Kabanata 5

1.4K 62 2
                                    

I like you

"Ayan na ba lahat? Wala ka ng idadagdag?" tanong ni Elmo sa akin.

Nakapila na kami ngayon sa counter at tinignan isa-isa ang mgs pinamili kung kumpleto na ba.

"Oo, ito na lahat." sabi ko sakanya.

Magaalas syete na ng makaalis kami sa National Bookstore. Tinulungan ko pa siya sa Dep Store dahil may binili siya na pinapabili ng kanyang lolo.

"Uwi na tayo?" anyaya ko sakanya.

"Kain na muna tayo." aniya.

Kakain pa kami sa labas? Sayang naman ang pera kung ganoon. Nakabudyet na ang pera ko at hindi kasali dito ang pagbili ng pagkain sa labas.

Atska mayaman ang isang 'to. Baka hindi lamang sa mumurahing fast food chain niya ako dalhin.

"Naku! Huwag na, sa bahay na lang ako kakain." sabi ko sakanya.

Tinignan niya ako ng nakakunot ang noo. At para bang sinuri akong mabuti.

"No worries, my treat." aniya.

"Ha? Wag na lang. Nakakahiya." sabi ko sakanya.

"I insist." aniya sabay hila sa kamay ko.

Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa isang mamahaling kainan. Hindi ito basta-bastang fast food chain dahil elegante ng nasa loob nito at kaonti lamang ang mga tao.

"Table for two, sir?" salubong sa amin ng isang maganda ngunit di katangkaran na babae.

"Yes, please." sambit ni Elmo.

Sinundan namin anng babae at inilahad sa amin ang lamesang may dalawang upuan.

Napatingin ako sa babae, ngumiti siya kaya sinuklian ko rin ang ngiti niya.

Pagkaupo ko ay di ko maiwasang hindi tignan ang kabuuan ng lugar na ito. Tunay na hindi pa ako nakakapunta sa ganitong mga kainan. Madalas kasi kapag kasama ko si Nanay hanggang Jollibee at inasal lang kami. At kung minsan ay sa karinderya lang talaga ang bagsak namin.

Nilingon ko si Elmo na seryosong nakatingin sa akin ngayon.

"Elmo, sigurado ka bang dito tayo kakain? Masyado naman atang mahal dito." Alinlangan ko.

Umiling siya at ngumiti ng mahina. "Okay lang yan. Mas maganda dito, tahimik." aniya.

Mga malulumanay nga na kanta ang mga pinapatugtog dito. Nakakarelax nga talaga ang musika.

Bumalik sa amin ang babae kanina at ibinaba ang dalawang menu sa harapan namin.

"Thank you." bulong ko habang kinukuha ang menu.

"Choose whatever you want." ngiti ni Elmo.

Nginitian ko lamang siya pabalik bago ko binuksan ang menu. Tunay na mukhang masasarap talaga ang mga pagkain dito. Kaya lang...

Napalunok ako nang makita ang mga presyo. Tatlong daan ang isang bowl lamang ng salad. Iyon na rin ata ang pinakamura.

Desidido na akong magsasalad na lang pero narinig ko ang pagtikhim ni Elmo.

"I told you to choose whatever you like, not what's with the cheapest price." seryoso niyang sambit sa akin.

Napalunok ulit ako't napatingin sakanya. "Ang mahal naman kasi masyado ng mga pagkain dito. Katulad nitong presyo ng salad na 'to. Budyet ko na sa pagkain 'to ng apat na araw."

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon