Nakakamiss yung ganito, yung sama-sama kami sa iisang lugar. Kaso ngayon medyo kakaiba na ang sitwasyon kasi nga hindi ko na nakakausap o nakikita sina Peyton, Eroll at Topher.

"Im sorry for beating you up" Seryosong saad ni Finn kay Chippy.

Ngumiti lang si Chippy. "We all go a little crazy sometimes" biro nito at agad na inakbayan si Finn.

"Mack Im sorry for almost getting your cousin killed, and im sorry kasi hinayaan kong mangyari ang gulong yun" Sabi naman sa akin ni Finn kayat tuluyan ng tumulo ang luha ko.

"May tanong lang ako...." Nakita kong tumulo ang butil ng luha sa mga mata ni Finn. "Mahirap ba akong mahalin? Bakit sina Jill, Fara ay yung iba pa, hindi nila ako magawang mahalin?" Malungkot niyang saad kayat kahit papaanoy naawa ako para sa kanya and at the same time naiinis rin ako sa kanya kasi kung ma-inlove wagas. May ibang tao, nakakalimutan nila ang sarili nila kapag inlove pero si Finn iba, nagiging selfish at obsessed pag-inlove.

Hinawakan ko nalang ang kamay niya bilang pag-comfort kasi after all siya parin naman yung tropa kong si Finn. "Yung pag-ibig kasi finn kusa lang yang dumarating, wag mong madaliin ang mga bagay kasi sa huli masasaktan at makakasakit ka lang" 

Tumango lang si Finn at bahagyang tumawa. "Putangina, Ang swerte ko pagdating sa kapogian kaso bokya naman sa pag-ibig"

Chippy patted Finn's back. "Finn the human, Ganyan talaga ang buhay pero Kami andito naman kami parati para sayo. Sesame's shit nga diba? Kahit na anong shit sa buhay, tayo-tayo parin yung magtutulungan sa huli diba?" Napabuntong hininga si Chippy. "Its not too late Finn, you can still fix your life. Tutulungan ka namin ni Kuya Kessler...Pati sina Mack" Pangungumbinsi ni Chippy hanggang sa dahan-dahang tumango si Finn at napangiti. Kasabay ng ngiting yun ang tuluyan niyang pagluha kayat napayuko nalang ako.

"We'll always be here for you finn" wika ko at at nagyakapan kaming tatlo. Maya-maya'y biglang tumawa si Chippy.

"May dala akong camera!" Masiglang saad nito. "Dating gawi!"

Pumwesto kaming tatlo sa tabi ng puntod nila Eroll, Topher at Peyton. Panay lang ang pagkuha namin ng litrato namin. Matagal-tagal narin kasi mula noong magpakuha kami ng litrato ng magkakasama. Hindi man naging perpekto yung naging samahan namin, Atleast marami akong masasayang alaala kasama sila.

Dating gawi nga kasi panay ang kwentuhan at tawanan namin. Nagbalik-tanaw kami sa masasayang alaala ng nakaraan, syempre yung masasaya lang.

"Naalala ko pa noon, Naglalaro tayo ng dodgeball tas biglang binato ni Peyton yung mukha ni Hailey! hahaha " Chippy

"Enjoy na enjoy talaga ako nun! Kulang nalang kumuha ako ng popcorn dahil sa maaksyong sabunutan" nakatawang saad ni finn habang kumakain ng pizza. 

"Eh yung nagkarerahan tayo ng wheelchair? Grabe epic nun!" Sabi ko naman kayat muli kaming nagtawanan. Wala eh, mga baliw talaga eh.

Zugzwang: The Final PactWhere stories live. Discover now