Epilogue

67.1K 2.5K 2.7K
                                    

Mackenzie's POV

Napakatahimik ng paligid at parang ang tunog lang yata ng kapaligiran ang nangingibabaw. Napatingin ako kay Chippy. Tama nga ang hinala naming nandito lang siya.

"T-tawagan ko na ba si Robbie?" Maalinlangan kong tanong kay Chippy.

Agad napailing-iling si Chippy. "Look, its been 9 years but he's still our Finnley. He had the chance to kill me but he didnt"

"Yeah pero binugbog ka niya." katwiran ko ngunit napakamot lang si Chippy sa kanyang ulo tanda na nakukulitan na siya sa akin.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Once youre a shit, you'll always be a sesame's shit" Napangiti ako nang bigkasin yun ni Chippy. Yun kasi ang isa sa mga motto namin noong kumpleto at maayos pa ang barkada namin. Nakakatuwa kasi naaalala pa niya.

"Okay fine" mahinang bulong ko at agad na hinawakan ang kamay niya. 

Jusko sana wala dito si Peter dahil for sure malilibing niya ng buhay si Chippy pag nagkita niyang magkahawak kamay kami. Adik kasi yun, seloso masyado pati si chipipoy na parang kapatid ko na ay pinagseselosan. 

Dahan-dahan kaming naglakad ni Chippy papunta kay Finn na nakaupo lang sa damuhan habang mag-isang kumakain ng pizza. Its been 9 years, ngayon lang ulit kaming lahat nagsama-sama sa iisang lugar ng hindi nagpapatayan at After 9 years ngayon lang ulit kami magkakasamang muli ng buong sesame's shit....Kahit na ang iba sa kanila ay nakahimlay na sa ilalim ng lupa.

"Panget pahingi ng pizza!" Biglang sigaw ni Chippy habang tumatawa kayat agad na napalingon sa direksyon namin si Finn. Bakas ang gulat sa mukha ni Finn ng makita kami dito sa sementeryo ngunit agad namang kumurba ang napakalapad na ngiti sa mukha niya.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya.

"We missed our finnley" yun lamang ang naging tangi kong sagot.

Hindi nagpatumpik-tumpik si Chippy at dali-dali siyang tumakbo papunta kay Finn, magkahawak yung kamay namin kayat  pati ako halos makaladkad narin. Paupo kaming bumagsak ni Chippy sa tabi ni Finn. Hindi ko na maiwasan pang matawa, ganun din sila.

"Hi Peyton! Hi Topher! Hi Eroll!" Sigaw ni Chippy sa puntod ng tatlo na nasa harapan lang namin. Hindi ko maiwasan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko kayat napatingala nalang ako at makailang ulit na ipinikit ang mga mata ko.

"Matagal narin simula nung magkasama tayong lahat sa iisang lugar" Wika ni Finn na may isang maliit na ngiti sa labi. Inabot niya sa amin ang box ng pizza "Dont worry wala yang lason" biro niya kayat kumuha nalang kami at kumain.

Saglit na namayani ang katahimikan sa aming tatlo. Awkward.....

Zugzwang: The Final PactWhere stories live. Discover now