Prologue

712 30 14
                                    

Prologue:

Andrina: Araw araw may mga tao tayong nakakasalamuha..

Araw araw may bago tayong taong nakikilala..

Paminsan minsan may mga taong aalis sa buhay natin..

Pero may mga tao namang dumadating para punan ang lugar kung saan tayo iniwan ng iba..

Minsan naiisip ko kung bakit pa natin kailangan makilala at isali sa buhay natin ang mga taong iiwan at sasaktan lang tayo sa huli..

Bakit kailangan nilang dumating kung aalis lang din naman sila..

Sabi ng iba, kailangan daw natin yung mga taong yun para matulungan nila tayong ihanda ang ating sarili sa mga bagay na ating haharapin..

Pero kung iintindihin mong mabuti, dapat di sila umaalis upang magkaroon tayo ng sandalan kung may problema tayong dinadaanan..

Ewan ko ba kung bakit ganito ang buhay. May aalis, may dumadating.. Sana man lang may taong handang manatili..

Yung taong magiging laging nandiyan para sa akin.. Yung taong hinding hindi ako iiwan..

Sana mahanap ko ang taong yun.. Sana nga..

Nathaniel: Minsan sa buhay, kailangan mong itago ang totoo upang maprotektahan ang mga taong mahalaga sayo..

Minsan, patago mo nalang ginagawa ang nga bagay bagay upang makaiwas sa gulo..

Minsan, kahit ayaw mong gawin ang isang bagay, wala ka nang magagawa kundi sundin ang dapat.. Dapat para sa iba..

Mahirap mabuhay kung marami kang prinoprotektahan..

Marami kang masasaktan sa isang mali mo lang..

Ang hirap itago nang mga damdamin na sasabog na pag di pa makalabas..

Sana, dumating ang araw na maging okay ang lahat.. Sana nga..

Trixy: Sa panahon ngayon, iba na ang kabataan.. Hindi na umuobra ang mga bagay na nakasanayan pa noong unang panahon..

Kaya, minsan may mga bagay talaga na mawawala sa mga desisyon na gagawin mo..

Ang gagawin mo nalang ay ang MAKIBAGAY kahit alam mong di na tama.. Gagawa ka nang mga bagay upang bumagay ka sa mga taong nasa paligid mo. Alam naman siguro natin that no one wants to feel left out.

Sana, mabigyan pa ng isang pagkakataon.. Sana nga..

Raven: Minsan kailangan mong kalimutan ang taong hindi ka naman pinapahalagahan..

Minsan dapat mong tanggapin na may mga tao na hindi para sayo.. Na kahit mag mukha kanang tanga at obvious na obvious na.. hindi pa rin nila makikita..

Sana man lang makita niya paghihirap at pagpapahalaga ko sa kanya.. Sana nga..

Chloe: May mga bagay na dapat mong kalimutan, kahit mahirap..

Minsan, nang dahil lang sa isang pangyayari may mga bagay na hindi na pwede maging tulad ng dati..

Minsan, nakalimutan mo na sana pero makita mo lang siya, bumabalik lahat..

Kahit gusto mo nang magpatawad,may kung anong rason ang pumipigil sayo.

Sana man lang maging maayos na.. Sana nga..

Xander: Wala namang masama maging open ka ehh..

Kung may pagkakataon kang sabihin ang nararamdaman mo.. Sabihin mo agad, baka di kana mabigyan pa ng isang pagkakataon..

Pero wag mong ibigay lahat.. Kumbaga, magtira ka rin para sa sarili mo... Ikaw lang ang masasaktan sa huli kapag hinayaan mong maging mundo ang isang tao.

Pero para sa akin, siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. At dahil sa kanya, na realize ko na may mas hahalaga pa at may mas mahalaga pa..

Sana maging masaya na kaming lahat.. Sana nga..

Sue: Akala ng lahat perfect na buhay ko.. Walang problema, puro tawa..

Ang di nila alam, tinatago ko lang lahat upang di sila mag alala..

Sana man lang dumating ang araw na mailabas ko na lahat, na marealize nila na di lang sila may problema..

Sana, matuto silang magtago sa mga bagay na magiging dahilan ng gulo.. Sana dumating ang panahong maging matapang akong ilabas ang lahat lahat nang nasa loob ko.. Sana nga..


Circle of Love: A Priceless TreasureOù les histoires vivent. Découvrez maintenant