Chapter 26

4.8K 224 8
                                    

Dedicated to Shin_Eve_Avery24

Gustave's POV

I woke up, feeling empty. I can feel it, he's slowly getting away and that's my entire fault.

Tumayo ako at hindi nag-abalang magbihis pa. Kita ko ang hubad na katawan ng babaeng kasama ko sa kama na hindi ko na alam ang pangalan.

I sighed.

Kumuha ako ng isang kaha ng sigarilyo sa loob ng drawers. Sinindihan ko ang stick na kinuha ko sa kaha habang naglalakad ako papunta sa veranda.

Kaagad na nanuot ang lamig ng menthol sa aking lalamunan at umithit pa ako ng isa bago bumuga.

Ngayon nalang ako ulit nakapanigarilyo. Dahil iyon kay Nikki, natawa ako nang mapakla.

Nikki, what have I done to him?

Umithit pa ako ng isang beses bago ko itapon sa kung saan ang upos ng sigarilyo at tumayo para pumasok ulit sa kwarto.

Dumeretso na ako sa banyo at hindi na nag-abalang gisingin ang babaeng nasa kama ko dahil alam kong pagod siya.

Binuksan ko ang shower at kaagad na tumapat dun. I let the cold water run into my skin.

Tanda ko pa ang sakit na ipinakita sa akin ng mga mata ni Nikki kagabi bago siya umalis.

Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. Pero mas pinili niyang hindi ipakita yun at maging masaya.

Nagtagal lang ako ng ilang minuto at matapos nun ay lumabas at nagbihis.

Wearing my blue suit and pants, paired with my black shoes, I went out of the room.

Kaagad na nasamyo ko ang pamilyar na amoy na yun nang tuluyan na akong makalabas sa kwarto.

Doon ko lang nakita ang nakalagpas na sa kwarto kong si Nikki.

Nikki, oh my Nikki.

Muli na naman akong bumuntong hininga at naglakad kasunod niya.

Kung titignan ay nangayayat siya, malamang sa akin. At bawat magtagpo ang aming mga mata ay kita ko ang pamumugto ng mga iyon at lamlam nila.

"Ya, wag na po ninyo kaming ipagluto ng hapunan ni Gab mamaya." Dinig kong sabi niya kay Yaya Krusing.

"Bakit naman anak?" Nagtatakang tanong ng matanda.

"A-Ano po kasi..." Sabi ni Nikki at marahang lumapit kay Yaya Krusing. "Hindi na... Po kami babalik dito." Dagdag niya na nagpatigil sa akin.

They are-he is leaving.

Napangiti ako nang mapakla ulit at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng bahay.

Hindi na ako bumaling kahit narinig ko pa ang impit na pag-iyak ng matanda na kalong-kalong ni Nikki.

He's leaving and it's for the better.

Kaagad na akong sumakay sa sasakyan ko at nagmaneho papunta sa University.

Nikki's POV

I was sighing as I get inside the car of Gabriel.

"Nakapag-paalam na ako, ikaw?" Tanong sa akin ni Gab matapos kong ayusin ang seat belt ko.

Marahan akong tumango sa kanya at umiyak.

"Mami-miss ko si Yaya." Malungkot na turan ni Gab sa akin.

Mami-miss ko siya...

Kaagad akong pumiling sa aking naisip. I should forget this feeling for him.

The FIENDISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon