3: Cheap Thrills

2 0 1
                                    

"So, Jade Emerald, dito ka rin ba sa building na to nakatira?" tanong sa akin ni Gion sabay subo ng pagkain niya ng nakatingin sa akin. Nakatingin din si Rakuzan at mukhang naghihintay din ng sagot ko.

"Jade na lang. Masyadong mahaba ang Jade Emerald." Awkward akong ngumiti. Nakakaloka naman to. "And yes, dito rin ako nakatira. Hehe. Sa 12th floor." At sinubo ang Calderetang niluto ni Rakuzan. Nalaman ko kasing nasa 25th floor kami.

Mmmmm! Ang sarap naman nito. Pwedeng iuwi ko nalang si Rakuzan?  

Umayos ka Jade!

"You're a photographer?" Tanong ulit ni Gion. 

"Yeah." Sagot ko at sumubo ulit ng Caldereta. "Ang sarap naman nito." Wala sa sariling komento ko.

"Thanks." Sagot ni Rakuzan.

"Pasensya pala sa nakita mo kanina, Jade." Tumingin ako kay Gion ng nagtatanong na mukha.

"Bakit? Para sa- Oh. The kiss. It's fine." Nakangiting saad ko. "Nagulat lang ako. No offense ha? Ang guwapo at well, magandang mga lalaki kayo so nagulat lang ako. Di ko talaga inakala. Ako dapat ang nagsosorry e."

"Still. Nahimatay ka sa sobrang gulat." Tumatawa na sabi ni Gion. Masayahin talaga itong lalaking to. Di gaya ni Rakuzan na nakatingin lang sa amin.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay kami lang ni Gion ang nag uusap.

Masaya naman.

Nagkaroon din ako ng background info sa kanila.

Model nga talaga si Gion at isa pang kinagulat ko, he's a freaking Doctor! Doctor, bes! DOCTOR!

Akala ko nga noong una nag jojoke siya. Pero ng sumabat na si Rakuzan, doon na ako naniwala. Grabe!

Hindi na nga ako masyadong nagtatanong pero itong si Gion kung ano anong kinikwento. Bat di niya hawaan si Rakuzan ng dumaldal din.

10 pm ng maisipan kong umalis. Nagpumilit pa si Gion na ihatid ako pero tumanggi ako. Nakakahiya naman. Pinakain na nga ako tapos ihahatid pa.

"Okay lang talaga. Kaya ko naman."

"I'm being gentleman here." Nakangiting sabi niya. "At pathank you and pasorry na rin."

"Hala! Okay lang. Hahaha. Masyado na akong nakakaabala sa in-"

"Ako na maghahatid sayo." Biglang sulpot ni Rakuzan sa likod ni Gion. Mygosh! Muntik na akong magulat. Ang seryoso kasi ng boses at yung tingin sakin, parang may ginawa akong masama.

"Don't scare her Raku. Ano ka ba." Shet! Ngayon lang napansin na Ang cute pala nila. OMG!

"No. Okay lang talaga ako. Believe me." Pagpupumilit ko.

"No, you are not. You will be carrying this box, by the way." Sabay pakita ni Rakuzan sa hawak niyang kahon. Shet! Muntik ko ng makalimutan yan.

Sa sobrang persuasive ng dalawa ay napapayag nila ako. In the end, si Rakuzan ang naghatid sa akin.

Sobrang awkward! Shet!

Walang nagsasalita sa amin noong nakasakay kami sa elevator.

"Thank you sa tulong pati na rin sa foods. Hehe" sabi ko ng makarating na kami sa pinto ng condo ko.

Tumango lang siya.

Eww.

Suplado.

Inabot ko ang kahon ng ibigay niya sa akin ito. Hindi ko na siya niyaya sa loob. Wala naman siyang gagawin doon e.

"Your name's Jade, right?" Tanong niya. Tumango naman ako. All this time? "You see, me and Gion is in discreet relationship so if you could just-"

"Oh. I get it, Rakuzan. Don't worry. Hindi ko naman ipagkakalat or ipagsasabi or the likes. Jusko!" Natatawang sabi ko. Akala niya yata chismosa ako.

Tumango siya.

"Sige. Thank you ulit."

"Welcome." At tumalikod na siya palakad papuntang elevator.

Suplado pa din.

Pero ang guwapo niya! Argh!

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Dec 28, 2016 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

In BetweenWo Geschichten leben. Entdecke jetzt