Ikasampung Kabanata

Start from the beginning
                                    

"Here wifey taste this",sabi ni Aaron kay Barbie at iniumang ang hawak na pagkain.

Excited namang kinuha ni Barbie ang pagkin gamit ang bibig kaya natigilan si Aaron.

"Hmm sarap nga baby!",nakangiting ni Barbie sa natitilihang si Aaron.

"Ito din baby masarap. Ang tamis!",sabi ni Barbie sabay subo ng kinuhang pagkain sa bibig.

"Patikim ako wifey",sabi ni Aaron sabay atake sa labi ng nabiglang si Barbie. Nagtagal ang kanilang halikan hanggang sa kailangan na nilang tumigil para huminga.

"Hmmmmmm"

"Ang tamis nga",nakangising sabi ni Aaron.

"Woah rated spg tangna!",kantyaw sa kanila ni Brix kaya mas lalo pang namula si Barbie.

"Ulol inggit ka lang!",sabi naman ni Kyle.

"Barbie Doll!!!!",sigaw ni Jameenah na kararating lang kasama si DeeJay.

"Meenah!!! Tara dito ang dami nilang food!",masayang anyaya ni Barbie sa kararating na kaibigan.

Hinila naman ni Aaron palapit sa kanya si Barbie at niyakap sa bewang kaya nanlaki ang mga mata ni Jameenah sa gulat.

"Ikaw Barbie Doll ha! Kayo na pala nitong si Aaron hindi mo manlang sinabi sakin! Nakakatampo ka!",nakangusong sabi ni Jameenah at umupo na sa tabi ni Barbie.

"Ha? Kami na ba? Hindi ko din alam eh!",inosenteng sagot ni Barbie.

"Ano?!!!!!",gulat na sigaw ni Jameenah.

"Aaron baby boyfriend na ba kita kaya hinalikan mo ako kanina?",baling nito sa binata na nasa likod.

Natatawa nalang ang mga kaibigan ni Aaron sa dalaga.

"Yes wifey",tipid na sagot ni Aaron sabay halik sa labi ng dalaga ng mabilisan.

"Hala! Oo daw Meenah! Boyfriend ko na pala siya! Hihi! Ang saya naman!",kinikilig na sabi ni Barbie

"Kelan pa naging kayo?"

"Baby kelan pa daw naging tayo?"

"Kaninang umaga nung kinasal tayo"

"Ahhh kinanang umaga lang Meenah nung kasal kasalan namin. Hihi"

"Naku lagot ka niyan Barbie Doll kapag nalaman ng mga fans nitong si Aaron aawayin ka nila",sabi ni Jameenah.

"Ha? Talaga?"

"Oo"

"Hala katakot naman pala. Baby dapat sikreto lang natin na boyfriend na kita ha? Baka awayin daw ako ng mga fans mo eh"

"Tsk! Subukan lang nila. Papatayin ko ang lahat ng mananakit at magtatangka sayo",seryosong sagot ni Aaron.

"Ayy katakot ka naman baby!"

"Bakit.natatakot ka ba sakin?"

"Hindi kinikilig nga ako eh",nahihiyang sabi ni Barbie.

"Ikaw babae bantayan mo tong asawa ko ah? Kapag ito nasugatan lagot ka sakin.",baling ni Aaron kay Jameenah.

"Baby, Jameenah pangalan niya hindi babae"

"Asawa daw! Girlfriend mo palang ang kaibigan ko noh!"

"Asawa ko siya bat ba ang kulit mo! Sapakin kita jan eh!"

"Hala katakot naman ng boyfriend mo Barbie Doll!"

"Hihi! Pasensyahan mo na ang boyfriend ko meenah hehe okay lang yan"

"Ano ok lang na sapakin niya ako!"

"Oo ayaw mo nun? Gwapo ang sumapak sayo?"

"Ayyy ewan ko sayo! May saltik ka talaga!"

Nagpatuloy naman sa kwentuhan ang dalawang magkabigan habang naginuman naman ang mga barkada ni Aaron.

"Baby naiihi ako bitaw muna",bulong ni Barbie kay Aaron na nakapuluput ang braso sa bewang ng dalaga.

"Samahan na kita wifey"

"Huwag na baby malapit lang naman ang c.r eh"

"Oh sige dalian mo lang ah?"

"Oo na kaloka!",sabi nito sabay tayo.

"Sama ako!",sabi naman ni Jameenah.

"Mabuti pa nga para may kasama siya",tugon naman ni Aaron.

Naglakad na ang magkaibigan pababa at nagtungo ng comfort room.

Nakita nilang mukhang may tama na ang lahat ng naroon sa baba. Nagsimula na ring magsayawan ang lahat.

Pabalik na sana ang magkaibigan ng hinarang sila ng mga lalaki.

"Hi Miss S.U! Isang shot naman jan oh!",alok ng lalaki na pulang pula na ang mga mata kay Barbie

"Oo nga!",udyok ng mga kasama nito.

"Naku mga kuyah! Naghihintay ang boyfriend niyan. Sa iba nalang niyo ibigay iyan",sabi agad ni Jameenah.

"Ang KJ naman! Sige na Barbie!"

"S-sige"

"Ano ba Barbie! Huwag!"

"Meenah pumayag na tayo para makaalis na tayo mukhang hindi nila tayo hahayaang umalis pag di natin sila pinagbigyan"

Kinuha na ni Barbie ang baso at ininom iyon.

"Woah that's my girl!",hiyaw ng mga lalaki.

Napangiti naman si Barbie ng maubos niya ang laman ng baso.

"Oh ayan sige ha? Mauna na-",napahawak si Barbie sa ulo ng biglang umikot ang kanyang panangin.

"Anong ginawa niyo! May nilagay kayo sa ininom niya ano! Barbie are you okay?",nag-aalalang tanong ni Jameenah sa kaibigan.

"Pahiram ng kaibigan mo miss ha?",sabi ng lalaki sabay agaw sa wala ng malay na si Barbie at inalalayan na palayo doon.

"Hoy! Saan niyo dadalhin ang kaibigan ko! Walanghiya kayo! Isusumbong ko kayo kay Aaron!",naiiyak na sigaw ni Jameenah.

~

The Devil's Secret Love AffairWhere stories live. Discover now