One

8K 29 2
                                    

-edited-


Shaye

Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan ko habang nakatitig sa blankong white board namin. Yes, nandito ako ngayon sa classroom kasama ang boring na teacher at ang mga plastik kong kaklase.

Why plastik? It's because kapit sa talino sila.

Why do I know? It's because ako ang kinakapitan nila.

Yes. Matalino ako at nagaaral ako dito sa isang kilalang university sa amin. We're not rich nor are we poor. Average ang maitatawag mo sa amin dahil medyo may kaya naman kami sa buhay. Scholar ako rito kaya wala akong kaibigan. I mean meron naman. Isa. His name's Kaleb. Oo, lalaki ang kaibigan ko pero wala akong sikretong pagtingin sa kanya. If we're gonna talk about crushes, hinding-hindi siya. Nah. Never.

I was snapped in reality when I heard the bell ring.

Yes, sa wakas at tapos na rin.

I remained in my chair pero inayos ko na ang mga gamit ko. I won't fight for leaving first because why should I? Wala naman akong tropa na naghihintay sa akin o jowa na susunduin ako.

Nung wala nang katao tao ni isa, dun ako nagpasyang tumayo. But I failed kaya hinanda ko na ang sarili kong bumulusok sa baba. Sa floor. But it never did. I never hit the floor. Because someone grabbed unto my waist at tinulungan akong i-balance ang sarili.

"Are you okay?" Kilala ko ang boses na ito. Ang kaibigan ko. Walang iba kundi si Kaleb.

"Yeah." I muttered bago tinayo ang sarili with Kaleb's help.

Nung maayos na akong nakatayo. Sinukbit ko ang bag ko sa likod bago humarap sa kanya ng nakataas ang kilay. "Why are you here? Bakit ka napadpad dito?"

"What? Bawal na ba bisitahin ang bestfriend ko?"

"Whatever." Ayaw ko na makipagtalo sa kanya kaya nauna na akong lumabas sa classroom.

Ilang beses ko na ba sinabi sa kanya na hindi kami bestfriends? Only friends. Maarte na sa maarte but iba ang mind set ko. Iba ang description ko sa bestfriends. Bestfriends are always there on your side no matter what.

Nandyan siya kanina diba? Niligtas ka pa nga niya.

"Hey, ei. Okay ka na ba?" Habol ni Kaleb sa akin sa hallway. Wala na halos tao sa hallway kasi nga free time na ito ng iba o di kaya'y klase. Ewan ko na nga lang dito sa lalaking ito kung bakit siya nandito. Alam ko namang may laro pa ito dahil naka-basketball jersey ito.

"Wala ka bang laro ha?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"Wal--"

"Kaleb bro! Tara na daw. Galit na si coach." Parehas kaming napatingin ni Kaleb sa lalaking kinakawayan siya sa di kalayuan. Teammate niya. At mukhang ready na ready na ito dahil hingal na hingal. Siguradong tumakbo ito mula sa court papunta rito. Malayo kasi ang court sa loob ng university.

Humarap na siya sakin. Kitang kita ko ang bigo sa kanyang mga mata. Tsk tsk. Magsisinungaling pa eh. Nahuli tuloy bigla.

Tinulak ko siya habang ngumiti ng pilit. Kailangan para lalo siyang mapaalis. "Go lang. Ayos na naman ako. Baka wala na akong i-cheer sa susunod, sige ka." Tinry kong pagaanin ang mga salita ko hangga't makakaya at mukhang effective naman ito dahil ngumiti siya pabalik.

"Okay. Kahit hanggang clinic lang. Ayos ba?" Bagsak balikat akong nagpatianod sa kanya. Hawak hawak niya ang kamay kong naglalakad. Napapatingin tuloy ang mga estudyante sa aming nandito. Pasalamat nalang at konti sila kundi yari na naman ako.

My Sexy TeacherWhere stories live. Discover now