Tumango lang ako at tatalikod na sana ng bigla niya akong hawakan sa braso. "New student ako rito. Transferee. Pwede mo ba akong hatid sa room ko?"

Maganda siya. Mukhang inosente at mabait. "Okay." Sabi ko nalang. Hindi ko alam kung bakit napapayag nya ako agad.  

Naglakad na kami. "Ako nga pala si Nicole. Anong pangalan mo?"

"Lance."

"Okay."

"Anong room mo?"

"201."

Huh? "We're in the same room."

"Talaga? Wow. Destiny!" Masayang sabi ni Nicole.

Hindi ko alam pero napangiti ako sa inasal nya. Para syang bata. At napaka-light ng personality niya. Yung tipong magaan agad loob ko sa kaniya kahit ngayon ko palang sya nakita.

Hindi ko alam kung bakit.



Yumiko POV

"New comer ba yan?"

"At kasama pa siya ni Prince Lance!"

"Baka pinsan?"

"Baka new girl?"

Nakakabingi ang mga kaklse namin na nasa may pinto. Napatingin lang ako ng marinig ko ang pangalan ni Lance.

Andito kasi ako sa loob ng room kadaldalan sina Chelsea at James pati si Janna.

Itutuloy ko na sana ang pakikipag-kwentuhan ng may biglang pumasok sa room.

Si Lance may kasamang babae?

Bagong mukha?

Bakit..

Bakit parang biglang naiinis ako? Bakit parang nakaramdam agad ako ng selos. Tapos pinaupo pa niya sa tabi niya. Edi mamaya pinaggigitnaan namin nung girl si Lance?

Ako nga ayaw pa paupuin dati sa tabi niya.

"May girlfriend si Bro?" Tanong ni James.

"Ano kaba James, ayan fiance nya." Turo sakin ni Janna.

"Ay oo nga. Sorry Yumi. Sandali." Sabi ni James at lumapit kay Lance at dun sa babae.

"Bro! Sino sya?" Tanong ni James.

"None of your business. Wag kang istorbo." Sabi ni Lance saka umub-ob sa desk.

Grabe wag istorbo? So sino nga yun?

Kating-kati na ang dila ko na magtanong. Kasi naman fiance nya ako.

"Hi. Ano ka ni Lance?" Tanong ni James sa babae.

She looks so innocent at mukhang.. basta!

"I'm Nicole. Destiny ni Lance." Nakangiting sagot nung babae.

De...

Destiny?

WTF!

"Hahaha. Destiny talaga? Ayos ah." Sabi ni James saka bumalik dito samin ni Chelsea. Dito kasi ako nakaupo sa upuan ni Adrian. Wala pa kasi.

"Yumi, destiny daw ni Bro." Mukhang nang-aasar pa.

Sumimangot ako.

"James wag mo ng asarin si Yumi." Sabi ni Chelsea.

"Hindi ko sya inaasar. Sinabi ko lang naman yung sinabi nung babae. Maganda siya ah. Galing pumili ni Bro."

Hindi pala nang-aasar?

Marry YouWhere stories live. Discover now