***25

686 21 0
                                    


"BOOOOO!!!!!" sabay sabay nilang sinabi.







"Man, bumili ka muna ulit ng singsing bago ka mag propose, gamitin mo nga iyang utak mo! Mag pakasweet ka naman sa babaeng mahal mo!" sabat ni Shoyen na kanina pa palang nasa likuran ko.








"Kung mahal talaga nya ako, papakasalan at papakasalan nya ako, kahit walang singsing."







"Minsan ba... Nag effort ka na para lang mapasaya mo ang taong mahal mo?" -Klinan







Sandali akong natulala at napaisip sa sinabi ni Kli.







Noong kami pa ni Erlinn... Oo nga't patay na patay ako sa kanya dati, pero ang gusto ko palagi syang nasa bahay namin, at gagawa kami ng milagro sa kwarto ko.








Ni hindi na nga ako nag habol sa kanya ng iwan nya ako, dahil ayokong mag pagod ng dahil lang sa isang babae.







Na sanay na siguro ako na palay na ang lumalapit sa manok.








Oo nag habol din naman ako kay Cetrie, pero never nga akong nag effort para lang makuha sya ulit.







"Ano na?! Natulala ka na dyan!" sabay pitik ni Jin sa ilong ko.







"Ano ng plano mo?! Panahon na para maging seryoso ka sa buhay mo." -Shoyen







"Seryoso naman ako sa buhay ko ah?







"I mean kay Cetrie?"





"Oo, sya na ang buhay ko dati pa."






"SO, ANO NA NGA?!" malakas at sabay sabay nilang tanong.







"EH DI NGA NGA!" sigaw ko.








Isang malakas na batok ang natanggap ko mula kay Kli, kaya tiningnan ko nalang sya ng masama.









Kung hindi lang sya mas matanda sa'kin ng tatlong bwan. Papatulan ko na talaga sya.








"Ok, alam ko kung ano ang ipinupunto nyo. Dahil hindi naman ako manhid. Alam ko rin na gusto nyo lang makatulong sa'kin, sa'min ni Monkey."








"Ano na nga kaseng plano mo? Baka kase may maitulong kami." -Jin






"Naging sweet din naman ako kay Monkey kahit papaano, pero... Never nga akong nag effort para sa kanya, sige susubukan ko iyong mga pinupunto nyo." at nilayasan ko na sila.







Dala dali akong nag drive papunta sa Jewelry store na pag aari ni Miniry (Klinan's wife).







"Hey Beautiful, wait!" sigaw ko nung naisara na nya ang pinto.







"Sain?"







"Kailangan ko ng singsing."







Napangiti sya, at muling binuksan ang pinto.






"Sumunod ka sa'kin."






Sumunod naman ako sa kanya, at may kinuha syang isang maliit na puting box.








"Kinonsensya ka ba ng mga pinsan, at kaibigan mo?" nakangiti nyang tanong.








The RICH And The POOR (CETRIE'S STORY) 3RD BOOKWhere stories live. Discover now