Chapter 3 - The bestfriend

27 0 0
                                    

Phoebe's POV

Ayan na ang amazona kong bestfriend. Siguro meron 'to ngayon kaya ang bilis magalit.

And oh! Siguro isa dun sa tatlong cutie patootie na yun ang nangbadtrip sa Dyosa na to. Oo, dyosa talaga yan! Yan ba naman ang pinakamaganda sa buong campus. Ang umangal, mapapatay!! 'De joke lang ^____________^

At siguro naipakilala na ako sa inyo ng maldita kong sizzums? Ako lang naman ang kaisa-isang nagtyaga sa ugali nya noong mga panahong madaming naiinis dyan kasi pangit ang ugali!

Maldita. Malandi. Mang-aagaw. Bitch. Slut. Ubod ng sungit. Ilan lang yan sa mga tawag nila sa bestfriend ko nung first year high school pa lang kami.

Flashback:

"Here comes the greatest bitch friends. Haha" sabi nung isang babae na galing sa Section F.

Nasa canteen ako ngayon at bibili ng makakain ng marinig ko yun. Sakto kasi na napadaan ako sa table nila. Hindi naman sa pagiging chismosa, tiningnan ko kung sino ang tinutukoy nila.

*O* ganyan hitsura ng mukha ko ng makakita ako ng Dyosa na bumaba sa kalangitan. Este isang babae na ubod ng ganda ang nakita kong pababa ng hagdan.

"Fck you!" Sabi ng dyosa, sabay irap sa tatlong babae na magaganda din naman pero mas maganda pa din si dyosa. ^_____^

Umalis na sya at hindi ko namalayang nakanganga pa din ako. Baliw ko talaga! Hahahaha.

Pero teka nga! Masundan muna si dyosa. Ganda talaga nya ^_____^

Paglingon ko saktong nakasalubong ko sya and guess what? Nabangga ko pa sya. Awwww sorry dyosa *O*

"Yow bitch! Are you listening?!" Sigaw nya sa'kin.

Hindi ko napansin yung sinasabi nya kasi naman po. Natulala talaga ako sa kanyang kagandahan *O* oo ganyan lang mukha ko tas ngumingiti ngiti pa. ^_______^

"Hoy! Ano ba problema mo?" Sabi nya

"Tinarayan na nga, nakangiti pa" bulong nya sa sarili nya, pero kahit bulong yun narinig ko yun noh! ^______^V

"A-ahh. D-dyosa" *O* para akong natomboy sa kanya. Wtf. Hahahaha.

At yun na nga. Yun ang simula ng lahat. Natatawa pa rin ako sa hitsura ko hanggang ngayon kapag naiimagine ko yun. :D

Ang bali-balita kasi dito sa campus, inagaw nya daw 'yung boyfriend nung leader ng sikat na sorority dito sa school. Hindi kasi 'yan sumasali sa mga ganun. Ang tingin nya kasi, sikat na sya at ginagamit lang ng iba ang sorority na yan para sumikat.

Manggagamit ang tingin nyan sa mga tao. Naloko na kasi.

So ayun na nga. Matagal ko na s'yang iniiwasan dito sa campus. Alam ko kasi ang mga ginagawa nyan sa mga tao na lumalapit sa kanya. Ewan ko na lang kung bakit ngayon ay naisipan kong lumapit sa kanya. Siguro ay dahil naaawa na rin ako.

Masakit. Alam ko. Masakit para sa kanya ang pagtrato ng mga tao sa kanya ngayon. Hindi ko din ito ineexpect eh. Dati kasi, sinasamba na talaga s'ya. Mapa-babae man o lalaki. Ang dami na ding natomboy at naghayag ng damdamin sa kanya. Pero wala. Snab lang.

Dati, sanay na ang mga tao na ganyan ang ugali nyan. Mas inaadmire sya ng mga tao dati. Hanggang sa may kumalat na nga na balita na talagang nakapagpabulabog sa lahat.

Hindi naman kasi yan madaling mainlove. Oo, kilala ko na s'ya. At lahat naman ng tao dito ay sobrang kilala na s'ya.

Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari sa kanila nung lalaki. Basta ang alam ko. Pinaglaruan at nilko s'ya. Sinaktan ng sobra sobra.

Simula nung araw na lumapit ako sa kanya, hindi ko na siya tinantanan. Alam kong wala na ang mga alipores nya dahil na rin sa nangyari. Hindi naman sa natotomboy ako o ano ha. Gusto ko lang siya talagang maging kaibigan.

Araw-araw kinakausap ko sya kahit madalas ay nakatitig lang siya sa kawalan. Alam kong masakit. Nararamdaman ko. Dahil minsan na rin akong nabully at nasaktan. Pero alam kong mas malala pa rin yung nararamdaman n'ya.

"Basta magkaibigan na tayo ha?" lagi lagi ko yang sinasabi sa kanya. Pinaparamdam ko na may tao pa din na hindi siya iiwan.

"Okay" yan ang hindi ko makakalimutan sa buhay ko. Siguro napagod na siya sa pangungulit ko kaya naman pumayag na sya. Nagatatalon ako. Para akong lalaki na nanliligaw pagkatapos ay narinig na ang matagal na inaasam.

Minsan nga tinatanong nya kung nanliligaw ba daw ako. Heller? May pagkamanang lang ako pero hindi ako tomboy ano.

Yun na yung panahon na nakikita ko na ang mga ngiti sa labi n'ya dahil pinapasaya ko s'ya.

Unti unti ay bumabait na sya sa akin at itinuturing na akong tao.

Ako naman, itinuring ko sya bilang kapatid.

Hanggang ngayon, hindi kami mapaghiwalay ng kahit na sino. Malaki na ang tiwala namin sa isa't isa at alam ko na sobrang importante din ako sa kanya.

"SIZZZZZZZZYYYY! Nagdeday dream ka na naman! Mangiyak ngiyak na nga ako dito eh!" Si dyosa este si Trixy

"Tse! -______- ano bang nangyari?" Ako. Natutuwa pa din ako kapag naaalala ko ang mga paghihirap na pinagdaanan namin. Mahal na mahal ko tong babae na 'to kahit ganyan s'ya.

"Ito kasing si Mr. Yabang masyadong feeling! >_______<"

"Whuuut?! Mr. Yabang? The who?"

"Sino pa ba?"

"Hoy! Di ako mayabang ha!" Sigaw nya kay sizzy. "Pag ako napikon, hahalikan kita!" Bulong nya pero narinig ko.

Teka ito siguro yung guy na nangbadtrip kay Trixy. Hmmmm. Pogiiiii! ^_____~ 

Ngayon na lang ulit kasi yan nakipagbangayan. Kapag kasi may gumagawa sa kanya ng hindi kanais nais ay umiiwas na lamang sya at minsan ay sya pa ang nagsosorry.

Hmmmmm... I smell something fishyyyy.

______________________________________________________

A/N: Please do support my story!

Comment and Votes PLEASE! :)

Trix and Phoebe (parehas Dyosa) -------------------------------------------->

Labyu ❤️

--- aly

Complicated LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora