CHAPTER XIV

10 0 2
                                    


Pagpasok namin, busy kami sa pagkukwentuhan ng biglang nakita ko si Mimi na papalapit


"Can I talk to you for a minute Fibby?" Sabi niya


"Why?" Mataray na tanong ni Selene


"May nakalimutan lang kasi siyang malaman" Sabi nito. Narmadaman ko ang pag siko ni Friah saken. Alam kase ni Friah ang ugali ni Mimi


"Okay" Sabi ko.


"Ha?" Sabay na sabi naman nina Selene at Friah. Nginitian ko sila atsaka sumama kay Mimi. Nung medyo malayo na kami sa dalawa mabilis niyang hinablot ang braso ko.


"Anong nababalitaan ko na sabay kayong pumasok ni Rhys sa school?"


"Nagmagandang-loob lang siya Mimi" Sabi ko


"Nag magandang loob? Sayo? E bakit hindi nalang saakin diba?"


"Mimi, aray masakit ano ba?. Hindi ko na kasalanan yon okay? Bakit kaya hindi mo nalang siya lapitan ang sabihin na gusto mong sumabay sa kanya"


"Sa tingin mo kaya ko?"


"Kayanin mo!" Atsaka ko hinatak ang braso ko. Nakita kong napatiim baga siya atsaka ako tinignan ng masama.


Mabilis ko ng nilapitan sina Selene.


"Anong nangyare?" Salubong ni Friah


"Did that Biatch did something to you?" Mukhang naikwento na ni Friah si Mimi habang nag uusap kami


"Ayos lang. Nag selos lang naman yung tao" Sabi ko


"Oh my goodness. I don't like her. Bakit naman siya mag seselos?" Tanong ni Selene


"Gusto niya si Rhys" Si Fraih ang sumagot. Pinandilatan ko si Fraih, I know that Mimi and I were not in good terms pero hindi dapat manggaling sa iba ang gusto niyang sabihin.


"So? Hindi naman ang katulad niya ang tipo ni Rhys" Sabi ni Selene. Bigla tuloy akong nagging curious kung ano ang tipo niyang babae.


"ano ba ang mga tipo niya?" Tanong ko. Tinignan muna nila ako ng sabay bago sumagot si Selene


"Sexy, Big boobs, Morena, pang FHM. Bastos yon e" Sabi ni Selene. Sabay kaming natawa ni Friah sa sinabi niya. Wala man lang tumama sakin sa mga description niya.


Teka ano bang pakialam ko diba?


Nag usap pa kami ng kung ano-ano bago naghiwalay. Iba iba kase yung mga subjects na kailangan naming pasukan. Bale, magiging mate ko si Friah sa second subject at si Selene sa special subject. pero yun na yon.


Pagkapasok ko sakto naman na dumating yung Teacher namin. Tumahimik na lahat atsaka nagseryoso.


"As you all know na mixed sections na diba? So I hope na mag ready na kayo and do your best behavior" Kung hindi niyo alam ang mixed sections ganito yun: Sa buong grade 12 mo sa Highschool, may dalawang taon ka na magkakaroon ng mixed sections, ito yung grade 8th and 12th mo. Ito yung mga estudyante na kinukuha at dinadala sa ibang section sa loob ng buong sem at doon magkaklase. Kahit na anong section ka pa as long as yung grade mo ay nagging kapantay ng mga nasa first section Malaki ang possibility na malipat ka doon.


Pero the thing about mixed sections ay bullying dahil syempre kung last section at napunta ka sa first matethreaten ang iba at magagalit sayo. As for me,


"Sasabihin ko kung sino ang mga makakasama pa sa First sections, to all students na hindi matatwag, you have to do your best and excel okay?"


"Yes ma'am"


"Alvarado...Benindez...Castro...Dela Cruz...De Vera..." Natawag ang pangalan ko. So it means dito pa din ako. I wonder kung sino kaya ang mga malilipat sa section namin.


"Class alam niyo naman na kahit na anong section pa yan ay pwedeng malipat sa section niyo. So I hope na magkakasundo kayong lahat. Isang sem pa naman yon" Pang chicheer ng teacher naming.Kung cheer man ang tawag doon.


After niyang sabihin yun nagbigay siya ng quiz at syempre marami ang umapela pero wala din namang nagawa sa huli. After non nag dismiss na rin siya. Kung gaano kabagal silang kumilos papasok ganon naman sila kabilis lumabas. Nahuhuli ako lagi ng labas dahil ayoko ng siksikan at unahan.


"Ang tagal mo namang lumabas"


"Sorry siksikan kase e" Sabi ko kay Friah atsaka binitbit yung mga dala kong libro na hiniram ko sa library kanina.


"Ano ba naman yan bakit ang dami mong libro? Lalo tuloy tayong mahuhuli niyan" Naiinis na sabi ni Friah sabay kamot ng ulo


"Balak ko kaseng magbasa pauwi e. E di wala na tayong upuan?"


"Sinabi ko na ipagtabi tayo"


"Salamat naman"


"Oo nga pala, nabanggit na ba sa inyo yung Mixed section?"


"Yup" Miksing sabi ko


"Aist ano nanaman kayang klaseng mga kaklase ko niyan? Alam mo naman na na trauma na ata ako nung second year dahil sa iba na lower" Hindi naman kami opposed sa mga lower sections kaso iba talaga ng tingin nila samin at namin sa kanila kaya naman hindi kami magkasundo.


Mabilis na nilakad naming ni Friah yung daan, nagmamadali pa ako sa paglalakad dahil nga sa kawalan ng upuan sa Comp. Lab pero itong isa naman na ito siko ng siko saken.


"Ano ba?" Asar na tanong ko sa kanya. Hinagod ko din yung braso ko sa sakit ng pagsiko niya.


"Si Rhys" Nguso niya. Nandoon si Rhys at may kausap na babae. Samantha Galvez Ka age namin bali-balita nga na nag de date daw sila e. Pwede naman na totoo dahil sikat si Samantha sa mga estudaynte dahil sa kagandaan niya. .



"Napano naman? Halika na Friah mahuhuli na tayo, pag nakita niya tayo baka harangan lang tayo non" Nagmamadaling sabi ko. Nagkibit muna ng balikat siya Fraih bago ako sinundan


Ano naman pakialam ko kung nagdedate sila diba?




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE TITANSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon