2: Wake Me Up

3 0 2
                                    

"What do you think you're doing, Gion?"

"What? Don't look at me like that? Kusang lumalabas ang pagkagentleman ko. You can't blame me. Haha."

Ang ingay naman ng mga lalaking to. Hindi ba nila nakikitang may natutulog na magandang binibini dito. Argh! Wait. Lalaki? LALAKI? Walang lalaki sa condo ko at never akong nagpapapasok ng tao.

Bigla akong napamulat sa narealize ko at bumangon para tignan kung nasaan ako.

Isang black leather couch ang pinaghigaan ko. Nasa tabi ng malaking bintana ang couch at kita mula dito ang mga nagkakandarapang sasakyan na gusto ng makauwi mula sa ibaba. Makikita rin ang napakakulay na citylights na siyang gustong gusto ko. High ceiling ang unit na ito at may second floor pa na kinulayan ng black and white na siyang halos kulay ng unit. 

Plain yet beautiful. Boring yet interesting.

Pero wititit!

"Nasaan ako?!" Hindi natabunan ng pagkamangha ang pagpapanic ko. Sino ba naman ang matutuwa kung magising ka at nasa ibang bahay ka?

"You're awake." Nakangiting sabi ng pogi sa harap ko.

Siya! Siya yung nakita ko sa parking area. Yung.. yung..

"Raz! Gising na siya!" Sigaw ng pogi sa harap ko. Agad namang lumitaw ang seryosong lalaking sa tingin ko ay siyang tinawag niya.

Muntik na akong tumili sa sobrang kilig dahil nakaapron ang dumating. Like, Oh MY GAWD! Ang hot niya. Shet! May dalawang Adan sa harap ko, na baka maging Eba na. Huhuhu. Pero teka nga!

"Teka teka nga lang! Paano ako napadpad dito? At sino ka?! At sino siya?! Sino kayo?!" At bakit ang guguwapo nyo?! Nagpapanic ko ng tanong. Gusto ko sanang idagdag ang huli pero wag na. Baka di nila prefer ang guwapo. Pero kasi! Huhuhu.

"Chill Miss. Tinulungan ka lang namin." Nakangiting tugon ng lalaking nasa harap ko. Guwapo ngang tunay gaya ng unang pagkakita ko sa kanila kanina sa parking area. Hindi ako niloloko ng mga mata ko.

Pero hindi dapat ako mahulog sa mga ito. Dahil walang sasalo sa akin. Walang wala!

"At bakit niyo naman ako tutulungan ha?! Wala akong maalalang humingi ako ng tulong sa inyo." Kaimbyerna to. Totoo naman. Hindi ko nga maalala kung paano ako napadpad dito. Lumalabas pagkamaldita ko tuloy.

"This stranger can't even thank us." Seryosong sabi ni Kuyang nakaapron na may galit na mga mata.

Anong ginawa ko sa kanya at kung makatingin akala mo ang laki ng atraso ko.

"Don't mind him. I'm Gion, by the way, and that grumpy guy is Rakuzan." Lumapit naman ang lalaking si Rakuzan at tumabi kay Gion. "Mukhang wala kang naalala sa nangyari kanina." Kumunot naman ang noo ko at pilit inaalala kung ano man ang sinasabi ng Gion na ito.

"You suddenly fainted when you saw us kissing in the elevator, that's what I assume." Seryosong paliwanag ni Rakuzan.

Ngayon ko lang napansin na mas guwapo siya kay Gion na palangiti. Legit na legit ang kaguwapuhan ng isang to. Napakagandang lahi. Mas firm at malaki ang katawan, halata ito dahil sa yumayakap na apron sa kanya. Ang swerte naman ng apron na iyan. Inggit naman ako. At kung tititigan mo ang mga mata niya, para kang hinihigop papalapit sa kanya. Maraming laman na emosyon at kaya niyang kontrolin ang mga ito. Gusto ko siyang lapitan at pag aralan pang mabuti pero pinigilan ko ang sarili ko. Jade! Mahiya ka!

Sa kabila ng pagnanasa ko ay pilit kong inalala ang sinabi nilang dalawa.

O.M.G!

Sa sobrang pagkabigla ko sa nakita ko kanina ay nahimatay pala ako. 

Nakakapanghinayang sila. 

I'm not against in any LGBT relationships pero nakapanghihinayang kasi. Sayang lahi nila. I crei, bes.


"Oh my gawd! I'm so sorry. I'm really sorry. Hindi ko agad naalala. Sorry!" Pauulit ulit akong humingi ng paumanhin. Tanga mo Jade! Ang lakas mong magmaldita eh mali mo naman pala. Stupid Jade! Stupid!

"Now you remember. Haha. It's okay. Ano palang pangalan mo?" Nakangiting tanong ni Gion.

Ano bang meron at kanina pa nakangiti ang isang to. Pero kahit nakangiti siya, hindi pumantay ang kaguwapuhan niya sa kaguwapuhan ni Rakuzan. Hindi pa nakangiti si Rakuzan niyan. Paano na lang kaya kung ngumiti pa siya. Tangina yan! Shet! Nakakapagmurang kaguwapuhan, ika nga. Iniimagine ko palang nagmumura na ako. Haha. Baliw na yata ako bes.

"I'm Jade Emerald Sta. Maria. Jade for short." Inabot ko ang kamay ko para sa shake hands na siya namang inabot ni Gion.

Iniabot ko din kay Rakuzan. Pero alam mo kung ano ang ginawa niya bes?! Tinignan niya lang bes! Tinignan niya lang. Hindi naman siya mukhang nandidiri o ano. Pero hindi niya inabot. Ang suplado naman netong Rakuzan na ito. Tumalikod ito at mukhang babalik sa pinanggalingan niya.

"Tss. Stay. Dinner's ready. Sumabay ka na sa amin bago ka umalis." last words ni Rakuzan bago tuluyang mawala sa paningin ko.

Hindi naman pala totally suplado. May itinatago naman palang bait kahit papaano.

"Pagpasensiyahan mo na ang isang yun. Suplado masyado." Paliwanag ni Gion.

"Okay lang." Nakangiting sagot ko.

"Shall we?"

Buong puso akong tumango at dumiretso sa happily ever after.






Chos!

Sa dining area lang pala, bes.

In BetweenWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu