Chapter 8

6.8K 236 2
                                    

Nikki's POV

I woke up in a room not familiar to me. Kaagad na nakaramdam ako ng hapdi sa mukha at sakit ng katawan.

Uupo na sana ako kaso bigla akong napabalik sa pagkakahiga dahil nanghihina ako.

"Ugh!" I hissed.

"Sir, are you alright?" A voice asked me.

Kaagad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babae na nakasuot ng nurse uniform.

"Ah, y-yes. Medyo sumakit lang yata yung katawan ko." I answered her.

Tumango siya sa akin at may inilagay na tray sa maliit na lamesita sa gilid ng kama ko. Gamot yata ang mga iyon.

"Hm, excuse me. Sino yung nagdala sa akin dito?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti lang pagkatapos ay ini-abot niya sa akin ang dalawang tabletas at baso ng tubig.

"T-Thank you." Sabi ko sa kanya bago ko kunin ang gamot at tubig.

"Sir, anong pangalan niyo? Tyaka sino yung pwedeng tawagan para mapuntahan ka dito?" Muli niyang tanong pagkatapos ilagay ang basong may lamang kalahating tubig.

"Ah, Nikki po." Sagot ko, tapos ay sinubukang umupo mula sa pagkakahiga, kaagad naman niya akong tinulungan "pakitawagan nalang po yung kaibigan ko, Gabriel Lee po yung name." Dugtong ko matapos maka-upo.

Tumango siya sa akin, "okay, Nikki." Sagot naman niya at umalis.

Napabuntong hininga ako. Bwisit na Jackson iyan! Kung hindi dahil sa kanya di sana wala ako dito.

Ang sakit ng mukha't katawan ko.

Matapos ang ilang minuto ay bumalik ang nurse na kasama ang isang lalake, kung hindi ako nagkakamali ay ito siguro ang doktor.

"Hello, Mr. Nikki. How are you feeling?" Tanong niya sa akin nang makalapit siya.

"Hi, doc. Medyo mahapdi ang mukha ko and then medyo masakit ang katawan but okay na po ako." Sagot ko sa kanya.

"I see. Is it okay kung i-check kita? Para malaman kung may mali pa." Sabi naman niya. Tumango lang ako, after all, trabaho naman niya iyon.

Kinuha niya ang stethoscope niya na nakasabit sa may leeg niya pagkatapos ay inalalayan niya akong umupo ng maayos.

Itinapat niya iyon sa may parteng dibdib ko matapos ay pinahinga niya ako ng malalim. Pagkatapos noon ay sinipat niya ang mga mata ko gamit yung maliit na tila ba flashlight.

"Everything seems to be okay. Siguro kailangan mo lang ng pahinga. I suggest, wag ka munang pumasok ng ilang araw." Sabi niya sa akin habang inilalagay ang flashlight niya sa may bulsa ng coat niya. "And as per the pain, bibigyan nalang kita ng aspirin." Dagdag niya.

Ilang araw? Hindi pwede iyon. May quiz at kailangan ko na ding mag-submit ng project.

"Ah, doc. Hindi po ako pwedeng mag-absent this week. May submission po kasi kami sa isang subject at quiz pa po kasi ako." Protesta ko sa kanya nang makasandal ako sa headboard ng kama.

"Hmm, let's see... that is possible -provided that there will be someone to assist you." Paliwanag niya.

Kaagad akong napa-isip, meron naman sana kaso baka maabala ko naman si Gab, alam kong busy din siya sa studies niya.

"Meron naman po, Doc." Pagsisinungaling ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Okay, maiwan muna kita." Sabi niya sa akin "by the way, natawagan na ng nurse yung kaibigan mo. Pagdating niya, magrest ka ng ilang oras then you may go." Dagdag niya at tuluyang umalis.

Sa tanang buhay ko sa University, ngayon lang talaga ako na-infirmary. Haist, kaasar kasi, sana palang hindi ko nalang nilabanan yung hipon na yun.

Pero kung hindi ko naman kasi siya lalabanan, magiging abusado siya at mas lalong yayabang. Haist!

Pero... sino kaya yung nagdala sa akin dito? Ang alam ko ay hawak-hawak ako ng apat na kasama ni Jackson at susuntukin na sana niya ako pero hanggang dun lang yung alam ko.

Sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako sa marahang yugyog at tawag.

Pagmulat ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Gabriel habang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya bago umayos ng pagkaka-upo.

"Gab, kanina ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya sa akin "ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Saan? Sinong gumawa nito sayo? Sino at irereport ko! Sino?" Sunud-sunod na tanong niya sa akin.

Natawa ako sa kanya. Haist, Gabriel.

"Gab! Okay na ako, mahapdi yung mukha ko baka dahil sa suntok, then konting sakit ng katawan pero okay na ako." I reassured him.

Hinatak niya ang isang upuan at doon siya umupo tapos ay bumuntong hininga.

"Gab, okay na ako. Don't worry." Muling sabi ko.

"Ano ba'ng ginawa mo at nagkaganyan ka?! Tsk!" Tanong niya sa akin. Medyo napataas ang tono ng boses niya. "S-Sorry..." dagdag niya at nag-iwas ng tingin at napakamot sa batok.

Ngumiti naman ako "ano ka ba!? Okay lang yun." Sabi ko "medyo nasabit lang ako kay Jackson, eh paano kasi, pinag-tripan nila ako." Dagdag ko.

"Eh buti kaagad na nadala ka dito... teka, sino pala ang nagdala sayo dito?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Napakibit balikat ako sa tanong niya, "hindi ko alam. Pagkagising ko kasi nandito na ako." Sagot ko sa tanong niya.

Ako man ay nagtataka talaga, sino kaya yung mabait na nagdala sa akin dito? Salamat sa kanya.

"Basta, kung sino man yun, salamat sa kanya." Sabi ko kay Gab na nakatingin lang sa akin.

Pinagpahinga niya ako pa ako ng dalawang oras at matapos non ay inayos na niya ang gamit ko, bag lang iyon.

Nagpasalamat din ako sa doktor at nurse at kinuha ang gamot na ibinigay sa akin ng doktor at lumabas na sa infirmary.

"Uy, Gab. Salamat sa pagpunta, naabala pa kita." Sabi ko sa kanya nang naglalakad na kami papunta gate.

Nakasabit sa kabilang balikat niya ang bag ko, at sa kabila ay ang kanya. Umakbay din ako sa kanya upang maalalayan niya ako sa paglalakad.

"Tss, okay lang yun." Tipid na tanong niya.

Nagtaka ako nang bigla kaming napagawi sa may parking lot, kaagad kumunot ang noo ko.

"Gab?" Tanong ko, tumingin naman siya sa akin.

"Hmm?" Tanong niya.

"Bakit papunta yata tayo sa parking? May sasakyan kaba?" Tanong ko sa kanya, ngumiti naman siya.

"Oo, kakagamit ko palang." Sagot niya "swerte ka at ngayon dumating." Dagdag niya.

"Buti may car ka? Sino nagpadala?" Tanong ko sa kanya.

"Tinawagan kasi ako ni Papa last week. He said na ipapadala niya daw yung gift niya sa akin this week and the rest is history." Paliwanag niya at nagpatuloy sa pag-alalay sa akin.

Huminto kami sa isang kulay abong sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang tawag dun kasi hindi ako mahilig sa mga sasakyan.

Kinuha niya ang susi sa kanang bulsa ng pantalon niya at pinindot yun. Binitiwan niya ako at umikot upang buksan ang passenger's seat niya matapos ay bumalik upang tulungan ulit ako.

Nang maayos na ako sa pagkaka-upo ay isinara niya ang pinto at muling umikot at sumakay sa driver's seat.

I sighed. It will be a long ride.

Itutuloy...

The FIENDISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon