Bukod sa'min dalawa ay may mga kinuhang taga-pangalaga ng bahay si Tita. 

Isa si Maria 'dun. Siya ang nakatalaga para maging personal maid ko. Gusto kong tanggihan ang serbisyo ni Maria sa'kin, dahil hindi ako sanay na may nag-aalaga o inuutusan. Pero nang malaman kong mawawalan siya ng trabaho kung hindi ko siya tatanggapin ay nakumbinse na ako. 

Alam ko ang pakiramdam na maghanap ng trabaho para sa ikabubuhay ng pamilya. HIndi ko maatim na ipagkait sa'kanya 'yun. 

"'Yung natirang cake at juice na lang, Maria. Hindi pa naman ako nagugutom." ngitian ko siya at gayun din ang ginawa niya bago nagpaalam. 

Halos kaedaran ko lang si Maria. Tantya ko nga ay hindi kami nagkakalayo ng karanasan sa buhay. Balita ko kasi ay pinag-aaral din niya ang mga kapatid niya sa probinsya. Siya rin ang inaasahan ng kanilang pamilya. Pero hindi tulad ko, hindi siya pinalad na makapag-aral.   

Bumalik sa makalat na lamesa ang paningin ko. 

Nakalatag 'dun ang napakaraming papel na kakailanganin kong matapos basahin at gawan ng background write up. Nakakatatlo palang ako at hindi ko na ma Buti na lang at ipinahiram sa'kin ni Chrome ang spare laptop niya. Itinali ko na lang ulit ang buhok ko bago nagsimula sa pagtatype ng mga 'yun.

Nakakailang pahina pa lang ako ng bumalik si Maria. Hindi ko na sana siya lilingunin kung hindi lang biglang natapon sa mismong laptop ang juice na ilalapag sana niya. 

Napamura ako sa pagkabigla. Agad akong tumayo upang habulin ang ilang papel na nakapatong sa lamesa na unti-unting nababasa ng tumapong juice. 

"Naku, Mam. Pasensya na po." natatarantang dinig kong sabi ni Maria. 

Hindi ako makakibo sa paumanhin niya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa nasasaksihan ko. Ang kaninag tuyong-tuyo at ginagamit kong laptop ay puno na ng kulay orange na juice. 

Sinubukan niyang punasan ang ibabaw ng keyboard gamit ang apron niya. 

"Hindi ko po sinasadya. Hindi ko po alam na matatapon." mangiyak-ngiyak na siya sa paghingi ng sorry sa nagawa niya. 

Parang gusto kong mainis sa nagawa niya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Chrome ang nangyare sa laptop niya. At mas lalong hindi ko alam kung gagana pa ba ang laptop matapos ang nangyare. 

Pinagmasdan ko lang na mataranta si Maria. Ayokong magsalita agad dahil baka madala ako ng emosyon ko at makapagsalita ng hindi tama. 

Pinilit kong kumalma bago magsalita. Nilapag ko sa kabilang upuan ang ilang papel na naisalba ko. "Iwanan mo na lang, Maria. Makakabalik ka na sa kusina." pagtitimping pagpapaalis ko sa'kanya. 

Napahinto siya sa ginagawa. Nakalabi siyang tumingin sa'kin. Kitang-kita ko ang pangamba sa mga mata niya. 

"Mam..." aniya. 

Gusto kong siyang sigawan. Pero nang makita kung gaano siya natatakot sa gagawin ko, wala na kong nagawa kundi paalisin na lamang siya. 

"Just go, Maria. Hindi kita sisisantihin. H'wag ka mag-alala." 

Tuluyan siyang umalis sa harapan ko. Naiwan akong nakatitig sa mga nabasa kong papel at sa laptop na hindi ko sigurado kung gumagana pa. 

Nakumpirma ko ang kinatatakutan ko ng subukan kong tipahan ang keyboard. Walang letrang lumabas. Hindi rin gumalaw ang cursor kahit anong gawin kong galaw sa mouse. 

Ilang oras kong sinubukan patuyuin ang mga papel. Ayos lang sana ang nangyari sa mga 'yun dahil babasahin ko lang naman, pero ang nabasang laptop ang talagang inaalala ko. 

Substitute Bride (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon