Chapter 13:The Truth

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sabi ko sayo gwapo ako eh. Look, you're staring."

"Tss." Yabang.

"So sinong Niko ang kasama mo?" Speaking of, ayun siya oh. Parang ewan na sumisilip sa loob ng girls' restroom. Parang naninilip lang. Hahaha.

"Yung naninilip sa may girls' cr." Tumingin naman si Nyke ki Niko. "NIKOOOOO!"

"Oh! San ka ba umihi!?!" Mukha kaming ewan ni Niko na nagpapalitan ng tingin ki Nyke. Sabi ko kasi iihi lang ako. Kung ano-ano na nangyari.

"Uh, Nyke si Niko. Niko si Nyke, team mate ko."

"Nyke Contreras pre."

"Nikolai Ramos." Nagshake-hands naman sila."Uh, Mo tara na. Gumagabi na rin oh."

"Oo nga. Ah Nyke, salamat ulit."

"No prob. See you at practice." Sabi niya

"Sige."

     - o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o -

Ang bigat . . . BIGAT NG MATA KO! Hulaan niyo nalang kung bakit.

"Ate, sabay na tayo punta school." Tumango lang ako "Oh, ba't mugto mata mo ate?"

"Wala 'to. Tara na."

"Nag-away ba kayo ni Lucas?"

"Tara na."

     - o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o -

"Anyare sa mata ni Garcia?"

Kanina pa 'tong mga 'to ah. Pagpasok ko palang ng campus nakatingin na mga tao sakin. Ngayon lang ba kayo nakakita ng mugto na mga mata?! Kaya hinarap ko yung mga lalakeng nagbubulungan sa tabi.

"Nakakairita na ah. Tigilan niyo nga ko sa tanong na yan!"

"Nagtatanong lang naman." sagot namn nung isa tapos pumasok na sa room nila. Mga usisero.

"Akyat na ko. Andyan naman na ata sina ate Rhian." paalam ni Jen.

"Ge."

Annoying. Annoying. Yung feeling na may period ako ngayon kahit wala naman. Kairita.

"Miss Cute--Woah. Anyare sa mata mo?"

"TIGILAN NIYO SABI AKO SA TANONG NA YAN!" sigaw ko ng marinig ko yung nakakarinding tanong.

*silence*

*silence*

"Chill. I was just asking." sabi ni Nyke na nanlaki yung mata sa pagsigaw ko. Tch.

"Wag ngayon Nyke."

"I just wanted to say-" mapapasubo nanaman ako nito sa english. Whatever. Echosera.

"What?" Napatingin naman ako sakanya kasi pumunta siya sa harap ko. Malamang naman mapapatingin ako sakanya di ba?

"Good morning." Shet. Ang lapit niya nanaman. Ba't ba parati nito gustong zoom in??!? Ang tangkad niya pa man din. "Wala manlang rin ba 'kong good morning?" sasagot na sana ako nang may tumawag sakin mula sa likod ko.

My Crush and My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon