"Hindi pa eh. Pero nakita ko sya sa school."

"Hmmm..." Humigop sya sandali ng kape. "...Kamusta ka pala sa school? Mama told me sa Section E ka daw napunta."

Napahimas ako ng batok. "Oo eh."

Galing nga din pala si Kuya Angelo sa HVIS(Higher Value International School). Hindi ko nga lang alam kung may alam sya tungkol sa kasalukuyang Section E.

"Kuya..." Panimu. "...May alam kaba tungkol sa Section E?"

Tinignan nya ko. "Yeah..."

Lumapit ako sa kanya. "Mag-kwento ka naman."

Kita ko yung pag-aalangan ni Kuya. Para bang may tinatago sya. Hindi maganda yung pakiramdam ko sa istura nya.

Mukang may something!

"Wala talagang Section E non, nagkakaroon lang kapag may mga students na nagkaroon ng kaso sa school---mga pasaway to be specific. Nung una nasa lima or anim na students lang ang nasa Section E hangang sa tumatagal dumadami na."

"Once na nabuksan ang Section E na yun at dun na sila nailagay hindi na sila makaka-alis. For example 1st year ka pa lang at nailagay kana sa section na yun, hindi kana makaka-alis hangang sa maka-graduate ka."

Ang haba ng explanation nya. Kaya pala sabi ni Aries bagay ako sa section na yun. Pasaway kasi ako!

"Anu pa?"

"Uhmmm... Hindi ko sure kung same ng batch namin yung batch nyo.... Kasi samin puro sanggano at hindi maawat ang napupunta sa section na yun. Hindi sila makasuhan ng expaltion dahil may mga backer sila."

Ahh.. Ganun pala yun.

"Eh bakit walang babae sa Section E?"

"Hindi ako sigurado pero dati pang wala'ng babae sa Section E. Minsan may nasasalit kagaya mo pero inililipat din sila agad... Siguro dahil hindi naman ganun kabarumbado ang mga babae sa school."

Nahiya naman ako sa barumbado.

"Kaya kung magpapakatino ka baka ilipat ka din nila agad sa ibang section."

"Hhmmm.. Okay naman ako sa Section na yun. Baka dun nalang ako."

"Ikaw bahala..."

Kasi kahit nakakatakot sila minsan muka naman silang mabait. Tsaka ayoko pang mang-husga ng dahil sa Section E sila.

Marami pa kong gustong itanung kay Kuya kayalang nakalimutan ko na. Kakain muna ko at mamaya ko nalang iisipin ulit kung anu yun.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagkain ko ng magpaalam syang umalis. Babalik nalang daw ulit sya mamaya. Okay lang, baka maalala ko na yung itatanung ko.

Pagkatapos kumain mabilis akong naligo at nag-ayos. Balak ko kasing maglakad papasok ng school. Titignan ko kung ganu kalayo yung school sa bahay.

Pagbalik ko sa kusina para kumuha ng inumin nakita ko si Tita Gema.

"GoodMorning po Tita.." bati ko sa kanya.

Ngumiti naman sya sakin. "GoodMorning din.. Papasok kana?"

"Opo.. Balak ko pong maglakad papunta sa school. Titignan ko po kung ganu kalayo."

"45mins.."

Taka ko syang tinignan. "Po?"

"45mins bago makarating sa school kung maglalakad ka lang."

Ganun pa rin yung tingin ko sa kanya. Panu naman nya kaya nalaman yun?

"Naglalakad lang din ako nun para makapasok sa school. Dun din ako nag-aral eh."

Napa-ahh nalang ako. Astig ni Tita, ginawang walking distance ang school sa bahay.

"Marami akong alam na short cut... Gusto mo turo ko sayo?" Tanung nya sakin habang nakangiti.

Nag-nod naman ako. Agad syang kumuha ng papel para ibigay sakin ang instruction. Napaka-rami'ng Streets. Meron pang Avenida St., Bonifacio St., Aquino St. Atbp.

Pagkabigay sakin ni Tita nung papel agad akong umalis. Grabe! Daig ko pa si Dora sa pag-explore. Una kong sinubukan yung iskinita'ng pinaka-malapit sa bahay.

Calla Street ang nakapangalan dun. Ayon sa instruction ni Tita pwede kong piliin yung sunod na street para makarating sa susunod pang street.

Camella Street naman ang sunod then Aquino Street. Papasok na sana ko ng Aquino Street pero napahinto ako sa eksena.

May nag-susuntukan. Isa'ng lalaki pinag-tutulungan yung tatlong lalaki. Huh?! Tama ba?! Oo! Bagsak na yung tatlong lalaki tapos sipa parin ng sipa yung lalaki'ng nakatayo.

Pano kaya ako dadaan? Makipot kasi yung daanan. Nakaharang pa sila. Kung hihintayin ko naman sila'ng matapos baka abutin ako ng syam syam.

Haaaaayyyyy!!! Wala akong choice!

Lumapit ako sa kanya pero may distansya. Sakto lang para marinig ako nung lalaki.

"Uhmmm... Excuse me! Makikiraan po----"

"KUNG GUSTO MO PA MABUHAY UMALIS KA DITO!" Galit na sigaw nung lalaki.

Nag-salubong ang kilay ko sa sinabi nya. Pwede naman nyang sabihin ng maayos. Nakatalikod sya sakin kaya hindi ko makita yung muka nya pero parang taga-HVIS din sya dahil sa uniform.

"Aalis ako kung padadaanin mo ko!" Mataray na sagot ko sa kanya.

Bigla syang huminto sa pag-sipa dun sa mga lalaki. Kita ko yung pag-kuyom ng kamao nya.

Hala! Nagalit ata!

Humarap sya sakin at tinignan ako ng masama. Nakakamatay yung tingin nya pero agad ding nawala yun ng makilala nya ko.

Classmate ko to eh! Hindi ko lang maalala yung pangalan nya. Kasi hindi ko pa rin alam at inaalam.

"Jay-jay?" Ngumiti sya sakin na parang walang nangyari. "..Classmate mo ko, remember?"

Tumango lang ako at dire-diretsong naglakad. Nilagpasan ko lang yung mga lalaki'ng nakabulagta sa daan. May dugo na sa muka yung iba.

"Teka! Papasok ka na?"

Hinarap ko sya at tumango.

"Sabay na tayo... Tapusin ko lang sandali to." Sabi nya sabay turo sa mga pinag-sisipa nya.

"Tapusin? Bagsak na yang mga yan... Anu pang tatapusin mo?"

"Hindi pa... Gusto ko dumudugo yung mga muka nila bago ko umalis." Ngumiti na naman sya.

Ang brutal nito. Papatayin ata yung mga lalaki.

"La! Bahala ka dyan. Aalis na ko!"

Nagpatuloy na ko sa paglalakad kahit dinig kong tinatawag pa rin nya ko.

Ang bata nya tignan para makipag-away. Malaki pa nga ako sa kanya eh. Medyo maluwag sa kanya yung uniform nya kaya lalo'ng syang lumiit. Black ang buhok at medyo singkit. Cute sya kapag ngumingiti.

Dapat pala inalam ko muna mga pangalan ng classmate ko. Kahit lista ko muna sa papel. Si Felix, Keifer at Yuri pa lang yung kilala ko---

"Wait lang!" Dinig kong sigaw nya.

Hindi na ko lumingon dahil sa sigaw pa lang nya obvious na tumatakbo sya.

Hinawakan nya ko sa balikat ng maabutan nya ko. Naghahabol sya ng hangin at napahawak nalang sa tuhod bilang suporta.

"S-sabi ko... Hintayin mo ko..." He said while catching breath.

"Baka malate ako kapag hinintay kita..."

Umayos sya ng tayo. "Hindi yan.. Maaga pa kaya."

Hindi na ko nagsalita at bumalik nalang sa paglalakad. Sumunod naman sya sakin.

"Ako nga pala si Ci-N..."

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon