Malakas na hinawi ni Adalric ang kalabang nakaunday nang saksak kaya napaatras ang huli. Mabilis siyang humarap kay Josef habang nakahawak sa tagilirang napinsala. Humanda rin ang ginoo sa pagdipensa. Mas naging alerto ang protektor sapagkat hindi maganda ang lagay niya sa mga oras na iyon.

"Akala mo siguro ay mabilis mo akong mapababagsak?" Dinilaan nito ang patalim na nabahiran ng dugo. "Hindi ako kagaya ng aking ama sapagkat mas higit akong pinagpala sa kaniya."

Hindi umimik si Adalric. Matalim lang nitong tinitigan ang kalaban kahit na singkit mata.

Nginisian naman siya ng huli. "Akala ko ba at mabilis mo akong tatapusin?" napahalakhak ito at ilang segundo ay bigla rin sumeryoso. "Katapusan mo na!"



-----

Nabulabog ang mahimbing na pagtulog ni haring Claude ng gisingin siya ni Mardir, ang personal niyang mandirigma.

"Ano ba iyon Mardir? Hindi mo ba nakikita na nahihimbing ako ng tulog," nakakunot-noo nitong sabi na magulo pa ang buhok at hindi maipinta ang itsura.

"Mahal na hari, sinasalakay ng blackamoorluna ang buong palasyo, kailangan niyo ng tumakas!"

Hindi kumbinsido ang hari habang nakatitig ng masama sa kawal. Kita pa rin ang antok sa mata nito dahil sa pag-inom ng alak. "Nasaan si Adalric?"

"Wala pang nakakakita sa kaniya, mahal na hari-madali po kayo dahil paakyat na rito ang mga kalaban. Habang pinipigilan pa sila ng mga kawal ay sasamahan kayo ng aking grupo sa upang makatakas."

Walang nagawa ang hari. Labag man sa loob ay kailangang lisanin ang kastilyo para mabuhay. Mabilis na nagbihis ang hari at sumunod kay Mardir kasama ng ibang kawal.

Habang tumatakas ay may mga iilang kalaban ang sumasalubong subalit nasusupil naman agad ng mga kawal. Sa kaiiwas ng grupo sa mga blackamoorluna na naglipana sa palasyo ay nalihis sila ng landas patungo sa sikretong lagusan palabas ng lugar na iyon. Walang pagpipilian si Mardir kun'di suungin ang mapanganib na daan.

Mahigit ilang minuto rin ang lumipas ng marating nila ang silid na pinaglalagakan ng trono ng hari. Doon sila nagtungo sapagkat naroon ang lagusan palabas ng kastilyo.

Mapalad sila ng mga sandaling iyon sapagkat wala ang mga kalaban. Kaya sa pangunguna ni Mardir ay mabilis silang tumakbo patungo sa malaking pintuan ng masalubong nila si Adalric.

"Mahal na hari," malumanay nitong sabi habang patakbong lumalapit sa kanilang kinaroroonan. "Sumunod kayo sa akin, dito ang ligtas na daan."

"Saan ka ba nanggaling? Sinasalakay na ang palasyo!" galit na sabi ng hari habang palapit kay Adalric.

Nagkaroon nang pagdududa si Mardir ng makita ang protektor na nakangisi. Parang may binabadya ang mga ngiting iyon. "Mahal na hari, 'wag!"

Bago pa makasaklolo ang kawal ay nasaksak na ang hari. Tumagos ang mahabang patalim sa likuran nito at unti-unting tumagas ang dugo sa dibdib, likuran at bibig. Kasunod noon ay ang pagbabagong anyo ng may hawak ng patalim na mula sa pagiging Adalric na naging si Josef.

"Paalam hari ng Depir," Pagkahugot ng patalim ay biglang hiniwa ni Josef ang ulo ng hari. Gumulong ito sa sahig hanggang makarating sa paanan ni Mardir na natitigilan sa mga nangyari.

Nagtakbuhan ang mga kawal palayo matapos iyong masaksihan kaya lamang ay nagsulputan ang napakaraming blackamoorluna at magkakasunod silang tinapos.

