Kabanata 45

1.9K 73 16
                                    

Possessive



Sinimulan ko na ang pagluluto habang naliligo si Elmo. Binabantayan kong mabuti ang aking niluluto nang maramdaman ko ang pagdausdos ng kamay ni Elmo sa aking baywang.

Tinagilid ko ang ulo ko upang makita siya. Bahagya niyang dinampian ng halik ang aking pisngi. Napangiti ako. Saka ko napansing wala pa siyang pangitaas at ang tanging twalya niya lamang sa ilalim ang bumabalot sakanya ng dumikit ang aking likod sakanyang katawan.

Hinigpitan niya ang yakap sa akin kaya naman mas naramdaman ko ang tigas ng kaniyang katawan sa aking likuran. Inamoy amoy niya ang aking leeg at medyo nakikiliti ako doon lalo na noong dumikit ang basang buhok niya sa aking tainga.

"Elmo, stop it..." natatawa kong sambit sakanya.

Tumigil siya at binalingan niya ako ng nakangisi. Bahagya akong humarap sakanya at nginitian siya pabalik. Inabot ko ang kaniyang kaliwang pisngi at marahang hinaplos iyon.

Napatingin ako sa lahat ng parte ng kanyang mukha. At ramdam ko naman ang hindi pagkaalis ng tingin niya sa akin.

"Ang gwapo mo." bulong ko sakanya.

Lumapad ang ngisi niya at nagtaas ng kilay.

"That's not what I wanna hear from you." aniya bago ako niyakap ng mahigpit at itinago ang kaniyang mukha sa aking leeg.

"Then, what?" tanong ko.

"You haven't said you love me too every time I say I love you." bulong niya.

Natawa ako ng maalalang totoo nga't hindi ko pa nasasabi iyon sakanya. But my actions do say it tho.

"I love you..." malambing kong bulong sakanya. Naramdaman ko ang paghigpit lali ng kanyang yakap.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon