Chapter 44

4.7K 137 10
                                    

Naging busy kami ni Ly these past few days para sa civil wedding namin. Nakakatawa nga eh. Ang laki na ng tyan niya pero naniniwala pa rin siya na dapat di kami magkita night before the wedding kahit civil wedding lang. Kaya eto iiwan ko siya magisa sa bahay namin at uuwe ako sa bahay nila Mommy.

Are you sure you're going to be okay alone? Tanong ko sa kanya habang yakap yakap siya.

Oo naman babe, eh tomorrow morning naman magkikita rin tayo agad. Don't worry about me, i'll be fine here matutulog ako agad promise. Sabi niya at hinalikan ako.

I'll miss you. Sabi ko at pinatong yung ulo ko sa balikat niya.

Aww ang baby boy ko, konting oras lang naman babe. Sabi niya.

Ikaw na lang hatid ko kila Mom babe. Hindi ako comfortable with the idea of leavinh you here alone. Sabi ko.

If anything hapens, i'll call you. Nasa speed dial naman kita eh. Sabi niya.

Babe, can i stay until at least midnight? Pakikipagbargain ko.

Babe, it's almost midnight. Sige ka baka hindi ako magising tomorrow isipin mo di kita sinipot. Pagbiburo niya.

Hay. Sige na, please stay safe. Call me if you need me. Sabi ko at hinalikan siya sa lips.

Ingat ka din babe. See you tomorrow. I love you. Sabi niya.

I love you too, Mrs. Ravena. Sabi ko at umalis na.

Excited na ako sa wedding namin ni Kief bukas. Sila inay bukas ng umaga na pupunta dito sa bahay kaya magisa lang ako. Hindi naman nakakatakot dito dahil may security naman yung village namin. Worried lang si Kief dahil kay Apple pero lately naman hindi naman siya nagpaparamdam. Nasa bahay na nila Mommy si Kief. Tumawag siya kanina pagkadating niya. Matutulog na sana ako ng may makita akong car na nakapark sa tapat ng bahay namin kaya tinawagan ko agad si Kief. Natakot kasi ako.

Hello babe, miss me agad? Gusto mo umuwe na ako? Tanong niya sa akin na parang tulog.

Babe, may car na nakapark sa labas ng bahay natin. Di ko kilala. Sabi ko.

Anong color and type? Tanong niya.

Montero na black. Sagot ko.

Security mo yan. You know naman na hindi ako papayag magisa ka lang dyan diba. Sagot niya.

Oh my god, kinabahan ako kala ko kung sino na. Thanks babe. Now i can sleep peacefully. Ang oa mo talaga kahit kailan. Sabi ko.

I only want you and our baby safe babe. Pagpasensyahan mo na pagiging paranoid ko. Sabi niya.

It's okay babe. Mabuti na ring sigurado tayo. Sige na sleep ka na i know you're sleepy na. Sabi ko sa kanya dahil inaantok na rin ako.

Okay babe. See you later. Sabi niya at hinaba na yung phone.

Bumaba naman ako para puntahan yung car sa labas. Nakakaawa naman na nasa kotse lang siya the whole night. Paglabas ko ng gate bigla naman bukas ng kotse at baba ng 2 lalaki. Kung di sinabi ni Kief na security ko to matatakot ako. Ang lalaki ng katawan.

Mam san po kayo pupunta? Tanong nung isa sa akin.

Kuya sinabi po sa akin ni Kief na security ko kayo. Gusto niyo po ba sa loob magstay kesa sa car? Tanong ko.

Hindi na po mam, okay na kami dito. Sabi nung isa.

Sige na kuya. Hindi ako makakatulog knowing na may nagbabantay sa akin sa labas. Pwede niyo naman ako bantayan sa loob para rin po pag nagutom kayo may makain kayo. Pilit ko. Nagtinginan lang silang dalawa at hindi alal ang gagawin.

If I was the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon