Chapter 47

4K 147 23
                                    

It's been 2 months since nacoma si Ly, 1 month na si Kasey pero hindi pa rin siya nakikita ng mommy. I'm sad na hindi nakikita ni Ly yung mga progress ng baby namin.

Walang pagbabago sa estado ni Ly, minsan na akong tinanong ng doctor if i want to pull the plug on her pero tumanggi ako. Kahit maubos ang pera ko kababayad ng hospital bills ng asawa ko okay lang. I know in her own terms, she'll wake up.

Today is just the same day, I'm talking to Kasey ang cute ng baby boy ko. Titig na titig lang sa akin, nakasmile. Nakuha niya ang dimples ni Ly pero para ko siyang kakambal. Kami lang tatlo dito sa kwarto ni Ly, umiiyak si Kasey ng biglang may magsalita.

Ang ingay. Sabi niya.

Napalingon ako ng makita kong gumalaw si Ly. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Totoo yung kasabihang good things happen when you least expect it. Naiyak akong tumakbo palapit sa kanya. Nakalimutan kong umiiyak na pala si Kasey kaya binuhat ko siya palapit sa mommy niya kasama ng milk niya.

Babe, omg you're awake. Sabi ko. Sakto naman pumasok sila mommy at gulat na gulat.

I will call the doctor. Sabi niya.

Babe, how are you? I missed you. Say hello to our baby boy. Kasey, mommy's awake. Sabi ko pero nakatitig lang si Ly sa akin.

Gulong gulo ako sa sinasabi ni Kiefer. Anong baby? May baby kami? Saka babe? Babe niya ako? Ano bang ginagawa ko sa hospital. Last thing i remember eh nagbreak kami ni Jayvee dahil nahuli ko siyang may babae. Pero I can't remember na friends kami ni Kiefer. Kaaway ko nga siya eh. Gulong gulo ako sa kanilang lahat saka bakit ang daming tao dito.

Babe, are you okay? Tanong sa akin ni Kiefer. Gusto ko sana siyang sagutin pero may dumating na doctor at chineck ako.

Hi Alyssa. Welcome back. How are you feeling? May masakit ba sayo? Tanong sa akin ng doctor.

I'm okay po. Tipid kong sagot bigla namang lumapit yung inay at itay ko at naiyak bigla.

Ineng, buti naman gumising ka na. Sabi ng itay ko.

Matagal po ba akong tulog? Tanong ko.

2 months anak. Sabi ni Inay habang umiiyak at yakap yakap ako.

Nay, wag na ho kayong umiyak. Gising na ako. Sabi ko.

Ly, do you want anything? Tanong sa akin ng matandang babae. Maganda siya pero alam mong may edad na siguro kasing tanda ng nanay ko.

Ahmm wala po. Sagot ko.

Buti naman anak gumising ka na. Mababaliw na tong asawa mo kakaiyak. Sabi nung lalaki na katabi ni Kiefer.

Asawa? Asawa ko ho si Kiefer? Gulat kong tanong.

Babe huh, wag kang magbiro ng ganyan. Natatawang sabi ni Kiefer. Lumapit siya akin at niyakap ako at binulungan. I miss you babe. Thank God you're awake. Sabi niya at narinig kong humikbi siya.

Iniiyakan ako ni Kiefer Ravena? Eh ang sama sama ng ugali nito ah. Hindi ko na lang pinansin. Kakausapin ko na lang siya paglabas ko dito.

Nay, kailan daw ho ako lalabas? Tanong ko, nakita ko namang tumingin siya kay Kiefer. Ano ba to joke? Nananaginip ba ako?

Itatanong ko kay doc, babe. May gusto ka bang kainin? Tanong niya sa akin.

Wala naman. Tipid na sagot ko. Ang cute ng baby. Hindi ko maiwasang sabihin.

Kamukha ko noh? He got your dimples. Gusto mo kargahin? Tanong niya sa akin at tumango naman ako.

Hindi lang dahil sinabi ni Kiefer na anak ko to pero naramdaman ko yung mother's instinct nung kargahin ko siya. Hindi ko napigilan maiyak. If i'm into some kind of amnesia, sana bumalik na agad yung mga alaala ko. I want to remember how it felt like nung pinagbubuntis ko siya. He's so cute. Naramdaman kong biglang pinunasan ni Kiefer yung mukha ko.

If I was the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon