CHAPTER X

4 1 1
                                    

Dalawang araw na ang nakakaraan magsimula nung pumunta ako sa Mansyon nina Selene. Pero parang kahapon lang nung nasaktan ako dahil sa nalaman ko.


"Napano kaba Fibby? May sakit kaba? Bakit wala kang gana pati nga sa paghinga mukhang tamad na tamad ka?" Nag aalalang tanong naman ni Friah. Nakabalik na din ako sa school. Prang wala man lang akong natanggap na red card pinapansin na nila ako kahit paano. Pero syempre yung iba masama pa rin ang tingin saakin. Hindi ko nalang sila pinapansin. Hindi naman nila ako mapapakain e.


"Wala" Tamad na sabi ko sabay yukyok sa mesa.


"Dahil ba kay Dione yan?" Panghuhula nito. Mabilis akong tumawid ng upo atsaka siya tinignan.


"Di ah! Pano mo naman nasabi?"


"E kasi naman siya lang naman yung alam ko na pinagkakaintersan mo maliban sa chemistry" Sabi nito. Parang gusto ko nanaman na maiyak.


"Friah. Paano kapag si Roger may ibang babae matatanggap mo ba?"


"Hindi siyempre!" Mabilis na sagot nito


"E paano kung nagsawa na siya sayo. Kung hindi na ikaw yung gusto niya. Hahabulin mo pa ba siya?"


"Oo naman. Kase mahal ko siya, o kaya minahal ko siya. Malay mo sa paghahabol na yun marerealize na sayang at pinakawalan niya pa ako"


"E paano naman kung sigurado ka na hindi naman ikaw yung gusto niya?"


"I still will take the risk Fibby. I still will. Teka. Bakit ba natin ito pinag uusapan? May babae ba si Roger?" Nanliliit na matang sabi ni Friah


"Meron. Ikaw"


"So. Para saan yun?" Nakita kong kumalma naman siya.


"W-wala naman no. Cr lang ako" Paalam ko at mabilis na tumayo. Sa Cr na malayo sa canteen. Para kung magbrebreakdown ako e malayo at hindi makakarating kay Friah


Will I'm willing to take the risks?


Habang naglalakad lakad ako nakita ko na may kausap si Sir Vicente. Siya yung Prof ko sa chemistry subject ko. Lalapitan ko na siya para batiin pero nung mamukahan ko na si Rhys ay minabuti ko nalang na magkubli sa likod ng halamanan.


"Mr. Yule I already told you that you are indeed failing my subject big time. Kahit na gusto kitang ipasa dahil ayoko ng Makita sa school na ito ay hindi ko magawa. You are not even have the grade exceeding sixty five!" Napangiwi ako sa narinig ko. Ako nga umiiyak na kapag yung grade ko ay mababa sa eighty nine. Tapos siya sixty five na ang grade ni hindi pa nag cocollapsed sa damuhan. He even acted so cool!


"Then pass me. If you really want to pass someone, wala na dapat sermon pa" Jusko. Teacher ang kinakausap niya niyan at hindi kung sinu sino!


"What should I have to do with you child?!" At mabilis na nag walk out si Sir. Aalis na sana ako at mabilis na tatakbo kaya lang may nakausli palang sanga sa likod ko. Natapilok tuloy ako dahil doon


"Aray ko ang pwet ko!" Mariin akong napapikit dahil sa sakit. Pagmulat ng mata ko nakita ko si Rhys na nasa harapan ko na


"What?" Supaldong tanong niya.


"I...Uhm..." Hindi ko mahanap yung tamang sasabihin ko.


"You saw and heared how Mr. Vicente scolded me. If you want to mainstream it go ahead, but be sure to hide really well para makasiguro ka na hindi kita makikita."


"N-nakita mo a-ako?" Gulat na tanong ko


"I'm not blind. Magtatago ka nalang sa maliit na halamanan pa" Masungit pa din yung boses niya. Ni hindi man lang niya ako inalalayan na tumayo. What a gentleman!


"Pwede mo naman siguro akong pakitulungan na tumayo diba?" Reklamo ko. Inirapan niya ako atsaka nag squat na nakatalikod saakin. Tinignan ko siya na nagtataka


"What are you waiting for? Sampa ka na" Naiinip na sabi nito.


"Sasakay ako diyan? Sigurado ka ba?" Mamaya bigla nalaang niya akong ihagis sa kung saan sa sobrang galit niya sakin


"Bakit may ibang suggestion ka pa? Sige lang, matalino ka e" Sarcastic na sabi niya. Inirapan ko siya atsaka sumakay sa likod niya. Nailang pa ako dahil nakahawak siya sa binti ko para hindi ako mahulog


"Hoy! Chansing ka ha" Sabi ko sa kanya


"Pwede ba? Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa itong marumi ang iniisip"


"Ano bang problema mo ha? Kung pinoproblema na ipagkakalat ko yung sinabi mo don't worry your secret is safe with me" Sabi ko sa kanya


"Tss. I don't care kahit ipagakalat mo pa yun. Hindi naman ako apektado doon"


"E ano yang pinuputok ng butsi mo diyan?"









"Matalino ka nga. Manhid ka naman"


THE TITANSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon