Lunch time naman na kaya naisipan kong dumiretso sa cafeteria para maglunch. Pumasok ako sa loob at pumila.

Busy-busy ako sa pagtingin habang nakapila ng may marinig akong pamilyar na boses.

"Nakakatawa talaga yun.. Hahaha.." si Rakki at mga classmate nya. Agad akong tumalikod sa kanila.

Bakit ang haba ba nitong pila na to?!

"Hey Rakki..." Dinig kong may tumawag sa kanya. Hindi naman sa tsismosa ako pero hindi ko maiwasan na hindi makinig.

"Watsup Mykel?" Bati ni Rakki.

"Balita ko nakaharap mo daw yung transferee.. Anu masasabi mo?"

Ako yata yun? Pinag-uusapan nila ko.

"Uhmmm.. She's pretty and a little noob."

Matutuwa ba ko? Pinuri ako at the same time ininsulto. Anu kaya yun?

Bakit ba ang slow nitong pila?

"Hahaha.. What do you mean?"

"Sa section namin sya pumasok instead na sa room ng Section E."

Bigla nalang sila nagtawanan at pati mga classmate ni Rakki. Nakakahiya!

"Nakakahiya ata yun.."

Sinabi mo pa! Umusad na yung pila at nakarating na ko kay Ate'ng tindera. Dalawang meal yung binili ko at alam kong mapapalaban ako. Bumili na rin ako ng malaking Piattos, Nova at Cheappy.

Pina-take out ko lang lahat dahil wala akong balak ipakita yung sarili ko sa Section C. Kakahiya kaya!

Nakuha ko na yung binili ko at mabilis akong naglakad papuntang pinto ng cafeteria pero napatigil ako ng makasalubong ko si Aries. Pinsan ko.

Agad na nagsalubong yung kilay nya ng makita ako. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Lagot na!

"Hey Aries! Dito!" Sigaw ni Rakki.

Pero hindi rin sya gumagalaw at kahit ako ganun rin.

Naramdaman kong may lumapit samin hangang sa...

"Jay-jay? Andito ka pala.." bati ni Rakki sakin. "...Guys andito yung transferee."

Inakbayan ako ni Rakki at iniharap sa mga tao sa cafeteria. Huli na para pumalag ako.

"She's Jay-jay... Yung sinasabi ko kanina." Pakilala ni Rakki.

Napayuko nalang ako. Hindi ko alam kung kanino ako dapat mahiya. Sa mga tao dito o kay Aries.

Lumayas kasi si Aries sa kanila ng malaman nyang sa kanila na ko titira. Hindi maganda ang relasyon namin dahil sa mga pinag-gagawa ko dati.

"So Jay-jay... How's your experience with Section E?" Tanung nung isang lalaki. Sya ata yung Mykel.

Hindi ako makasagot. Ayokong sabihin sa kanila na pinag-tripan na ako ng buong Section E. At baka isipin din ng section E na nagsusumbong ako.

"A-ayos lang... M-mabait sila sakin." Sagot ko habang nakapilit ng ngiti.

"I think that's a lie. Section E are all barbaric. They have records inside and outside of school." sabi ni Rakki.

Nalukot ang noo ko sa narinig ko. Grabe naman sa Barbaric. Halimaw lang ang datingan.

"No need to worry... Jay will fit well on that Section." Aries said.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anung ibig nyang sabihin dun.

Alam kong mapapahiya lang ako dito ng ilang beses pa. Inalis ko yung pagkaka-akbay ni Rakki sakin ng dahan-dahan.

"R-rakki... Kailangan ko na kasing umalis. Pasensya na."

Hindi ko na hinintay sagot nila. Agad akong umalis ng cafeteria. Ewan ko ba sobrang nakakailang yung atmosphere dun.

Nahihiya din kasi ako kay Aries.

Dati akong pala-away sa dati naming school. Broken family kasi kami kaya nag-rebelde ako. Kinuha kasi ako ni Lola para alagaan at pagbabaka-sakali na magiging maganda ang buhay ko sa kanya pero wala ring naging epekto yon.

Hangang sa inatake si Lola sa puso ng dahil sa pakikipag-away ko. Nagalit yung mga tita ko sakin, except kay Tita Gema----Nanay ni Aries. Sya lang nagparamdam sakin na hindi ko kasalanan lahat.

Dahil sa nahiya na ko kay lola, nagpaaalam na kong aalis na lang. Kinuha ako ni Tita Gema dahil wala naman daw silang anak na babae. Pumayag ako at nangako na rin kay Lola at sa iba pa na aayusin ko na yung buhay at sarili ko.

Pagdating sa kanila akala ko magiging okay na rin ang lahat pero nagalit si Aries ng makita ako. Kung hindi daw ako aalis sya nalang daw. Wala namang ginawa si Tita kaya umalis si Aries at dito nalang kami nagkita.

Sobrang hirap para kay Tita Gema yun. Ramdam ko at hindi nya kailangang sabihin. Kung alam lang ni Aries na nagbago na ko.

Nakarating ako sa building ng Section E ng hindi ko namamalayan. Teka!

Hindi pa ko pwedeng pumasok don. Sure akong pagtitripan nila ako at hindi ako makakain ng maayos.

Tumingin ako sa paligid ko. Naisip kong kumuha ng table at bangko na medyo matino pa sa paningin ko at dun ako pumwesto para kumain. Binuksan ko yung unang meal na binili ko.

Nilagyan ko na rin ng panyo yung blouse ko. Baka matalsikan ng ulam, mahirap na.

Simpleng blouse na may black necktie at paldang two inch above the knee ang uniform namin. Sa necktie na ka indicate kung anung year na kami. Meron stripe na kulay white. Dahil fourth year na kami, apat na stripes.

Naubos ko na yung unang meal at bubuksan ko na sana yung pangalawa ng may humablot dito. Mabilis, daig pa si Flash.

"Akin na lang toh!" Sigaw nung umagaw ng meal ko. Sure akong classmate ko sya.

Wala na kong nagawa. Naglapitan na rin yung ibang classmate namin sa kanya at parang mga patay gutom na nakipag-agawan.

Nakita ko si Keifer na nakasandal sa pader. Nakatitig lang sya sa mga classmate naming nag-aagawan.

"Mamigay ka!"

"Pahingi kami!"

"Akin to!"

Mga patay gutom talaga. Hindi ba sila nagsipag-lunch?

"Pagpasensyahan mo na, gutom lang ang mga yan." sabi ng kung sino.

Napatingin ako sa nagsalita na ngayon ay katabi ko na. Kabuti? Pasulpot-sulpot lang?

Sya yung isa sa nakausap ko kanina. Yung kasama ni Keifer. Kulay brown ang buhok.

"Ako nga pala si Felix..." pakilala nya at nilahad ang kamay.

Pero hindi ko sya pinansin. Anu sya swerte? Matapos nila kong iligaw kanina. Manigas!

Kinuha ko nalang yung malaking Piattos sa bag ko. Bubuksan ko pa lang yun ng bigla na namang hablutin ng kung sino.

"Hoy Aba!" Sigaw ko.

Nawala na ang kawatan. Natubunan na ng mga patay gutom naming classmate. Hanu ba yan?

Anu ba tong mga classmate ko? Buwitre? Daig pa agila sa pagdagit ng pagkain.

"Hahaha... Wag ka munang maglabas ng pagkain." Sabi nung Felix.

Iritable ko syang tinignan. "Anu ba yang mga classmate mo? Patay guts lang?"

Natawa sya sa sinabi ko. "Hahaha.. Medyo."

Pakiramdam ko na-drian lahat pagkain ko sa inis sa mga classmate ko. Ikinalat lang nila sa lapag yung mga pinagka-inan at pinagbalatan.

Gutom na gutom lang?


Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon