Muse No. 3

196 6 1
                                    

Chapter 3

Halos lumuwa ang mga mata ko sa mga nakikita ko. Ang malalaking building, sa bumubukas na lagusan parang parking ng mga sasakyang mamahalin. Ang gaganda ng school uniform nila, babae man o lalaking papunta sa harap ng malaking skwelahan ay iba-iba ang sasakyan. Taas noo akong naglakad, oo. Nilakad ko, tulak tulak ang bisikleta ko. Tatawid na sana ako sa kabila ng may biglang lumikong kung anong maingay at mabilis na bagay sa daraanan ko.

“Waaaa!” sigaw ko ng may marahas na humintong itim na kotse sa harap ko at napabusina pa, nabitawan ko ang bike ko sa sobrang gulat. Agad naman itong bumaba at parang di mapakali. Gosh! Ba’t andaming gwapo dito!?

“God!” bulalas niya at ginulo ang buhok “Are you okay!?” dinig kong sigaw niya, oo sigaw!

“A-ayos lang ako” pag-aassure ko sakanya, inaayos ko pa ang sarili dahil sa gulat. Nakakuha din kasi ito ng atensyon

“What!?” sigaw niya at napahinto sa paghi-hysterical “I’m referring to my car!” halos mapunit ang kilay niya sa taas. Walangya! Wala na ba talagang mabuting tao dito!? Ano bang skwelahan ‘to!? Langya!

“Grabe ka Kuya! Ikaw na nga yung muntik nang makapatay dahil sa di pagdrive ng maayos! Ha! At school ground to ha?! Bilis ng pagpatakbo niyo!” asik ko sakanya

“How dare you! I pay for this way and I have rights to drive on my own way! In my way!” sigaw pa niya

“My way?! In your own Way!? Kantahin mo nalang kaya at mabaril ka sana!” sigaw ko at pinulot ang bike ko at tumalikod na, ng may humawak sa braso ko kaya nabitawan ko ang bike at nasuntok ko bigla ang humawak sa braso ko

“Awww! What the!” sigaw nung lalaki, gosh! Iba na pala yung humawak sa braso ko. Napaupo siya at napayukong hinawakan ang bagang niya, masyado atang malakas ang suntok ko. Ghad!

“You just punched my brother! I won’t let this incident pass through! Halika sa Guidance! Irereport kita!” hinawakan niya ako sa magkabilang braso “And the fact that you’re not even a student in SHA” dugtong pa niya, kinabahan ako bigla sa Guidance Thingy. Langya! Hindi pa nga ako nakakatagal sa pagkaka-apak sa sahig ng school na’to Guidance agad?!

“K-kuya sorry na po” pagmamakaawa ko, di halatang fake. Artista ako eh, di joke! Wag lang niya akong dalhin sa Guidance! Jusko! “Ikaw naman Kuya pang isa, bakit ka kasi nanghahawak ng braso bigla-bigla? Sorry na po! Patawad!” dugtong ko sabay tingin sa lalaking napaupo, hawak hawak pa din ako ng lalaking gwapong maputi na pantay pantay yung ngipin.

Grabe lang! Ang daming gwapo dito ha! Napaangat naman ng ulo yung isa sabay ngiti. Ay grabe day! Paki-hawak ng panty liner ko, baka mahulog! Shucks lang? Naglandi ako ng hindi oras!

“N-no, I’m fine” sabi pa niya habang patayo at hinawakan ang kamay ko na ikinabigla ko, nakangiti pa rin siya hanggang sa inalis  na ang kamay ng antipatiko niyang Kuya “Ang lakas mong sumuntok! I was caught off guard!” manghang-mangha niyang sabi

“E-eh?!” nakakahiya, pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Napatingin ako sa hagdan malapit samin, hmm. Papasok ng Silver High Academy na ito diba? Tanong ko sa sarili ko.

“Crush na kita!” sigaw nung lalaking nasuntok ko at kumikislap pa yung mga mata, nang bigla niya akong niyakap.

Walanjo! Napalakas ba ang suntok ko at nagkagusto agad sakin ‘to!? Anak ka ng pusit Crystaaaal! Pumapalag ako sa pagkakayakap nung nasuntok kong Guy nang bigla siyang hatakin nung antipatiko niyang Kuya at hinarap siya.

Boy Bands MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon