"Hoy James tumahimik ka nga dyan." Suway ni Janna.

Ako hinayaan ko nalang. Nag-iinit dugo ko.

"Nakakagulat lang 'no? Si Lance biglang papasok dito may kasamang babae? At pinatabi pa sa kaniya? Eh ang cold cold nyan eh. Wala yan pakialam sa tao sa paligid nya eh. Paanong yan..." Sabi ni Chelsea.

Lalo ako naiinis. Oo nga. Sino ba yang babae na yan kasi?

"Good morning class!" Ayan na prof. Balik na ako sa upuan ko sa tabi ni Lance.

Bale eto arrangement.

James - Adrian - Chelsea - Janna

Vacant - New Girl - Lance - Ako

Kainis lang.

Tahimik ako. Pero nakikita ko sa peripheral vision ko na nakikinig lang si Lance sa prof pati yung new girl.

"Class may new student tayo. Trasferee sya from Korea. Miss Kim magpakilala ka sa kanila."

So sya pala ay transferee? How come kilala niya agad si Lance?

Psh.

Nasa unahan na yung girl. She's smiling. Aminado ako, cute siya at mukhang inosente parang si Chelsea. Eto nga lang parang mukhang naïve.

"Hi ! I'm Nicole Kim. Sana po maging friends tayong lahat. I'm harmless and... cute!" Cheerful na sabi niya.

Hindi sana ako mag-re-react pero nakita ko sa peripheral vision ko na..

Si Lance ngumiti?

What is the meaning of this? Ganun ganun lang napangiti sya si Lance? Ano bang meron sa kanila?

Bakit ganon.

Parang nagseselos ako?

Waaah! Hindi.

Hindi nako makapagpigil. Habang kausap sandali ng prof yung Nicole na yun, humarap na'ko kay Lance.

"Sino sya?" Tanong ko.

Seryoso syang tumingin sakin. "None of your business." Pagkatapos inirapan ako.

None of my business? "I'm your fiance." Sabi ko. Naiinis nako talaga.

"So?"

Nakakabwisit lang. "K." Sabi ko saka tumingin nalang sa unahan. Pabalik na yung girl sa upuan.

Bakit ganon si Lance? Masama bang malaman kung sino yun?

Psh. None of my business huh? So pala ha? Okay. Hindi kita papakialamanan.

"Lance, sabay tayo mag-lunch maya."

Narinig kong sabi nung girl.

"Sure." Sagot ni Lance.

Wow talaga. Sila na close! Sige. Aish.


Lance POV

Ayos din. Alam kong naiinis na si Yumiko. Akala nya ha?

Magsama sila ni Enrique, andito naman si Nicole. She's really cute. Ngayon lang ako natuwa sa ka-cute-an ng isang babae.

Hindi ko intensyon na inisin si Yumiko. I'm just being myself. Mukha namang hindi ako maboboring kay Nicole kesa sumakit lang ang ulo ko dyan sa magaling kong fiance.

Gulat ba sya?

Sorry sya dahil malayong-malayo siya kay Nicole.

Wala ngang kahirap-hirap napapangiti ako ni Nicole at hindi ko alam kung bakit hindi ko rin siya matanggihan. Mukha kasi syang anghel.

Marry YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon