1: Chivalry Is Dead

6 0 0
                                    

Pagod.

Puyat.

Gutom.

Ilang araw na akong ganito dahil sa mga sunod sunod na photoshoots na ginagawa namin. Masaya naman e. Pero work after work ang  nangyayari, bes. Sa iba't ibang locations pa. Eh kaya naman hindi ako makakain at makapagpahinga dahil biyahe to the max. Kaloka! Ikaw ba naman ang hindi kumain ng maayos ng tatlong araw ha? Sasaya ka ba?

Buti na lang at wala akong nakaschedule na photoshoot bukas. Hirap din maging Photographer eh. Kalokang tunay!

Pagkapark ko ay may sumunod din naman na nagpark sa gilid ko. 

 Sinandal ko muna ang likod ko bago lumabas ng sasakyan. Baka bumigay na sexy kong katawan sa hallway kung maglalakad agad ako.

Habang nagpapahinga ako, magkasunod na lumabas ang dalawang matipunong lalaki sa sasakyang kasunod ko.

"Oh. My. Gosh." singhap ko. Ang guguwapo bes!

May isang nakacasual na damit na sa tingin ko ay siyang nagdrive. Matangkad, 6 footer sa hula ko. Hazel brown ang kulay ng buhok na siyang isa sa ikinaguwapo niya. Mejo bilugan ang mga mata na siyang nagbibigay lambing sa mukha niya. Sa tindig niya ay mapagkakamalan siyang modelo. 

Napatili ako ng impit ng bigla siya ngumiti. OMG!

Ang guwapo guwapo! 

At yung pangalawa ay nakacorporate attire. Matangkad. 6 footer din gaya nung una pero mas matangkad. Matangos ang ilong. May nakakapanghalinang mga mata. Nakakapang akit ba. Grabe. At ang mga labi, bes. Pulang pulang. Mas gumuwapo pa siya dahil sa nakarolled up na long sleeves niya.

Pero masyadong seryoso. Nag uusap sila pero tawa ng tawa yung una eh hindi naman mukhang nag jojoke tong pangalawa. Pero kahit na! 

Ang hot, sexy and spicy!

Oh la la!

Naglalaway na ako dito bes!

Agad kong inilabas ang DSLR ko at kinuhan sila ng litrato. Paulit ulit hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

Agad kong inayos ang sarili ko.

Kinuha ang bag at kahon kung saan nakalagay ang ibang gamit ko bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

Hahabulin ko ang dalawang yun.

Kahit man lang sa elevator mapalapit ako sa kanila para naman mapagnasaan lalo. Hahaha. Kahit naman isa akong photographer at maraming nakukuhanang maganda, guwapo, sexy, at kung anu ano pa ay wala pa talaga akong naaappreciate na nakuhanan ko. Ewan ko ba. May hinahanap ako na hindi ko alam. Nasanay lang siguro yung mga mata sa mga ganung kinukuhanang mga katawan kaya wala ng effect sa akin.

Lakad takbo ang ginawa ko para maabutan sila sa elevator. Mabigat din naman kasi tong bag at kahon na bitbit ko. Camera bag naman kasi. At yung ibang lenses ko nasa kahon kasama ang sandamakmak na paperworks.

Mas binilisan ko pa ang lakad takbo ko ng malapit na ako at iniharang agad ang kamay ko upang di tuluyang magsara ang pintuan ng elevator na siyang isang napakalaking pagkakamali.

Sobrang pagkakamali.

Maling mali.

Sa sobrang bigla ko ay nabitawan ko ang kahong hawak ko!

OMG! Yung lenses ko!

Capital O. M. G!

"Why the hell are you two kissing!?!?!?" 

And I died.

In BetweenМесто, где живут истории. Откройте их для себя