Muse No. 2

238 12 4
                                    

Chapter 2

Halos mamatay ako sa inis, habang nagpapadyak ako ng bisikleta ay naaalala ko yung mokong na yun. Argh! Malas! Puro malas! Talaga namang nakaka-AJSHAIEY—Break it down yow! Ayaw kong magmura kay aga-aga. Napahinto ako sa tapat ng shop at dali-daling pumasok dahil hindi ko alam kong anong oras na. Sinalubong naman ako ng anak ni Aling Melinda. Si Kuya Darion, 23 years old na ata siya. Medyo maputi ang kanyang balat, kulay itim ang buhok. Medyo matangos yung ilong, maganda yung katawan. Hindi ito malaki di rin maliit—yung katawan! Masasabi kong cute siya.

“Ah eh, Kuya. Asan po si Aling Melinda?” Tanong ko ng makapasok na ko.

“Si Mama? Nandun sa loob. Nga pala pinabibigay niya” Inabot niya sakin yung three hundred pesos, napangiti naman ako “Teka, naubos mo ba?” Nawala ang ngiti ko sa tanong niya

“W-wala Kuya eh, nasira at natapon yung apat” Napa-peace sign lang ako

“Tsk! Kung ganun kailangan mong bayaran yun” Hala! Langya! Ako pa ang magbabayad!? Hindi yan pwede kay Enrile! Jusme naman! “Fifty pesos yung isa, kaya isandaan nalang natitira sayo sa araw na’to. Pasensya na talaga Crystal, baka ako pagalitan eh.” Tumango nalang ako at inabot sakanya ang perang ipangbabayad ko sa gatas na natapon, ibinulsa ko naman ang isandaan. Kinuha ko na rin ang bag ko na nakasabit lang sa gilid ng lalagyan ng gamit. Napatingin ako sa wall clock at nakita ang oras, 6:10am. Hanubayan! Ambilis ng oras!

“K-kuya! Alis na po ako, kailangan ko na pong pumasok. Salamat po!” Dali-dali kong isinuot ang bag ko sa likod at binuksan ang pinto ng shop, napalingon ako kay Kuya Darion. Tumango naman siya at ngumiti bilang tugon sa pagpapaalam ko. Lalabas na sana ako ng sumigaw siya.

“Crystal, anong nangyari sa palda mo!?” nagulat ako at napatingin sa palda ko, punit ito at hanggang tuhod nalang. Halata pang napunit, wala na akong nagawa kundi ang kumaway sakanya na nagsasabing wala po ito at sumakay ng bisikleta. Bahala na, mabait naman siguro ang mga tao dun para kutyain ako at insultuhin.

Boy Bands MuseWhere stories live. Discover now