Si Mardir ay agad binunot ang espada at isinaksak sa sarili. Mas pinili na nitong mamatay sa sariling kamay kaysa sa kamay ng kalaban.

Matapos ang tagpong iyon ay mabagal na tinungo ni Josef ang trono ng hari. Umupo siya roon at minasdan ang mga nakahandusay na katawan ng mga deperian habang walang humpay sa paghalakhak. Ang mga blackamoorluna naman ay nagsiyukod ng makaupo sa trono ang kanilang pinuno.

Natigil lang ang lider ng blackamoorluna sa pagtawa nang mula sa lagusang nasa harap ng trono, ilang metro ang layo ay pumasok ang isang babae.

Itim ang kasuotan nito na aabot hanggang sa ilalim ng tuhod. Malamlam ang bilugang mata na mukhang inosente kung pagmamasdan. Mahahaba ang mga pilikmata, pino ang hindi kakapalang kilay, mapula ang pisngi at labi, matangos ang ilong, may pagkaputla ang balat subalit makinis. Nasa tatlong talampakan ang tangkad, hindi kahabaan ang sobrang itim na buhok na hindi lalagpas sa leeg. May nakak'wintas na makapal na kadena sa leeg, mga kamay, mga paa at mayroon itong yakap na manyikang kawangis ng sa sarili.

Minasdan siya ng taimtim ni Josef at gumanti naman ng tingin ang batang babae habang lumalapit sa trono. Tila hindi napapansin ng inosenteng bata ang mga patay na katawan sa paligid. Nasipa pa nito ang ulo ni haring Claude habang naglalakad.

Nang ilang talampakan na lamang ang layo ng dalawa sa isa't-isa ay bigla silang humalakhak ng napakalakas.

Ilang minuto ang lumipas ay tumayo si Josef at matalim na minasdam ang batang babae na kasalukuyan namang nakangiti.

"Maligayang pagbabalik Madrasta ng itim na rosas," Inilahad ni Josef ang kamay sa kaharap na tinanggap naman ng tinatawag niyang madrasta. Hinalikan niya ang kamay ng babae bago muling tumingin dito. "Muli ka nang nakalaya Madrasta Lilith."

"Bibigyan kita ng gantimpala sa pagpapalaya sa akin. Sabihin mo lang kung ano at kung kailan mo kailangan," wika ni Lilith sa tono ng isang batang babae.

"Ikinalulugod kong makatanggap ng gantimpala mula sa madrasta ng kadiliman. Kumusta ang handog ko sa iyo?"

"Medyo makunat na pero nabusog ako, malinamnam at malusog ang katawan ng matandang iyon," Napakagat labi ang madrasta.

"Malusog talaga ang katawan ng isang protektor. Salamat at nagustuhan mo."

Muling nagtawanan ang dalawa at naudlot lang iyon ng dumaing ang isa pang panauhin.

"Maligayang pagdating Anton," bati ni Josef ng masipat ang lalaking may asul na buhok na pumasok sa entrada ng silid.

Yumukod si Anton ng makita si Lilith. Kahit ito ang unanh beses niyang makita ang babae ay alam ng Manson na ito ay kabilang sa kanila. "Maligayang pagbalik Madrasta ng kadiliman,"

"Salamat tapat na alagad mula sa angkan ng Jinn. Ngayon ay oras na upang gawin ang ninanais ni Ysbbah."

Isang nakakatakot na ngiti ang pinakawalan ng batang babae. Ngiting nagbabadya ng matinding kaguluhan.

Walang kamalayan ang buong mamamayan ng Depir na nasa ilalim na sila ng pamumuno ng kasamaan. Nabalot ng dugo ang buong kastilyo ng gabing iyon ng walang nakakaalam. Ano kaya ang kahihitnan nito?

"Nagtagumpay tayo!"

Umalingawngaw sa buong kastilyo ang sigaw ng tagumpay ng kadiliman.


~~~~~

Īspotēre : A combined words. "Īs" is the old english of "ice" while "potēre" is from Vulgar latin means "Power". Īspotēre means "Ice power"

THE REALMS 1 [Unedited.Completed]Where stories live. Discover now