Kabanata 8

1.3K 60 4
                                    

So soft

Alas syete pa lang ng umaga ay may kumakatok na sa pintuan ko. Sabadong-sabado, kay aga-aga kung makakatok! Binuksan ko ang pintuan at isang matipuno at mabangong lalaki ang bumungad sa akin.

Si Elmo na nakangiti ngayon sa akin ng malaki, naka black long sleeve shirt siya na tinupi niya hanggang siko, brown khaki shorts at topsiders. Naka shades pa na nakapagpanganga sa akin.

Napatingin ako sa sarili ko na naka kahel na sando lamang at puting pajama.

"Anong ginagawa mo dito? Kay aga-aga?" tanong ko sakanya.

"Pupunta tayong probinsya niyo, hindi ba?" ngiti niya sa akin.

Napasapo naman ako ng noo at nailing. Akala ko nagbibiro siya!

"Seryoso ka talaga?" lingon ko sakanya.

"Oo naman!" aniya.

"Kapag umuwi ako doon ngayon, paniguradong bukas pa ang magiging uwi ko." sabi ko sakanya.

"Edi doon tayo matutulog! May dala akong mga damit sa sasakyan." aniya.

Nanliliit ang mga mata ko habang tinitignan ko siya. "Pinaghandaan mo talaga, ano?" tanong ko sakanya.

Unti-unti siyang namula saka nagkamot ng batok. Napailing na lang ako saka na binuksan ang pinto ng tuluyan at nang makapasok na siya.

"Kung okay lang sa'yo, after lunch o mga alas dos na tayo umalis. Tutal at doon na rin naman tayo magpapalipas ng gabi. Tatlong oras lang ang byahe mula dito kaya makakarating tayo doon ng dapit hapon." sabi ko habang naglalakad patungo sa may kwarto ko.

Bago ako tuluyang pumasok ay nilingon ko siya.

"Pwede ka munang umuwi nang makapagpahinga ka pa." sabi ko.

Umiling siya bilang sagot. "I'll just stay here." aniya.

Nagkibit balikat na lamang ako atska na pumasok sa loob ng kwarto.

Kumuha ako ng isang bagpack upang maglagay ng iilang damit na gagamitin ko hanggang kinabukasan. Okay na rin siguro ito at ng makabisita naman kina Nanay.

Kumuha na rin ako ng twalya at ng maka ligo na ako. Lumabas ako at nadatnan si Elmo na nakaupo na sa may sofa at kinakalikot ang sariling cellphone.

"Maliligo lang ako, kumain ka na?" tanong ko sakaniya.

Lumingon siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa bago ibinalik ang tingin sa aking mukha.

"Oo, bago ako nagpunta rito." sabi niya.

Tumango ako at dumiretso na sa banyo. Doon na rin ako nagbihis dahil nakakahiya naman kung lalabas akong nakatapis lang.

Isang simpleng puting shorts lang at berdeng t shirt ang suot ko. Sa probinsya lang naman ang punta namin.

Lumabas na ako at hindi ko nadatnan si Elmo sa sofa.

"Thank you." dinig kong sambit niya sa may pintuan.

Nilingon ko yon at kita ko ang isang kahon ng pizza na mukhang in-order niya kanina.

"I know you haven't eaten yet. Come, eat." aniya sabay lapag ng pizza sa maliit na coffee table sa sala.

Bigla kong narinig ang pagkalam ng tyan ko. Hindi pa nga pala ako nakakakain. Lumapit ako sakanya at umupo sa may sofa kung saan siya nakaupo ngayon.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon