5: my knight...

5.7K 156 23
                                    

this chapter is dedicated to mrose_12..thank you so much for reading this story. i really appreciate it. n_n

=========

Pagkapasok ng pagkapasok ko sa room ay agad akong kinantyawan.

“HAHAHAHAHA……ANG TAAS NG PALDA NIYA!”

“ HAHAHAH! OO NGA! MATABA, LAMPA TAPOS MANANG PA! HAHAH!” at nakihigh-five sa katabi niya.

“MATABANG LAMPANG MANANG! HAHAHA!”

“MANANG NA MATABANG LAMPA! ALAM NIYO BANG BAGAY SA KANYA ANG NAME NA PINK KASI YUN ANG COLOR NG PIG! HOW REDUNDANT!”

Wow! Para lang akong artista nito ah. Talk of the crowd. Akalain mong pagpasok ko pa lang, nagkagulo na. Dumiretso na ako sa upuan ko which apparently located at the back. So kailangan ko muna silang lagpasan bago ako makaupo. Bitbit ko ngayon ang sandwich, bumili kasi ako ng isa para sa akin eh. Pangsnacks ko.

Hinarap ko yung babaeng nagsalita ng ‘how redundant’ “Shunga! FLESH ang color ng pig hindi pink!” pangangatwiran ko at tumuloy sa upuan ko.

Nang may pumatid na naman sa akin pero luckily I found my balance kaya hindi na naman kami nagkiss ng sahig pero lumipad ang sandwich na hawak ko.

“SANDWICH KOOOOOOOO!” sigaw ko habang nasa himpapawid ang sandwich ko. Imagine niyo nalang na slow motion tayo. Hanggang sa bumagsak na ito sa sahig at sabog na ito. Hindi na makain.

Nilapitan ko ito at isa isang pinulot at ibinuo. “MGA WALANG HIYA KAYO!” sigaw ko. Sayang ang pera ko.

“hahaha…bagay nga yan sayo! Epal ka kasi! TABA!”

“bbbllleeehhhhhhh!” binelatan ko lang siya at yun lang ang nagawa ko tapos dali daling umupo.

Pumasok na si teacher tapos nagsitayuan kami. “Goodmorning sir!” bati naming lahat.

“ goodmorning. Please take a seat.” And we obeyed him. “Okay, meron ng official list ng overall top ten for this third grading. And these people are the following. Blah..blah..blah..blah…blah….”

Isa isang minention ni sir ang mga top 10 students. “and our top one is Sabrina Pink Cabrera.” And I smiled at tulad ng inaasahan hindi nila ako pinalakpakan gaya ng ibang studyante. At least I am first and I am proud of it.

“So Saturday at 1 pm is the awarding of top students and so are the PTA meeting and giving of cards. So better tell your parents about this.” The teacher reminded us.

00=00=00=00=00

Its p.e time at pumunta na ako ng cr para magbihis ng uniform. Pagkatapos nun ay tumungo sa p.e ground para maglaro ng volleyball. Naglalakad ako sa hallway nang may tumawag sa akin.

“TABA!” sigaw ni boses palaka. “TABA!”

“oh?” irita kong tugon tapos nilingon siya, lumapit ako at binatukan siya.

*PAK*

“OUCH!” sabay hawak niya sa ulo na binatukan ko. “what was that for!?”

“That’s for intruding into my dreams.” I explained sabay belat.

“ANO?........teka,bakit ganyan ang suot mo?”

“like hello? P.E kaya namin!” pangangatwiran ko.

“ang sikip naman niyan. Nakakahinga ka pa ba?” tapos may kinuha siya sa kanyang bag. “heto oh…ito ang suotin mo para guminhawa ang mga taba mo.” Sabay abot sa p.e t shirt niya. Magka ibang section kami ni Blu at classmate sila ni honey Drew ko.

Tiningnan ko lang ito tapos hinawakan niya ang kamay ko at inilagay ang p.e shirt sa kamay ko. “Ahh..Salamat.” dinala niya ako sa cr para makapagbihis. “oi teka teka..sama ka?” tanong ko ng makapasok siya sa female’s comfort room. Wala namang tao dito kaya siya pumasok.

“asa ka? puro taba lang ang makikita ko dyan no!” at lumabas.

Pagkalabas ko ng cr suot ang shirt ni Blu ay nadatnan ko siya na nakasandal lang sa pader at hinihintay ako. “oh bakit nandyan ka pa?” at dala dala ko yung pinagbihisan ko. Malaki yung shirt niya, maaliwalas. Hindi masikip.

He looked at me then to the shirt and snatched it. “oi teka akin yan ah!” I exclaimed.

“ano ka ba? P.E. ko mamaya. Ito ang gagamitin ko. Mapawis ka na kaya kapag isauli mo na yan.”

“magkakasya kaya yan?”

“oo! Magkakasya to. Sa laki mo ba naman. Sige Taba, alis na ako!” and he tapped my back then winked at me. Pero walang epek sa akin ang kindat niya. Di tulad kay honey Drew ko.

Pumunta na ako sa P.E. ground. Nagwarm-up muna kami before the actual play.

“okay students! Let’s play volleyball!” sigaw ng P.E teacher.

Nakaupo lang ako habang pinapanood ang mga kapwang estudyante ko na naglalaro sa court at hinihintay kung kailan ako papasok.

“Cabrera, pasok ka na!” –P.E teacher

Tumayo na ako at pumwesto sa court. Palo lang ako ng palo sa bola at nakita ko sa kaliwang mata ko si honey Drew ko na naka P.E. Sila ata ang susunod. Lumingon ako sa kanyang direksyon. Ang gwapo gwapo niya talaga. Everything went into slow motion. Nakikipagtawanan siya sa kanyang kasama habang naglalakad.

“CABRERA ANG BOLA!” sigaw ni P.E teacher

At nung nakabalik na ako sa mundong ibabaw at pagharap ko………..

*BOINK*

Saktong pumalo sa akin ang isang colorful na bola sa mukha ko na siyang ikinatumba ko at kinawalan ng malay.

=========

guys...thank you so much talaga as in..para na akong sirang plaka nito pero kahit na.. i want to thank all of you dahil nagandahan kayo sa story ko...akala ko wala ng papansin nito and was about to delete this pero i was shocked dahil sa dami ng comments coming from you...n_n

atsaka, sino gustong magpa dedic? comment lang..

KEEP THE VOTES AND COMMENTS COMING! AJA! 

xoxo gossipgirlbj

Pag ako pumayat.....SIGE KA! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon