Chapter 23

5.7K 127 19
                                    

Oh my God! ito na nga bang winoworry ko eh. Yung kadaldalan ni Tita Mozzy, kakarating pa lang namin gusto ko ng umuwi dahil pagagalitan ako malamang ni Inay nito. Napayuko na lang ako kasi nakakahiya. Naramdaman ko naman na inakbayan ako ni Kiefer kaya tinignan ko na lan siya at nagpout. Pinisil pisil naman niya yung balikat ko as if saying I shouldn't worry. Lumapit din sa amin silang lahat para bumati.

Magkakaapo na ba ko sa'yo Ineng. tanong sa akin ni Inay at hindi ko alam ang isasagot ko feeling ko lahat sila nakaabang sa sagot ko.

Naku Mareng Lita, hindi naman agad agad natin malalaman yun. Mga after two months siguro. Eh bago pa naman silang dalawang naglilive-in eh. sabi ni Tita Mozzy, hindi ko na kaya yung mga sinasabi niya saka kelan pa sila naging magkumare.

Sabagay tama ka, bakit hindi pa kayo magpakasal. Baka kaya hindi kayo makabuo dahil walang blessing ni Lord yang pagsasama niyo. sabi ni Itay, I'm confused as in. Does that mean okay lang sa kanya na nakikipaglive-in ako kay Kiefer.

Pare, yan din ang sabi ko sa mga yan. Ngalang mukhang wala pang balak. Ewan ko kung anong iniintay nilang dalawa. Inip na inip na ako magka-apo. Mabuti ikaw may apo na kay Paolo at Nicko ako wala pa eh tumatanda na ako. sabi ni Tito Bong. Ayan na naman po sila sa mga usapang ewan.

Balae, wag kang mainip. Magkakalaman din yan. sabi ni Itay kay Tito. Eh bakit ngayon lang kayong dumating dalawa? Kanina pa kami naghihintay. tanong sa amin ni Itay.

Sorry Tay, nakatulog kami ni Ly. Di na namin namalayan yung oras. sagot ni Kiefer.

Wag mong masyadong pinapagod ang prinsesa ko Kiefer. sabi ni Itay

Naku hindi ho Tay, hatid sundo ko pa nga yan sa work eh. sabi ni Kiefer, pabida na naman.

Tay naman, makaprinsesa kayo mas matangkad pa nga ako sa inyo eh. reklamo ko at nagtawanan silang lahat.

Yan na naman yung pagrereklamo mo. Halika na nga't kumain na tayo. Mukhang masarap ang luto ni Mareng Mozzy. sabi ni Itay.

Sinundan na namin sila, Si Kiefer binati muna yung mga kuya ko saka si Kian. Ako pinuntahan ko si Dani saka mga asawa ng Kuya ko.

Hi Dani, HI mga ate. Bati ko.

Hello Ly. bati sa akin ng mga hipag ko at pumunta na sa mga asawa nila para kumuha ng pagkain

I miss you ate. sabi sa akin ni Dani at niyakap ako. Nakakatuwa yung parents mo, kasing bait mo sila. Si Tito Ruel parang seryoso yung itsura pero may pagkacomedy din pala. sabi niya.

Naku, nastress ako kay Tita Mozzy, super daldal. sabi ko

Kanina pa nila pinaguusapan yung kasal niyo ni Kuya. Ikakasal na ba kayo? tanong ni Dani.

Hindi pa. Hindi ko pa nga sinasagot Kuya mo kasal na agad. sabi ko sa kanya.

Bakit kasi pinapatagal niyo pa? eh parang kayo na rin naman. sabi ni Dani.

Feel ko lang magpaligaw. Mas sweet kasi mga lalaki pag nanliligaw pa lang. Pag sinagot ko yang kuya mo, di na yan sweet sa akin. sabi ko kay Dani.

Ate, sweet si Kuya kahit kayo na mo na, para ka pa ring nililigawan. Sabi ni Dani.

Talaga? tanong ko.

Oo, ganun siya kahit sa past girlfriends niya. sabi ni Dani.

Close mo yung mga ex ng kuya mo? tanong ko kay Dani.

Sakto lang, si Ate Apple naging close ko dati pero don't worry ate mas love kita dun. May saltik sa utak yun eh. sabi ni Dani.

Bakit naman may saltik? tanong ko kay Dani.

If I was the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon