"Ako nang bahalang magtungo sa lugar na iyon," suhestyon ni Cazmir. "Kailangan n'yong maprotektahan ang syudad kahit anong mangyari."

Tumango ang hari kay Cazmir. Pagkatapos noon ay agad naglabas ang huli ng Rodria at nagbigkas ng salamangka. Paglitaw ng puting zirculo ay agad nilamon ng kawalan ang baronprotektor kasama ng isang kawal.

Bumalik ang lahat sa pagbuo ng stratehiya.

"Verdik at Sarto kasama si protektor Ram ay tumungo kayo sa silangan at kanluran, sa unang tarangkahan," utos ni haring Conrad. Napalunok naman si Ram ng marinig iyon. Ito kasi ang unang pagkakataon niya na haharap sa isang totoong labanan bilang isang protektor.

"Protektor Deitrich, ikaw ang bahala sa kahit anong parte ng ikalawang tarangkaran. Habang kami rito sa palasyo ay maghahanda ng buong kawal."

"Heneral Kiwi, tipunin ang lahat ng Grazeper at ihanda sila sa palibot ng kastilyo! Mag-ingat ang lahat, walang mamatay ngayong gabi maliban sa mga kalaban!"

Matapos magkaunawaan ay nagkani-kaniya na ang lahat upang gampanan ang mga tungkulin.

Hindi alam ni Ram kung anong iisipin ng mga oras na iyon. Sa sarili ng binata ay alam niyang hindi pa siya handa sa mga ganoong kaganapan.

Napahawak siya sa kaniyang puso na halos lumuwa na sa sobrang kaba. Ganito pala ang pakiramdam ng sasabak sa isang labanan. "Kaya ko ba talaga ito?"

"Tayo na protektor Ram," anyaya ni Verdik at Sarto matapos mag-ayos ng mga espada. Tumango naman ang binata na pakunwaring kalma lang sa nararamdaman.

"Mag-ingat ka bata," kahit paano ay lumakas ang loob niya sa tapik ni Deitrich at bago maglaho ang ginoo ay nilukuban nito ang mga punong kawal ng engkantasyon bilang proteksyon. "El Arma."

Paglabas ng kastilyo ay sumakay sina Ram, Verdik at Sarto sa Maberdeng dragon. Pansamantalang ipinahiram ang dambuhalang hayop sapagkat hindi pa bihasa si Ram sa salamangka kahit pa may pangilan-ngilan ng naituro si Cazmir.

Paglipad ni Zuldrago ay nakita ni Ram ang napakaraming dambuhalang tipaklong na nakapalibot sa palasyo bilang harang. May mga baluti ang mga ito at bawat isa ay may nakasakay na kawal na siyang nagkokontrol rito.

"Grazeper ang mga iyan," ani Verdik ng makita si Ram na nakatanaw sa mga hayop.

"Iyan ang pambatong hayop at sandata ng Ozhgo," singit ni Sarto.

Napatango lamang ang binata at saka napa-isip. "kaya pala ito ang simbolo ng kaharian ng Ozhgo."

"'Wag kang mag-alala baguhang protektor, magiging ayos din ang lahat," dahil doon ay muling napanatag ang loob ni Ram.






-----

Tahimik ang daungan ng dumating si Cazmir kasama ng isang kawal. Agad nilang tinungo ang sinasabing bagay na kahina-hinala na nakapwesto lang malapit mismo sa barkong nakadaong.

May tatlong kawal na rin doon na nakapalibot sa karwahe at nagbabantay sa kung anoman ang maaaring lumabas mula sa loob.

"May naririnig kaming mga nagsisigawan sa loob subalit hindi namin mabuksan ang karwahe," sabi ng isang kawal habang nakaturo sa bagay na tinutukoy.

Nilapitan ito ni Cazmir at mula sa likod ay binuksan niya ang pinto gamit ang kapangyarihan. Nang sipatin ng baronprotektor ang loob ay bigla na lang bumulusok papunta sa kaniya ang isang itim na bolang enerhiya.

Nakayuko si Cazmir kaya tumama ang bolang enerhiya sa mismong barko na nasa likuran. Napinsala ang barko na nagtamo ng malaking butas sa bahaging tinamaan.

THE REALMS 1 [Unedited.Completed]Where stories live. Discover now