Knowing

7K 166 1
                                    


Sandy's POV

Nagulat naman sila kasi nginitian nga ako nung guy. "Gaga ka, sino 'yun?" Takang tanong ni Shane na pinandilatan pa talaga ng mga mata.







"Luh! Hindi ko yun kilala shunga! Baka friendly lang talaga siya" sabi ko naman sabay hamal nang burger.








"Friendly daw eh ba't parang sa'yo lang naman siya ngumiti ha!" Bulyaw ni Shane. Nako kung wala lang kami sa caf kanina ko pa 'to sinabuyan ng soda eh! Kapag talaga type niya dapat sa kanya lang, at hindi 'yun pwede! Share share lang no!









"You know what girls, boys like them doesn't deserve your love, magaling silang mambola at magpasaya ng puso ng mga babae, coz you know what? they're playboys" biglang sabat naman ni Thea. Nakoooooo pag nagsalita talaga 'yung babaitang to...... Tatandang dalaga to eh, kulang nalang papasok 'to sa kumbento. Sister na sister yung awrahan teh! Kaka stress!









Nagsitinginan naman kaming tatlo 'yun bang parang nag uusap gamit ang mga mata. Nagsitahimik naman kami at kumain nalang. Haiiiist










Uwian na, as usual hindi naman ako sumama kila Trizzia. 'Yung alam lang kasi nila is 'kila tita ako tumitira at strict sila kaya ayaw ko ipaalam ang address. At kung may mga family day hindi ako uma attend kung mga meeting naman ng parents si manang yung umaattend nung sa 'kin. Saklap haha









Anubayan maglalakad naman akong papuntang sakayan.








Habang naglalakad ako nakita ko si Blue kasama yung ibang officers mukhang galing sa labas ng school kasi marami silang bitbit na mga pinamili. Nakita naman ako ni Blue na nakatingin sa kanya nag smile naman ako at nag wave. Nag smile back rin siya wala nga lang wave back kasi marami 'yung mga dala dala niya. Mukhang nahihirapan na nga siya.







Tiningnan ko naman ang relo ko para alamin ang oras. 4 o'clock palang ng hapon, maaga pa para umuwi so pumunta ako sa gawi ni Blue at tinulungan siya parang bayad na rin noong hinatid niya ako. Haha







"Tulungan na kita" alok ko sa kaniya sabay kuha ng ibang gamit sa loob ng kanyang sasakyan. "Huwag na, kaya ko na to. Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya sa akin sabay kuha ng ibang gamit sa mga kamay ko, iniwas ko naman ito sa kanya at inilayo.








"Mamaya na lang, maaga pa naman. Saan pala 'to dadalhin?" Tanong ko at kumuha pa ng ibang gamit na pwede kong dalhin. "Doon nalang muna sa office. Thanks." Sabi niya. "Ah oo nga pala yung jacket mo bukas nalang, hindi ko pa kasi napalabhan kay manang kagabi. "No worries" sabat niya habang nakangiti.










I lo-lock niya na sana ang kanyang sasakyan nang mapatingin siya sa bag ko. Nagandahan ba siya sa bag ko? Hahaha kidding. "Ilagay mo muna yung bag mo dito para hindi ka mabigatan" sabi niya sa akin sabay kuha nung bag ko sa aking likuran.













Dito na kami ngayon sa office nila. "Yow pres!" Bati sa kanya ng isang jolly na lalaki, bakla ba 'to? Napabaling naman sa akin yung tingin niya sabay ngiting nakakaloko. Tiningnan ko naman siya nginitian ng tipid. Lumapit siya sa akin at kukuhanin na sana yung mga bitbit ko pero humarang si Blue at binigay sa lalaki yung mga bitbit niya.









Nang maibigay na ni Blue ang mga dala niya dun sa lalaki, kinuha niya naman yung sa akin. Bigla namang uminit yung mukha ko. Shet.






Nang matapos na ang lahat sabay sabay kaming lumabas sa office nila. Pinakilala naman ni Blue 'yung mga kasamahan niya.







Yung lalaking mag approached kanina ay si Sam madaldal raw yun. Tapos yung dalawa pa na mga babae na kasama namin.









Nang nasa parking lot na kami, kukunin ko lang yung gamit ko at uuwi. Pero bago pa kami makalapit sa kanyang kotse bigla siyang nagsalita. "Let me ride you home" lumingon lingon naman ako para tingnan kung sino iyong sinabihan niya. Wala namang tao maliban sa aming lima, yung dalawang babae kasama ni Sam sa harap habang nakasunod kami ni Blue. "Ako?" Takang tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. Luh!









Yung dalawang babae naman eh nauna nang sumakay sa kani kanilang kotse. "Tara" aya ni Sam papuntang kotse ni Blue. Thanks God nariyan si Sam para iwas awkward akala ko kasi kami lang ni Blue.










Binuksan ni Blue ang pinto sa harap at parang inaya ako na pumasok. Naglakad naman ako papunta roon pero biglang sumingit si Sam. "Ayown! Thank you boss hahahaha" tawang tawa siyang umupo roon. Pinandilatan naman siya ni Blue, pero ang mokong ngumisi nalang. "Tss" sabi nalang ni Blue at tumingin sa akin with apologetic face. Awwwww such a cutieee. Binuksan nalang niya yung sa back seat kaya pumasok na ako. "Thanks" sabi ko nalang. Ang gentleman naman niya👉👈











Nang makapasok ako binalingan naman ako ng tingin ni Sam sabay ngisi. Ang sarap niyang tirisin promise.












Marami rami na rin kaming napag usapan at nakarating na kami sa subdivision. Tinigil naman ni Blue ang kotse at bigla namang nagsalita si Sam "owwwww bigtime ka pala" biglang sabi niya. Nginitian ko na lang siya.





Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang magsalita si Blue at dali daling bumaba "Wait, let me" sabi niya. "Dumadamoves tayo ah" biglang sabat ni Sam at tumawa ng malakas.









Bumaba naman ako at nagpasalamat kay Blue. "Thanks! Ingat sa pag drive! Ingat kayo" sabi ko na lang at nag wave na sa kanila.








Naglakad na ako papunta kay manong guard ng may biglang bumisina ng pagkalakas lakas! Buseeeeet parang nasira ear drum ko run ah!










Paglingon ko nakita ko yung kotse ni Vanne?! Ba't ba sulpot ng sulpot to.










~
💋

Taming the Heartless Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon