"Here's your order ma'am,"

Napaangat ako ng tingin nang may inilagay na pagkain at inumin ang isang waitress sa aking mesa. Napakunot ang noo ko.

"Nagkakamali ka, hindi ako nag-order," nalilitong sabi ko. Ngiti lang ang sinukli nito sa akin bago siya walang imik na umalis.

Kumabog na naman ng malakas ang puso ko. Iba ang nag-order sa akin. At natatakot ako kung sino ang taong iyon. Hindi naman siguro siya, diba?

Hindi ko na nilibot ang aking paningin sa takot na baka siya nga ang nag-order para sa akin at na baka narito rin siya. Dali-dali kong niligpit ang aking mga gamit tsaka ako nagmamadaling umalis nang hindi man lang ginagalaw ang pagkain sa aking mesa. Basta ang alam ko, kailangan ko nang makaalis sa lugar na iyon.

Nakasakay na ako ng jeep ngunit hindi pa rin ako mapalagay. Ngayon ay malakas na ang kutob ko na narito lang sa paligid si Tyler, minamanmanan ang bawat galaw ko. Namawis ako sa kaba at takot.

Nanginginig kong nilabas ang aking phone. Balak ko sanang tawagan si Enayis ngunit nakita kong meron na pala akong 5 missed calls galing sa kanya. Bago ko pa man siya matawagan ay naunahan niya na ako. Agad ko iyong sinagot.

[Thank God you finally answered!]

Tila nakahinga ng maluwag na sabi nito. Pero taliwas no'n ang nangyayari, walang dapat na ikaluwag ng loob sa ngayon.

"E-Enayis..." Nanginginig kong sambit sa kanyang pangalan.

[Zafina! Are you alright?! Anong nangyari?! You seems trembling!]

"H-He's here,"

[Oh my God! Where are you?! Are--]

Nagulat ako nang wala na akong marinig mula sa kabilang linya. Tinignan ko ang screen ng aking cellphone at napamura na lamang ako nang makitang ubos na ang baterya nito. Mas lalo akong nahintakutan, kanino ako hihingi ng tulong ngayon? Wala na akong magagamit na teknolohiya para makipag-komunikasyon.

Kailangan ko lang naman ng kaibigang makakasama, nagbabakasakali akong hindi makakalapit sa akin si Tyler kung may iba akong kasama, kung talaga ngang narito lang siya sa paligid. Bumuga ako ng hangin. Hindi ako dapat mataranta, wala iyong magandang maidudulot sa akin. Ang importante ngayon ay makaisip ako ng mapupuntahan kung saan hindi ako mahahagilap ni Tyler.

Kung pwede lang akong magtungo sa bahay ni Axle, sila lang naman ni Enayis ang kaibigan ko. At alam ko rin ang papunta sa kanilang tirahan. Pero hindi na pwede, gayung natuklasan ko na magkapatid sila ni Maxwell. Siguradong sasabihin na naman ni Maxwell kay Tyler kung saan ako matatagpuan. Kung dederetso naman ako sa bahay ni Enayis, naroon din si Chase. Wala rin akong kawala. Napabuntong hininga ako. Saan na ako pupunta ngayon?

"Saan ho kayo bababa?"

Napatingin ako sa drayber ng jeep, ako ang kausap nito dahil ako na lang pala ang tao rito. Hindi ko iyon namalayan.

"Uhm, d-dito na lang po." Sagot ko sa drayber kahit hindi ako sigurado.

Tumigil naman ang jeep at bumaba na ako. Pinagmasdan ko ang paligid. Hindi pamilyar sa akin ang lugar. Nakagat ko ang aking labi. Mas pinalala ko pa yata ang aking sitwasyon. Siguro ay maghihintay na lang ulit ako ng jeep pabalik.

Under His SpellWhere stories live. Discover now