Kabanata 6

1.2K 49 1
                                    

Amoy Elmo

Hindi ako mapakali buong gabi nang umamin sa akin si Elmo. Ang sabi niya ay gusto niya ako. Yun lang naman diba? Wala namang masama doon. Hindi naman niya sinabing mahal niya ako.

Masyado akong napapraning at kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko.

Simula rin ng araw na 'yon ay palagi na lang halos nakabuntot si Elmo sa akin. Halos alam na rin ng lahat ang pag amin niya sa akin sa field. Kaya naman halos lahat ng mga babae dito sa school ay napakasama kung tumingin sa akin araw-araw.

Nakakainis na at nakakaiyak. Kaonti na lang ay feeling ko makakatanggap na ako ng mga death threats.

Inaamin ko na gusto ko si Elmo, kaso sa pagkakaroon ng gusto pala sakanya ay mahirap. Maraming balakid. Maraming hadlang. Hindi maaalis sakanya ang mga tagahanga niya.

Kaya nga kung minsan eh ako na mismo ang gumagawa ng oaraan upang medyo mag loosen up naman si Elmo sa akin at bigyan ako ng oras na makapagisa.

Naglalakad ako sa corridor at sadyang parang magnet na sa akin ang mga mata na nadito. Halos mga nagtataka kung bakit hindi ko kasama si Elmo ngayon.

"Julie!" mas napabilis ang lakad ko ng marinig ko si Elmo sa likod ko.

Ngunit hindi ata yon naging sapat dahil naabutan niya pa rin ako. Hinarap niya ako sakanya at nakita ko ang pagkakunot ng noo niya.

"Are you avoiding me, Julie Anne?" kita ko ang bahid ng lungkot sa mga mata niya.

"Ha? Hindi ! Hindi ! Bakit naman k-kita iiwasan?" sabi ko sabay iwas ng tingin sakanya.

Parang kinurot ang puso ko ng hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sakanya.

"I feel like you're avoiding me. Please tell me why." aniya.

Hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko at inalis iyon doon.

"Hindi kita iniiwasan Elmo. Kaya wala akong masasabing dahilan sa'yo. Mauna na ako." sabi ko sakanya atska tumalikod na.

Napapikit ako habang nakatalikod na humahakbang papalayo sakanya.

Narinig ko ang nga yapak niya na papalapit muling sa akin ngunit hindi natuloy nang marinig ko ang pagtawag sakaniya ng isa sa mga ka-team niya.

Napahinga ako ng malalim at buti na lang ay dumating ang lalaking 'yon.

Alas singko na at labasan na namin. Dalawang subjects ang hindi napasukan ni Elmo dahil sa practice nila. Mabuti na rin iyon at iwas na lamang sa mga tanong niya.

Umalis si Cheska kasama si Landon dahil magde-date daw sila ngayon, tutal alas singko rin ang tapos ng practice nila Landon.

Pagkalabas ko ng gate ay may humablot sa akin at mabilis akong hinila papunta sa parking lot.

"Hoy! Bitiwan mo ng-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng namataan kong si Elmo ang humablot sa akin.

Nasa harapan na kami ng kotse niya at sinandal niya ako doon at kinulong sa mga braso niya.

"You're avoiding me, I know. Simula ng sinabi ko sa'yong gusto kita, umiwas ka na sa akin. May problema ba, Julie Anne? May problema ba sa akin?" Halos magpigil hininga na lamang ako sa sibrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Napakalalim pa ng boses niya at halos mangilabot na ako sa paraan ng pananalita niya.

"Hindi ako umiiwa-"

"I know you are!" napapikit ako sa may diin niyang sambit sa akin.

"Why? Tell me why, Julie Anne. Tell me." aniya.

Napapikit ako ng mariin bago ko siya hinarap. "Elmo, walang problema sa'yo. Sadyang hindi lang talaga pwede. Hindi pwede ang gusto mong mangyari sa ating dalawa." diretso ko sakanya.

"Sinabi ko pa lang na gusto kita, Julie Anne. I never said to court you. But now, that you gave me an idea, well then I'm courting you now." ngiti niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hindi! Hindi pwede Elmo!"

Kumunot ang noo niya sa akin. "Bakit?"

Tinitigan niya ako mata sa mata. Hindi ko alam kung ano bang magandang rason kung bakit sinabi kong hindi pwede.

Bakit nga ba hindi pwede?

"M-mayaman ka... mahirap lang ako." bulong ko sakanya.

Shit! Mali! Maling-mali yung sinabi ko!

Lalong kumunot ang noo niya at nagtaas siya ng kilay.

"Ano ngayon kung mayaman ako at mahirap ka lang? You're a diamond, Julie Anne. Kaya wag na wag mong minamaliit ang sarili mo sa akin. " may diin niyang sambit.

"Maraming masasaktan."

"Sino?" tanong niya.

Seryoso ba siya? Hindi niya alam kung sino ang mga masasaktan ?

"Sina Lea... Val... mga tagahanga m-"

"I don't care, as long as I'm with you." aniya.

Tinignan ko ang mga mata niya pababa sakaniyang labi na mapula. Napakalambot siguro nito at masarap halikan.

Pagkataas ko ng tingin ko ay kita ko na ang pagtingin niya sa mga labi ko.

Tumikhim ako atska inilayo siya sa akin ng kaonti.

"Hindi pa... hindi pa ako handa para pumasok sa isang relasyon, Elmo. Marami pa akong priority at isa na ang pamilya ko doon. Kailangan ko ring makapagtapos at wala ang pagmamahal na yan sa mga plano ko sa buhay." sabi ko.

"Wala rin naman ito sa akin ah? Hindi ko pinlano na magkagusto sa 'yo. Hindi ko pinlano na ligawan ka at ano pa man. Ang tanging plano ko lang ay magtapos at pag aralan kung paano mamahala ng kompanya."

Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa mga labi niya habang nagsasalita.

"Pero ngayon, isa na sa mga plano ko ang paibigin ka. At ang makasama ka." bulong niya sa aking tenga na nakapagpakilabot sa akin.

"P-pero"

"Ssshh." pigil niya sa akin at itinapat sa labi ko ang hintuturo niya.

"You told me to take a chance. And I could say that I'm willing and I will be taking the risk for you... because you're worth a million pounds Julie Anne."

Tinitigan niya akong mabuti bago siya humiwalay sa akin.

"I'll send you home." aniya.

Wala akong naging imik hanggang sa pinasakay niya ako sa loob ng kaniyang sasakyan.

Ang pamilyar na amoy ang sumalubong sa akin sa loob. Para na akong adik sa pagkagusto sa amoy na ito.

Simula ng makapasok ako dito ay parang hinahanap hanap ko na rin ang bango nitong loob ng kaniyang sasakyan. Napangiti na lamang ako.

Amoy Elmo.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon