniwala ka talaga."

Napabuntong-hininga si Shun. "Ano'ng balak mong gawin ngayon? Her address on her resumé is valid. And according sa mga napagtanungan kong kapitbahay niya, she had been in that house for almost two years."

"Almost two years?" ulit niya.

"Yes."

Kumuyom ang kamao niya. "May kasama ba siyang lalaki?"

"Hindi ako pinapasok sa bahay, eh," sabi ni Shun. "Pero sabi ng mga kapitbahay niya, walang ibang kasama si Annette maliban sa matandang babae na namatay anim na buwan na ang nakaraan."

"Wala talaga siyang kasama?" His lips thinned. "How sure are you, Shun?"

"Seventy-five percent."

His frustration was building up. "Paano 'yong twenty-five percent na natira?"

"That's the not-sure percent." Tumikhim si Shun. "So? What are you planning to do? She doesn't seem to remember you nor care about it. Hahayaan mo na lang ba siya o hahayaan mo na naman siyang makapasok sa buhay mo?"

Sa halip sa sagutin ay pinatay ni Cali ang tawag at napatitig sa larawan nila ni Annette kung saan masaya silang dalawa habang namamasyal sila sa Paris.

His blood boiled. No. Siya lang ang masaya dahil nagpapanggap lang ito na masaya na kasama siya. That lying conniving woman!

Padaskol siyang tumayo, saka pinulot ang susi ng Mercedes-Benz niya at nagmamadaling tinungo ang garahe niya.



"SALAMAT sa ulam," nakangiting sabi ni Annette kay Edelyn na hinatid pa sa bahay niya ang ulam. "Amoy palang, masarap na." Naglalaway na ang mga bagang niya kahit amoy pa lang.

Pabiro siyang inirapan ng kaibigan. "Masarap naman talaga akong magluto, eh."

"Oo naman," nakangiting pa ring sabi niya, saka excited na umupo sa silya at inumpisahang kumain. "Ang sarap."

Mahinang tumawa lang si Edelyn. "O, siya, aalis na ako. Happy eating na lang."

"Salamat," puno ng pagkain ang bibig sa sabi niya.

Maganang kumain nang mag-isa si Annette. Napakasarap ng luto ni Edelyn. Kaya gustong-gusto niyang manghingi ng ulam dito palagi.

Naputol ang magana niyang pagkain nang marinig na may kumatok sa pinto ng bahay niya. Naiinis na tumigil siya sa pagkain, saka tinungo ang pinto para buksan 'yon.

Muntik na niyang maibuga ang nginunguya nang makita si Cali Sudalga na nakatayo sa labas ng bahay niya.

Mabilis niyang nilunok ang nginunguya, saka kinakabahang nagtanong. "Anong... bakit... ano'ng... anyare?" Napakurap-kurap siya habang ang puso niya ay walang kasimbilis ang tibok. "Ano'ng... g-ginagawa n'yo rito?"

Sa halip na sagutin ay matiim siya nitong tinitigan na para bang binabasa ang laman ng isip niya. At kung magiging tapat lang siya sa sarili, kakaiba ang hatid ng titig nito sa kanya.

"Can I come in?" tanong nito pagkalipas ng mahabang katahimikan.

Mabilis siyang umiling. "Hindi." Nahihiya siyang papasukin ang lalaki. Nasisiguro niyang mansiyon ang bahay nito. Kaya nakakahiyang papasukin ito sa barong-barong niyang bahay.

Napatiim-bagang ito. "Bakit?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Annette. "Kasi hindi safe na magpapasok ng lalaking hindi ko ganoon kakilala," pagdadahilan niya.

Gumalaw ang panga ni Cali bago tumango-tango.

"Ano'ng pakay niyo sa 'kin?" tanong niya pagkalipas ng ilang segundong katahimikan. "Kulang pa ba ang pagsigaw mo sa 'kin kanina kaya nandito ka?"

Namulsa ito at huminga nang malalim. "I'm here to offer you a job."

Napapantastikuhan siyang napatitig sa berde nitong mga mata. "Are you for real? Pagkatapos mo akong sigawan kanina at palayasin sa opisina mo, ngayon mag-o-offer ka ng trabaho?"

"I'm sorry about shouting at you." Matiim ang titig nito sa kanya. "Hindi lang maganda ang ... mood ko kanina at... ikaw ang napagbuntunan ko."

Nagkibit-balikat si Annette. "It doesn't matter."

He stared at her. He looked like he was calculating something before he spoke. "Do you like to apply as my PA?"

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "Personal assistant ... mo?" may pag-aalangang tanong niya.

His body straightened. "Yes."

Namilog ang mga mata ni Annette sa gulat at nakaramdam siya ng pag-asa. "Kailangan mo ng PA at ako ang gusto mong PA?"

"Oo. It's my way of saying sorry about earlier. Hindi naman ako naninigaw, eh, nagkataon lang na bad mood ako kanina."

May nagbabadyang ngiti sa mga labi niya. "Totoo 'yon? Walang halong biro?"

Tumango si Cali, saka may iniabot sa kanyang calling card. "I'll be expecting you tomorrow morning," sabi nito, saka akmang aalis na nang sumilip ito sa loob ng bahay niya at tumingin sa kanya. "Wala ka talagang ibang kasama diyan?"

Mabilis siyang umiling. "Wala."

"No husband?"

Umiling siya.

"No boyfriend?"

Umiling uli siya.

"No lover?"

Umiling uli siya. "Wala lahat."

Parang nasiyahan ito sa nalaman dahil bahagyang umaliwalas ang mukha. "Good. Pack some of your clothes tomorrow."

Mabilis na tumango si Annette, saka pinakawalan ang ngiting kanina pa niya pinipigil. "Maraming salamat, Mr. Sudalga." She could kiss him in so much joy! "Super thank you talaga. Super! Super!"

Tumango lang ang lalaki, saka humakbang pabalik sa kotse nito. "Bye."

Ikinaway niya ang dalawang kamay sa ere habang may malapad na ngiti sa mga labi. "Bye. And thank you!" sigaw niya.

Pumasok na ito sa kotse at pinaharurot iyon paalis.

Hindi naman mawala ang ngiti sa mga labi ni Annette. May trabaho na siya! Mabait naman pala ang lalaking 'yon, eh! Talagang sinadya pa siya para humingi ng paumanhin!

Ayie! Guwapo na, mabait pa! Ang galing naman!

Nag-uumapaw sa kasiyahan ang puso ni Annette nang makapasok sa bahay niya. Parang nawalan na siya ng ganang kumain dahil sa excitement niya para bukas!

I can't wait!


CECELIB | C.C.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaWhere stories live. Discover now