Five

5.2K 26 6
                                    

Third Person's POV


Tumingin ang dalaga sa salamin at pumikit. Iniisip niya kung totoo ba ang lahat ng mga kanyang naramdaman kanina. 


Umiling-iling siya at bumuga ng hangin. 


Siguro guni-guni ko lamang iyon. Masyado lang akong naii-stress these past few days dahil malapit na ang pagtatapos ng klase. Isip niya.


Nagmulat ang babae ng mata at nagulat na lamang pagkat may humila sa kanya papunta sa isang cubicle. Sisigaw sana ito ngunit mabilis nitong natakpan ang bibig ng babae habang ang isang kamay ay sinasara ang pinto. 


"Shaye.."


Lumaki ang mata ng dalaga. Napa-pamilyaran niya kasi ang boses. Walang duda, ito ang lalaki kagabi. 


"Akin ka lang.. tandaan mo yan." bulong ng estrangherong lalaki. 


Nanginginig ako. Hindi ko alam kung sa takot ba o ano. What if maulit muli ang nangyari? Edi patay na. Sinabi ko pa naman sa sarili kong hindi na ito mauulit muli. Na magiingat na ako. 


"Walang lalapit o hahawak sayong iba. Dahil minarkahan na kita, Shaye. Tandaan mo yan.."


Unti-unting dumampi ang maiinit na labi ng lalaki sa leeg ni Shaye. Nagbigay init ito sa katawan ng babae kaya hindi niya napigilang umungol ng mahina. Napangiti naman ang lalaki dahil sa kontrol na kanyang nadarama. Masaya siyang nadadala ang babae sa kanya. 


Napamulat na lamang muli si Shaye dahil nawala na ang kamay nito sa bibig niya at wala na rin ang katawan nitong nakadikit sa kanya. Ilang minuto rin siyang nakatayo sa loob ng cubicle habang nakatingin sa pintong nakabukas. 


Umalis siya.. 


Isip ni Shaye. Hindi niya alam kung matutuwa siya o hindi pero mas mabuting maging masaya na lamang siya dahil ayaw nitong aminin na nagugustuhan niya rin ang ginagawa ng lalaki. Bagamat isa itong estranghero. Kahit na ba hindi niya ito kilala. 


Lumabas na siya sa restroom at nakasalubong si Kaleb. 


"Ang tagal mo naman. Tumae ka noh?" Kaleb said to Shaye pero hindi ito natawa. Bakas ang pagiging seryoso nito. 


Sumimangot ang lalaki dahil sa coldness neto. "Akala ko nga niloko mo ako eh. Oh eto na yung libro mo. Next class mo na."


Tiningnan ito ni Shaye at kinuha. Napatingin din siya sa relo. Ganun na ba siya katagal? Limampung minuto na ang nakalipas?


Pumunta na si Shaye sa kanyang klase. Marami nang tao kaya napunta siya sa unahan. Kung gusto mo kasing magpaka-likod, kailangan mong mauna. Maraming nagaagawan sa spot na iyon pagkat less attention sa mga guro. 


Nang dumating ang professor nila sa classroom ay doon lamang natauhan si Shaye. It's Sir Xan's subject. PE & Health. 


Minabuti na lamang ni Shaye na yumuko at magbasa ng libro kahit na nabasa niya na ito. Inthe middle of reading, may kumalabit sa babae. 


"Beh, kanina ka pa tinititigan ni sir oh."


"Ha?" Bulong ko pabalik.


"Si sir kako"


"Oh ano meron?" Hindi parin tumitingin si Shaye para makumpira ang pagtaas ng kanyang balahibo. 


"Tinititigan ka beh. Manhid neto." Saglit itong tumingin sa gawi ni Xan at nagtama ang kanilang paningin kaya mabilis niya itong iniwas. 


Tumahimik na lamang ito at yumuko upang matago ang mukha kay Sir Xan. Iniisip nitong matulog na lamang dahil alam na naman nito ang lesson at para makaiwas na rin kay Sir. 



Nakatulog ang dalagita hanggang sa matapos ang klase. Ilang beses na siyang kinalabit ng katabi niya ngunit palpak dahil hindi ito magising-gising. Iminwestra na lamang ni Sir Xan na siya na ang bahala kay Shaye kaya umalis na ito. Wala nang ibang tao sa classroom. Silang dalawa na lamang. 


Tumayo si Xan at ni-lock ang pinto. Sinarado rin nito ang kurtina bago pumunta sa kinalalagyan ng babae. Tinapik-tapik nito ang ulo bago dahan-dahang nagsalita, "Gising na Shaye.."


Napa-ungol ang babae na kinangiti ng lalaki. "Gising na." Medyo inuga-uga ito ng lalaki kaya naalimpungatan ang babae. 


Luminga-linga si Shaye sa paligid. Walang tao. 


"Shaye.." 


Muntik na siyang mapasigaw dahil malapit na malapit ang mukha ni Sir Xan. Grabe na lamang ang tibok ng puso nito. Sobrang bilis. Halos hindi siya makahinga. Anong mangyayari? 


"Breathe, Shaye.. Breathe." Medyo kumalma si Shaye kaya nagpatuloy ang lalaki sa pagsasalita. "Meet me at my office tomorrow. Uwian. Detention for sleeping on my class. No more questions." 


Nakaalis na ang lalaki bago mag-loading sa utak ni Shaye ang sinabi. 


Napahampas siya sa noo. So much for avoiding trouble. Mas lumala. Inis niyang kinuha ang bag at pumunta sa next na klase. 

My Sexy TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon