Ibinigay niya sa akin ang details ng gusto niyang flower arrangement. Gusto niya yung arrangement na nakalagay sa maliit na basket lang at makulay na bulaklak ang ilalagay. Paisa-isa niya itong kukunin. May pinauna siyang pinagawa at hihintayin nalang niya itong matapos.


Umupo siya sa sofa. Habang nandoon siya at nakikinuod ng tv ay hindi mawaglit sa isip ko ang mga kilos ng babaing ito. Kahit nakaharap sat v ay nakatakip parin ang abaniko sa mukha niya.


Sino ka ba? At bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sayo?


Suminghap ang mga kasama ko dahilan upang mabaling ang tingin ko sa tv at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon naka-flash sa monitor.


Breaking News:

Bombings happening simultaneously in different key cities across the globe.


Ipinakita ng news ang pare-parehas na oras ng pagsabog na kuha mismo ng mga salarin na pinadala nila sa istasyon ng media.


Karamihan sa naganap na pagsabog ay mula sa mga bansang France, Canada, Italy, United Kingdom, U.S.A., Syria, Iraq, Iran, Turkey, China. Russia, Korea, Japan, at Singapore.


Pagkatapos ipalabas ang mga kuhang video ay isang logo ang lumabas mula sa screen. It was a double K yung saan naka-reverse yung unang letter K at magkadikit dito ang pangalawang letter K.


It was the logo of Kronus.


Biglang huminto ang mundo ko at bumalik sa akin lahat ng nangyari noon. Buong buhay ko ay minulat ako sa ideyang masama ang Kronus at ito'y totoo naman paulit-ulit yung pinapaalala sa amin ni Madame Z. Hindi mawawala sa akin ang mga sinabi niyang kailangan namin silang sugpuin dahil kung hindi kami ang papatayin nila.


Ang makitang muli na gumagawa na naman sila ng karahasan ay isang malaking insulto sa akin. Buong akala ko ay nalipon na namin sila dalawang taon na ang nakakalipas.


"Maaaring naputol nyo nga ang puno at napigilang itong magbunga pa ngunit hindi nyo naman nahugot ang ugat na pwedeng dahilan ng muli nitong pag-usbong."


Napalingon ako kay Maria Clara. Nakatingin parin siya sa tv ngunit ang matalinghagang katagang sinabi niya ay alam kong patungkol sa Kronus at tama siya hindi maipagkakailang hindi pa namin napuputol ang ugat nito.


Ang tanging iniisip ko lang noon ay ubusin lahat ng miyembro ng Kronus ngunit hindi ko naisip maaaring may ibang nakatakas na miyembro nito na magtatangka na muli itong buhayin. Isa pa pagkatapos ng nangyari mas pinili kong magkaroon ng ibang pagkakaabalahan. Mas pinili kong magkaroon ng tahimik at normal na buhay malayo sa aking nakagisnan at nakasanayan.


Hindi ko akalain hindi pa pala tapos ang laban at muling mag babalik ito.


Isang desisyon agad ang pumasok sa isip ko.


"Hoy! Sabina saan ka pupunta?" Tanong ng kasama ko. Lumingon ako sa kanya at sinabing.

The S.A.I.N.T.S 2: ReloadedWhere stories live. Discover now