15. Stalking: Ikalawang bahagi

4.4K 90 13
                                    

Guys! I want long comments. As in lllloooonnngggg....hihihihi..I need inspirations.

==============

Dumiretso ako sa receptionist.

“Ahhh….What floor pumunta si Andrew Mondragon?”

“Sa 12th floor, room 143.”

Pagkarinig ko nun ay kumaripas na ako ng takbo sa elevator at priness ang 12. At maya maya ay tumunog na ito at bumukas ang metal na pinto. Lumabas na ako at hinanap ang room 143.

VOILA! Nasa harap na ako ng pinto na may 143.

Hindi ako papasok noh. Privacy naman. Nakatingin lang ako sa room number at nag iisip kung ano ang ginagawa ni honeyDrew ko sa loob. Sinong friend ba ang binibisita niya. Babae ba o lalaki? Sana lalaki.

Nataranta ako nang biglang umikot yung doorknob. Meaning may lalabas. Ohmygod. Hindi niya ako pwedeng makita dito. Palinga linga ako sa paligid naghahanap ng pwedeng mataguan. Pero sa kasamaang palad wala.

Wala na akong choice kundi tumago sa isang kwarto, yun ay kung hindi lock. At kapag sineswerte ka nga naman oo,hindi lock ang isang kwarto kaya pumasok ako.

“HOY! WHAT ARE YOU DOING IN MY ROOM?” sigaw ng isang lalaki na siyang nag-occupy sa room na pinasukan ko. At parang pamilyar siya. Nakita ko na siya eh. Hindi ko lang maalala.

“Sorry! Nakikitago lang.” sabay peace. ^_^v

Bumukas yung pinto na nasa likod ko at tumambad sa akin ang isang bakla. “OHMYGOD! sino tong balyena na itech?” diri niyang tanong.

Sows, kung makapagsabi ng balyena parang di rin siya tulad ng balyena. Pektusin kita dyan eh.

“Nakikitago lang siya Secret.” Sabi niya sa bakla.

So Secret pala ang pangalan niya. Hindi bagay, dapat sa kanya tawas. Napatawa ako ng kaunti ng maisip ko yun.

“At anong itinatawa tawa mo dyan ha?” napatigil ako at bumaling siya sa lalaki. “By the way Indigo, may shooting ka bukas ng umaga tapos interview after and mall show.”

INDIGO? As in INDIGO ED UNABIA? Yung sikat na teen heartthrob ngayon? Sa teleseryeng‘Huwag mong itanong sa akin’ ? OHMYGOLLYWOW! Kaya pala pamilyar siya. Hindi kasi ako masyadong nanonood ng tv. Sakto namang siya ang nakita ko nung nanood ako.

“OI INDIGO IT’S YOU!” lumapit ako sa kanya tapos hinawakan ang kamay niya. “HI! HELLO!”

He smiled at me. But his manager shoves me away from him. “Don’t touch my alaga balyena!”

Pag ako pumayat.....SIGE KA! [COMPLETED]Where stories live. Discover now