Chapter 2 - Meet Ms. Sungit

24 0 0
                                    

HER POV

Shoooocks! Ang mahal ng sapatos ko tapos aapakan nya lang?! Ano sya sineswerte?! Ugh that guy! Sumigaw pa tuloy ako ng di oras kanina. Hindi kasi tumitingin sa nasa likuran nya. Hmp! Buti na lang at nakita ko agad ang section ko. Section A pa din ako! Yes! Talino ko talaga. Simula first year highschool ako, Section A ako at gusto kong grumaduate with flying colors noh. Yaaah. Tama kayo ng narinig. Gagraduate na kami. YESSSS! Fourth year highschool na ako dito sa Marymount Academy.

Btw, ako nga pala si Carina Beatrix Santiago. But you can call me Trix or Trixy. I prefer that one, tunog mabait kasi. Sa totoo lang, mabait naman ako. Nagbabago na ako kasi napagalitan ako ni Daddy dahil sa sumobra na yung pagiging masungit ko. Pero hindi lang dahil dun. May mga pangyayari din nung nakaraan na talaga namang nakapagabago sa'kin. Pero dati lang yun. Hindi na ngayon. Mabait na ako kaso... Grrrr that boy! HMMMPP! Binabalik nya ugali ko ha. -_____-t ..

Flashback:

"Umalis ka nga sa dinadaanan ko, Bitch!" sigaw ko sa nerd na babaeng nasa harapan ko. Ewan ko ba kung anong nakain nito at ang lakas ng loob na humarang sa harapan ko para bigyan lang ako ng regalo.

Regalo na naman? Ang dami dami ko ng natatanggap na ganyan simula pa nung bagong pasok ako sa school na ito. Oo, alam kong Dyosa na ako pero hindi ko naman akalain na halos sambahin na ako ng mga tao dito. Yung iba nga lumalapit at nakikipagplastikan para lang maging kaibigan ko. Pero sorry guys and girls, hindi ako nakikipagusap at lalong hinding hindi ako nakikipagkaibigan sa mga tao na hindi ko naman kalevel. Oo. Ganyan ako. Matapobre. Wala akong pakealam sa sasabihin ng iba. I know I'm perfect.

"C-carina, pinabibigay po nung kapatid ko. Sobrang mahal ka po nya. C-cake po yan. Buksan mo." ngiting ngiti nyang sabi sa akin.

Pinakuha ko ito sa mga alipores ko at pinabuksan. Matapos buksan ang binigay nyang regalo sa akin. Nalaman kong chocolate cake pala ito. Favorite ko ang chocolate pero never akong kakain ng ganito lalo na at galing sa...... ughhh. Muchacha.

Itinapon ko yung cake sa mukha nya.

"Oooppsss. Sorry, natapilok kasi ako eh." Sabay halakhak. "Tara na girls."

Araw-araw may nagpapadala o may nagbibigay sa akin ng ganyan. Tinatapon ko lang o kaya naman ay pinapakain sa mga alipores ko. Sorry pero hindi ako nanghihinayang. Bakit ako manghihinayang eh hindi ko naman 'yun pinabili sa kanila. Kusa nila iyong ibinibigay sa akin. Kaya ako na ang bahala sa dapat kong gawin doon.

Lagi lang din akong may kaaway. But hindi ako nakikipag-away physically. I hate sabunutan and sampalan. So skwater ang dating.

Oo, mayaman ako. Isa ako sa pinakamayaman sa school na 'to. Kaya iniisip ko din na kaya lang sila ganyan sa akin ay dahil sa ganda at yaman ko. Kaya ayaw na ayaw ko sa kanila.

"Relax lang girl" sabi ni Karry, ang alipores number one ko. Sanay na naman sila sa ugali ko. Pero alam kong plastic sila pero okay lang kasi pinapakinabangan ko naman sila.

"How can I relax my nerve if everyone's always pissing me off?!" Sigaw ko sa kanya.

"You are really the greatest bitch in town girl! Love yah!" sabi naman ni Trisha. Si alipores number 2.

"I know right." I smirked at her.

Oo, ganun ako kasama. Pero dati yun. Ayoko na lang munang balikan sa ngayon ang mga alala-ala ko sa dati kong school. Ang sakit sakit lang.....

"Hi Giiiirl! Oh ba't parang bumabalik ata ang aura mo ng pagiging Carina?!" yaaah. That's my bestfriend.. Phoebe.. (the shining one daw ang ibig sabihin ng pangalan nya. Ewan ko ba dyan -______-) Elle Phoebe Montenegro is her full name.

"May isang lalaki kasi na arogante at pilit nakikipagsiksikan kanina and gues what sizzy, inapakan nya lang naman ang mamahalin kong shoes!!! So G-R-R-R!" Carina ang tawag nya sa'kin kapag bumabalik yung pagiging masungit ko. And sorry, may pagkamaarte din ako -_____^

"Eh pogi ba naman?"

"Kinda! But I super hate him pa din!"

"Kinda kinda ka pa dyan. Nakooo sizzy pag nalaman kong gwapo yan, alam mo na ang mangyayari! Go agad ako para makilala ko sya. Wag ka na ngang sumimangot dyan! Sayang ang beauty!"

"Nasira kasi ang first day ko! Sizzy namaaaaan" naghihimutok pa din ako kasi hindi ako makamove on. GOSH!

Ayaw na ayaw ko sa lahat ay 'yung madudumihan ako. Lalo na sa mga hindi sinasadyang pagkakataon.

"Yahhh. What---"

Naputol ang sasabihin ni Phoebe kasi biglang naghagalpakan ng tawa yung tatlong boys na katabi namin.... And... OMG! As in OW MY GOSSSSSHHHH! Kaklase ko sya?! GHAD!

Transferee ba yung lalaking yun? Sabagay madami kami ngayong kaklase na hindi naming gaano kilala. Pero that guy?! HE'S SO ANNOYING AND SO MAYABANG!!!!!"

"GOOOSSSSH!" napatingin sila sakin. Oooppsss sorry hindi ko sinasadyang sumigaw...

_____________________________________________________________________________

A/N: Jun Ji-Hyun as Carina Beatrix Santiago --------------------->

Comment and Vote PLEASE! :)

Follow me on twitter: alyssaaaa19

LOVE YAH ♥

--- aly

Complicated LoveWhere stories live. Discover now