Muse No. 4

250 13 5
                                    

Chapter 4

Umayos ako ng pagkakaupo matapos kung magpaliwanag ng Side ko sa Principal. Maniwala ka po please lang! Huhu.

"So you're saying, you are a transferee?" Di makapaniwalang tanong niya

"Y-yes Sir, di lang po halata" Sagot ko habang mahigpit na yakap-yakap ang bag ko, paano na lang kung mapaalis ako dito?! Saan ako mag-aaral? Babalik ba ako sa dating school na pinapasukan ko? O hahanap nanaman ako ng Scholarship sa ibang eskwelahan dito. Kainis kasi eh!

"No, I'm sorry. I'm not insulting you in that way but, what I mean is kung ikaw ang Transferee at sabi mo nga scholar na nakapasa dito bakit di mo alam na may pinadalang gamit na sayo last week pa?" Napakamot ako ng ulo

"Ahehe, yun po ba? Baka po kasi nadeliver yun sa Orphanage at di po sa lumang gusali mo malapit sa eskinita ng bagong conduminium." Paliwanag ko

"Ahh kaya pala, but why are you wearing that kind of clothes?" Napatingin siya sakin "You should have wear civilian kung wala ka pang uniform, alam mo namang ibang school yang uniform mo sinuot mo pa. Miss.."

"Han po Sir" Dugtong ko sa naputol niyang sabi

"Miss Han, okay. We have a policy here, once you're an outsider you'll be punished by the school's rule. But then, you're lucky dahil hindi ka napagtripan o kinaladkad palabas ng SHA. By the way, dont you have parents?Narinig kong nagbisikleta ka papasok dito.." Napatingin ako sakanya, naghihintay lang siya ng sagot ko

"W-wala po akong kinilalang mga magulang Sir" Sagot ko sakanya at ngumiti nalang "Iniwan lang po ako sa bahay ampunan matapos mamatay ang Mama ko nung thirteen years old po ako, actually Han po ang apelyido ng Mama ko na gamit gamit ko. Di ko po kasi kilala ang Papa ko." Napatungo siya at parang naiiyak, matapos kung magsalita natauhan siya at tumikhim pa para bumalik sa pagiging seryoso. 'To talaga si Principal ohh.

"Kung ganun, mag-isa kalang ngayon?" Tumango ako "Ayon sa nasabi mo, kakalipat mo palang dahil nasa tamang edad kana para magdesisyon" Tumango tango ako "Hmm, kung ganun. Paano ka nakapasok gayong wala kang I.D?" Tatango pa sana ako ng mareyalisa ko yun. Naman ohh!

"P-po? Ahh, kasi po--" Ano ang alibay ko sa tanong na'to?! Langya naman kasi eh! "M-may mabuting estudyante po kasing nagpahiram ng I.D niya makapasok lang po ako, Opo yun nga! Tama." Tumango tango siya

"Uhm, ganun ba. So Miss Han, I bet you're late for your first subject. Mas mabuti sigurong pumasok kanalang sa second. At ayun sa schedule na binigay mo, P.E ang first subject mo. You can go to Miss Alajar for your uniform and other things to be used as a new student. Good Luck Miss Han, and" Tumayo siya sa pagkaka-upo "Welcome to Silver High Academy" Nilahad niya ang kamay niya kaya napatayo ako ng di oras, nahulog pa ang bag ko pero kinamayan ko rin siya bilang paggalang.

"Thank you po Sir" Sagot ko bago lumabas at dumiretso sa Faculty room ni Miss Alajar para kunin yung  extra uniform at mga gamit ko.

Nakalimutan ko Scholar pala ako dito, bali sakanila na yung uniform at half nung tuition ko. Libro lang yung babayaran ko at projects, at dahil mabait si Sir ANO..  Si Ano si Sir. Hala di ko natanong yung pangalan! Haha, Shungabels ko talaga. Teka balik sa mabait, na sabi niya sakin ang mga lumang libro na di masyadong nagamit. Nasabi ko kasing nagwo-working student ako eh. Hays, ansipag ko!

 Kaya, yakang-yaka ko 'to! AJA! Lumabas na ako ng Faculty na nakauniform at dahil mabait si Miss Gella Alajar, inayusan niya ko. Sinuklay niya ang buhok ko at nilagyan niya ako ng konting polbo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Boy Bands MuseWhere stories live. Discover now