Nakasandal si Prim sa window kaya inalok ko siyang sumandal sakin. Mga 2 hours ang byahe papunta sa next location naming. As of now, ito pa ang pinakamalayo. Mga 6 na scenes lang naman ite-take naming don.

"Hindi, okay lang."

"Hindi, sige na." Bago pa siya ulit makatanggi. Ako na mismo nagsandal ng ulo niya sa balikat ko.... at para ko na rin siyang niyayakap. Nakapalibot ang braso't kamay ko sakanya. Tapos pa, magkadikit ang ulo ko sa ulo niya.

"Nilalamig ka?" Bulong ko sakanya. Kasi napansin ko'ng ang nipis ng jacket niya ngayon.

"Hindi naman masyado."

"Sigurado ka?" Pagtatanong ko pa. Mukha kasi siyang nilalamig.

"Hmmm...yeah.."

"Kung kailangan mo pa ng isang jacket sabihin mo lang, ah?" Mahinang nag-uusap kaming dalawa. Maingay naman sa loob kasi salita sila ng salita. Hindi nila kami naririnig.

"Okay"

NAGISING ako nang naramdaman ko'ng may kumakalabit sakin. "Mav, andito na tayo." Dahan-dahan ko'ng binuksan ang mga mata ko. Lumabas na si Ate Marie at nang tignan ko ang paligid, kaming dalawa nalang pala ang narito. Tinignan ko ang katabi ko... tulog pa rin. "Prim.." Dahan-dahan ko'ng pag gising sakanya. Mamaya, sumakit pa ulo nito.

"Prim..." Tawag ko ulit.

Dahan-dahan din, binuksan niya ang mga mata niya. Ngunit nanatiling nakasandal sakin. Ipinikit niya ulit ang mga mata habang naka kunot ang noo. "Ayos ka lang? Inaantok ka pa ba?"

Napahinto ako nang yakapin niya ko. Niyakap niya ko nang mahigpit.

Mukha siyang nanginginig kaya naman agad-agad ko'ng chineck ang leeg niya kung mainit ba. Isinantabi ko muna ang tuwa sa pagkayakap niya saakin.

"Sh-t," Hindi ito basta-bastang init. Sobrang init niya. "Masakit ba ulo mo?"

"Hmm-hmm.."

Bago pa 'ko makapagsalita, bumukas na ulit ang pinto. Nakita ko si Ate Cecil na mukhang nagulat pagkakita niya sa pwesto namin. "Ate,"

"O-oh? Ano yan ah?"

"May sakit si Prim."

"Ha?! Ah, dun nalang siya sa loob. Bubuksan nalang namin ang heater." She's referring sa bahay na maliit na narito. "Sige sige,"

Binuhat ko siya papasok at habang ginagawa ko 'yon, lahat sila nakatingin samin. Si Aki naman, napasunod agad sakin. Sa kung saan ako papunta. Pagkapasok naming sa kwarto, agad-agad siyang inilapag sa kama. Halatang hindi maayos ang pakiramdam niya. Namumula pa nga siya.

"May sakit?"

"Oo," Sagot ko kay Aki. Agad akong tumayo para hanapin ang kusina nang pigilan ako ni Ate Marie. "Sige na, kami na muna dito. Magsimula na kayo don."

Ha? "Hindi, may sakit si Prim."

"Alam namin, Mav. Kailangan ka na dun, e. Total ikaw naman ang sa ngayon, si Aki muna dito." What the f-ck?

"Yes, bro. Ako na mag-aalaga." Kumunot kaagad ang noo ko. Ano raw? Siya? "Hindi ako papayag, ikaw nalang muna dun, Aki. Alam mo naman na 'yon. Kailangan niya ko."

Kilala ko siya kapag nilalagnat. Mas may alam ako kesa sayo.

"What? Ako na nga bahala kay Prim, di ba?"

Magsasalita pa sana ako kaso hinawakan ako ni Kuya Joseph sa braso. "Tama na 'yan, tara na."

Hindi parin nabababa ang tingin naming dalawa sa isa't-isa. Tinignan ko siya ng masama bago lumabas ng kwarto. Tangina niya. Masyadong pabida. Wala nga siyang alam sa mga dun tapos siya pa mag-aalaga? Hindi niya din alam paano magkalagnat si Prim. Kailangang niyayakap 'yon. Dapat kasi ako nalang dun.

LIKE THOSE MOVIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon