Nahihiyang napailing-iling siya. "Wala."

Mahinang natawa si Edelyn. "O, siya, bigyan na kita. May ulam ako, masarap. Tiyak na magugustuhan mo."

Malapad siyang napangiti. "Salamat, Edelyn."

"Oo na. Sige na, magsaing ka na."

"Sige," nakangiting tugon niya.

Pumasok na si Edelyn sa bahay nito at siya naman ay ipinagpatuloy ang pagsasaing.

Habang hinuhugasan ang bigas, bigla na lang pumasok sa isip ni Annette si Mr. Sudalga, ang may-ari ng kompanyang huli niyang ina-apply-an.

Ang guwapo talaga ng lalaking 'yon. May asawa na kaya siya? Parang nakakatakam ang angking kakisigan nito. His deep green eyes. His lips. Damn. His lips looked inviting. Hindi mawala sa isip niya ang mga labi nitong parang nangungusap na halikan.

Marahas niyang pinilig ang ulo para mawala ang agiw niyon. Dapat hindi siya nag-iisip ng ganoon kay Mr. Sudalga. Ipinagpatuloy niya ang pagsasaing, 'tapos ay bumalik sa maliit niyang sala para ayusin ang mga kalat do'n.

Habang nag-aayos, nakarinig siya ng katok sa pinto. Napangiti siya bigla. Mukhang nandiyan na ang ulam niya na bigay ni Edelyn. Excited siyang tinungo ang pinto, saka binuksan 'yon.

Kumunot ang noo ni Annette sa taong nasa labas ng pinto. "Sino ka?"

The man in front of her was handsome. Pero hindi mapagkakatiwalaan ang mga guwapo ngayon, lalo na't singkit ang nasa harap niya.

"Sino ka?" ulit niyang tanong sa lalaki na mukhang nagulat nang makita siya. "Ano'ng kailangan mo?" Hindi bagay ang suot nitong tuxedo sa labas ng barong-barong niyang bahay.

"I'm Shun Kim." May ipinakita itong ID sa kanya. "And I'm here for you, Mrs. Su—" Tumikhim ito. "Miss Roan."

Tumaas ang kilay niya. "What do you want?" tanong niya sa lengguwaheng English na para bang normal na 'yon sa kanya.

Sumilip ito sa loob ng bahay niya, saka tumingin sa kanya. "May I come in?"

"Hindi puwede." Isinara niya ang pinto, saka ipinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib. "Sabihin mo sa 'kin kung ano'ng kailangan mo." Hindi safe magpapasok ng lalaki sa bahay, lalo na't estranghero 'yon.

"Ahm..." Tumikhim ito habang may hindi makapaniwalang kislap sa mga mata. "Hindi mo talaga ako kilala?"

Umiling siya. "Hindi."

"Are you sure?"

"Hindi nga sabi, eh." Pasimple niyang hinilot ang sentido nang makaramdam ng sakit do'n. "Ano ba'ng kailangan mo sa 'kin?"

"I'm a private detective." Ngumiti ito. "At matagal na kitang hinahanap."

Kinabahan si Annette. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"May taong nagbayad sa 'kin para hanapin ka." Huminga ito nang malalim. "At gusto sana kitang dalhin sa kanya ngayon kung puwede."

Umiling siya. "Hindi puwede. Hindi kita kilala, kaya umalis ka na."

Napatango-tango ito. "Sige. Salamat."

Hinatid niya ng tingin ang lalaking nagngangalang Shun Kim. Nang makasakay ito sa magarang sasakyan at nakaalis, saka lang siya pumasok sa bahay niya.

Private detective? Hinahanap siya? Yeah, right. Ang mga manloloko talaga ngayon, iba't ibang modus ang naiisip makapanloko lang.

MABILIS na sinagot ni Cali ang tawag nang makita niyang si Shun 'yon. "How did it go?" tanong niya agad sa nasa kabilang linya.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon