Prologue

40 0 0
                                    

It was a gloomy and a horrendous night when someone called me. I checked the clock to see what time it is. It's nearly 2 AM.

"Ano, ready ka na ba, G?" It was a high-pitched girl who called me out late in the night

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.



"Ano, ready ka na ba, G?" It was a high-pitched girl who called me out late in the night. Huminga ako ng malalim at sinagot siya ng diretsyo.


"Ako pa ba, Ms. Roxy?" I sighed as I looked out the window. It was raining real hard, malakas ang hangin at kumukulog din. Tila'y parang alam na alam ng panahon ang gagawin ko sakanya.

 Tila'y parang alam na alam ng panahon ang gagawin ko sakanya

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.



"Okay, dalian mo ha?" Sabi niya at binaba na niya ang tawag. I can no longer go back to sleep so lumabas ako ng kwarto ko at uminom ng maaligamgam na tubig at saka bumalik na sa kwarto ko. Umupo ako sa desk ko at kinuha ang isang picture na nakaframe sa gilid ng desk ko.


12 years ago


"Dad, palamig lang po ako sa labas." Sabi ko at kinuha ko narin ang camera ko para magpicture picture narin sa labas. Tumango si dad. "Wag magpapagabi and don't talk to strangers, okay?" Sabi niya at tumango naman ako. Mabilisan akong pumunta sa labas para maghanap ng magandang spot para picturan ko.

Habang gumagala ako sa labas, napunta ako sa isang lugar na maraming puno. Parang nasa isang forest ako. I call this place as my second home. I feel safe here and dito ako nagpupunta kapag naaalala ko ang Mommy ko na iniwan kami dahil lang sa pera.

Nag-ikot ikot ako at napagdesisyunan kong umakyat sa isang malaking puno. Mukhang matanda narin 'to. Dun ako sa taas nagpicture nang nagpicture. Naghanap hanap pa ako ng mga larawang pwedeng kuhanan ko ng litrato at pagkatingin ko sa gilid, may nakita akong isang babae. Mahaba ang buhok, mapula-pula ang pisngi at maputi. Naka-headband siyang kulay pink at nakadress siya. She looks so decent. I immediately took a picture of her at nahulog nalang ako bigla bigla dahil sa isang malakas na sigaw.


"AAHHHH!!" Dali-dali akong pumunta sa lugar kung saan may sumisigaw. Pumaibabaw ako sakanya para sakin mabagsakan ang malaking puno ng kahoy. Nang bumagsak na sakin umangat ako ng konti, baka kasi nadaganan ko na pala yung babae.


"K-kuya... okay ka lang?" Parang takot na takot siya. Oo naman, ako pa? Tumango ako habang siya umiilang. Habang umiiling siya, unti-unting naglalapit ang aking mga kilay.


"M-may dugo..." Sabi niya at tinaggal niya yung kamay niya na nasa likod ko. "Kuya, dalhin na po kita sa ospital..." Parang kinakabahan siya na ewan. "Okay lang ako. Mas masakit pa yung dinaranas ko araw-araw kesa diyan. Lika na, baka mapano ka pa diyan." Tumayo ako at tinulungan ko siyang makatayo.


"Scarlett!! Where are you??!!" May isang magandang babaeng nasa thirties na ang sumisigaw. Mother niya siguro yun, kasama rin niya ay isang hindi kalakihang lalaki na asawa niya.


"Scarlett? Where are you?!" Sabi naman nung Daddy niya. Tinignan ko yung babae hindi siya makapagsalita siguro dahil sa gulat narin. "Akala ko mamamatay na ko..." Mahinang sabi niya. Tinignan niya ako diretsyo sa mata at ikinagulat ko.


"Salamat ng marami at sorry din, dahil sakin, napano ka pa." Sabi niya at ngumiti siya. "H-ha? Eh, okay lang yun. Sige, maiwan na kita dito, nandyan na yung parents mo eh. Sa susunod, mag ingat ka palagi ha? Kung wala ako dito, baka kung ano nang nangyari sayo. Ah, eh sige alis na ako... S-scar?–" Ngumiti siya at huminga ng malalim. "Scarlett. Sige na, umalis ka na, ako na ang bahala dito." Ngiting sabi niya. Umalis na ako at dumiretsyo sa bahay.


"What happened to you?!" Sabi ni Dad. Ngumiti lang ako sakanya at yinakap siya. "Daddy..." Sabi ko at tinignan ako ni Dad na parang nababaliw ako. "Ano bang nangyari sayo ha? And why is there so much blood sa likod mo? Halika nga!" Sabi niya. Siya narin yung nag-gamot sakin. Doctor kasi daddy ko so parang libre narin ang pagamot.


--


It has been 12 years narin pala. Hanggang ngayon, tandang tanda ko pa ang pangalan niya. Scarlett. Ang ganda ng pangalan niya. Kamusta na kaya siya ngayon? Tinabi ko na ang pictureframe niya at saka bumalik sa kama't pinilit matulog ulit. Marami pa akong gagawin bukas.

No FearΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα