Chapter 21 : No one gets left behind

44.3K 1.8K 514
                                    

Third Person's POV

Sa lahat sa kanila sina Gavin at Anika lamang ang bukod tanging hindi nagkahiwalay sa direksyon ng pinagtakbuhan. Napakadilim ng paligid ngunit nagliliwanag na ito ng bahagya dahil sa pagliyab ng mga dingding.

"Dito!" Sigaw ni Anika ng may maaninag niya ang hagdanan.

"Shit!" Sabay silang nagsigawan ni Gavin nang mapagtantong nagliliyab narin ito.

"May dalawa pang hagdan dito! Tara puntahan natin yun! Masyadong malaki ang mansiong to! Siguradong di pa yun nagliliyab!" Sigaw ni Anika dahil halos hindi na sila magkarinigan dulot sa napakalakas na lagablab ng apoy. Ngunit mistulang hindi nakikinig sa kanya si Gavin dahil nakapako lamang ang tingin nito sa baba ng hagdan. "Gavin ano ba?! Naririnig mo ba ako?!" Muling sigaw ni Anika.

"Parang M..may tao sa baba" Mahinang bulong ni Gavin na naniningkit ang mga mata na para bang tinitingnan ito ng mabuti.

"Gavin gusto mo bang ma-lechon?! Tara na!" Sigaw ni Anika at hinila si Gavin palayo ngunit hindi ito nagpadala. Sa halip ay lumapit lang ito sa malapit na bintana at dumungaw dito. "Gavin!"

"Ayaw mo ring ma-lechon diba? This is the fastest way out" Seryosong saad ni Gavin at binasag ang salamin ng bintana gamit ang kanyang siko. Gulat na gulat si Anika sa ginawa nito.

"Bobo! Hindi nga tayo male-lechon, mababali naman ang buto natin pag nalaglag tayo!" Sigaw ni Anika.

Duguan na si Gavin dahil sa pagbasag ng mga salamin. Sinamaan niya ng tingin si Anika. "Bahala ka basta ako gusto kong mabuhay" mahinang bulong ni Gavin at biglang tumalon palabas ng bintana.

"GAGO!" Sigaw ni Anika sa gulat at dali-daling dumungaw upang makita ang nangyari kay Gavin. Nanlaki ang mga mata nito, Hindi nito inaasahan ang nakita. --Oo tumalon si Gavin ngunit hindi siya bumagsak sa lupa kundi sa malapad at malaking basuran. Pinalambot ng napakaraming basura ang pagbagsak niya kayat mayroon itong ngiting tagumpay sa kanyang mukha.

"Sinong gago ngayon?! Bilis Anak ni Satanas! talon na!" Sigaw naman ni Gavin kayat walang nagawa si Anika kundi tumalon na lamang.

Nang makababa na ay pinagmasdan ng dalawa ang napakalaking mansion. Bakas ang gulat sa mukha nila nang mapagtantong maliit lang na bahagi ng mansion ang nasusunog.

"Sinadya niya to...." Mahinang bulong ni Anika.

"huh?" Gavin

"Sinadya niyang sunugin ang parte ng mansion kung saan tayo nagkulong! Alam niyang mas madali tayong patayin pag nagkahiwa-hiwalay tayo!" Galit na sigaw ni Anika sa napagtanto.

"Sina Yohan!" Biglang sigaw ni Gavin at itinuro ang bintana.

Zugzwang: The Final PactWhere stories live. Discover now