32: One question..... WHAT???

3.8K 121 10
                                    

 

“hi! kumusta?” he greeted as he cheerfully waves his hand.

It’s ANDREW GRAY MONDRAGON.

Ngayon ko lang siya nakita for how many months. Napakunot ang mukha ko. “bakit ka nandito?” mataray kong sabi.

“wew! Galit? Pwedeng pumasok?” at tuluyang pumasok sa condo ko. Ang kapal talaga ng mukha.

“nakapasok ka na nga eh.” I said sarcastically at dumirecho sya sa sala tapos umupo.

“a coffee would be nice Zyriah.” Utos niya.

Ang sobrang kapal talaga. “okay your highness.” Tapos pumunta sa kusina para magtimpla. “white or black?” tanong ko.

“Make it white please.” Buti nalang at marunong magplease.

Bumalik na ako sa sala dala ang coffee niya tapos ibinigay sa kanya. “Bakit ka ba nandito? Kilala mo ba ako?” sunod sunod kong tanong sa kanya.

Ngayon ko lang talaga siya nakita at bakit niya alam na dito ako nakatira. Is he stalking me gaya ng pagstalk ko sa kanya noon?

“slow down. Nandito ako kahapon to visit my friend and I saw you entered this room kaya ngayon, ikaw naman ang binibisita ko. atsaka, kilala kita noh!” sabi niya na siyang ikinagulat ko.

It’s been five years na lumayo ako sa amin at hindi na nagpakita. I’ve grown mature and loss more weight para hindi na nila ako makikilala. I hate my old self because they all hate me.

“Sinong hindi makakakilala kay ZYRIAH GREEN! One of the biggest stars in the Philippines.” Sabi niya at medyo lumuwag luwag ang pakiramdam ko.

Sinimulan na niyang inumin ang kape na tinimpla ko. “EEELLLKKKKK! SHIT!” mura niya at inilayo yung kape. “ANONG KLASENG KAPE TO? IT’S SALTY!”

Napangiti ako ng patago sa nakita kong reaksyon niya. Sinadya ko talaga yun. Instead of sugar, SALT ang inilagay ko. SWEET VICTORY! “ha? ganun ba?” pagkukunwari kong pag-aalala. “Hala sorry akala ko kasi sugar yung nailagay ko, asin pala. Pareho kasi sila ng itsura eh.”

Pinahiran niya yung dila niya at tumungong kusina pero pinigilan ko siya. “Hindi dyan ang punta mo.” Galit kong sabi sa kanya.

“ha? saan?”

Dinala ko siya sa pintuan at itinulak palabas. “DYAN KA NABABAGAY! AT HUWAG NA HUWAG KA NG BABALIK!” sabay bagsak na sinira ang pinto.

I sighed as I seated on the sofa. Hindi pa rin nagbabago si Drew at hindi niya talaga ako kilala. Mas mabuti na rin yon. I don’t want to remember my past. Kapag nakikita ko siya, bumabalik sa isip ko ang mga ginawa niya sa akin.

Nang biglang tumunog na naman ang doorbell. I got up and proceeded to the door. Saktong pagbukas ko ay tumunog ang cellphone ko sa center table. Dali akong tumungo sa center table.

Pag ako pumayat.....SIGE KA! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon