Chapter 36

5.2K 145 13
                                    

Nalito ako pag gising ko kasi nasa condo na kami ni Kief. Eh ang naaalala ko nasa bahay kami nila Mommy. Bumangon ako kasi nasusuka na naman ako. Kelan ba matatapos tong pagsusukang to nakakainis na. Pero mas okay ako today kasi saglit lang yung suka ko. Pag balik ko sa bed nagulat ako sa leeg at mukha ni Kiefer.

Kieeeeefffeeeerrrr. Di ko napigilang mapasigaw.

What's wrong? Natatarantang tanong niya.

What happened to your face? Bakit andami mong pantal? Bigla akong naiyak sa itsura niya.

Hey, stop crying ano bang itsura? Tanong niya kaya hinila ko siya patayo para dalhin sa banyo.

Ano to? Gulat na tanong ko.

Nahigad ka ba sa Batangas? Umiiyak kong tanong.

Anong higad? Tanong niya at biglang kinamot

Babe, wag mong kamutin. Baka magsugat. Catterpillar yung higad. Let's go the hospital. Sabi ko.

Babe, pinansin mo kasi ang kati tuloy. Reklamo niya.

Halika ka na, bilis. sabi ko sa kanya at nagpunta na nga kami ng hospital

Binigyan lang siya ng antihistamine saka calamine lotion para sa pantal niya. Tinawagan ko si Raf na hindi ako makakapasok dahil nagkasakit si Kiefer and since Friday naman okay lang daw. Nahihiya na rin ako kay Raf kasi lagi akong absent pero emergency naman kasi ito.

Umuwi rin kami agad sa bahay after macheck ni Kiefer dahil gusto niya daw maligo dahil kating kati na siya. After niya magshower ako na nagpahid nung lotion. Nagrereklamo pa nun una dahil ang baho daw nung lotion pero napilit ko rin nung sinabi kong mas dadami pa yung pantal niya pag di niya nilagay yung lotion. Nakakaawa naman.

Babe, anong gusto mo kainin? Tanong ko sa kanya.

Kahit ano babe, i think i'll be sick. Sabi niya at pinatong yung ulo sa lap ko.

Babe, You're already sick. Sorry, dapat pala di na kita pinapunta ng Batangas. Nagkaganyan ka pa tuloy. Sabi ko

It's okay babe, I'll be okay. Sabi niya sat kinuha yung kamay ko at nilagay sa ulo niya kaya hinimas himas ko yung ulo. Naglalambing siya eh.

Padeliver na lang tayo ng food babe, Tinatamad kami ni baby magluto eh. Sabi ko.

Okay, sabi niya saka biglang tinaas yung sando ko at hinalikan yung tyan ko. Anong gusto mong kainin baby? Tanong niya.

Gusto ko po ng steak Daddy. Sagot ko.

Steak it is. Sabi niya at tumawag sa secretary niya para padalhan kami ng food.

Babe, kelan tayo magpupunta ng ob? Tanong ko.

Di ka pa ba nagpapaschedule babe? Kung kelan ka free dapat pala kanina. Nasa hospital na tayo eh. Sabi niya.

Nakalimutan ko Babe eh. Bukas na lang. Tatawag ako later sa OB. Sabi ko

Okay, babe sleep muna tayo. Antok pa ako. Sabi niya.

Sige babe, sleep ka lang. Baka dumating yung food walang magbukas ng door. Sabi ko.

Okay babe. Sabi niya.

Umayos ako ng upo para nakasandal ako sa headboard at makaunan siya sa lap ko. Habang tulog nilalagyan ko ng lotion yung pantal niya. Nawawala wala na rin naman.

Tumawag ako sa OB pero Monday morning pa daw may available kaya umok na ako. Naalala ko na may surprise pala ako kay Kief sa Sunday dahil father's day. Lumabas muna ako ng kwarto para icheck sa laptop kun kelan dadating yung mga inorder ko online. First time ko isurprise si Kief kaya excited ako.

If I was the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon