Time Machine: The Truth Behind Episode 58

50 1 0
                                    

"Grabe!" 

Hindi ako makapaniwala na makakita ng 10 planeta na kagaya ng mundo ngayon. 

"Grabe ang napuntahan ko, grabe ang panahon na ito. Bakit may ganoong mga bagay ang mayroon sa panahon  na ito?" 

Hindi ko masasagot dahil nasa walang katapusan na panahon ako ngunit bakit ganoon? hindi ko pa rin masasagot. Naglibot ako sa na lagi kong ginagawa sa bawat panahon na aking napupuntahan. Sa bandang una ay hindi ako namamangha dahil kakaiba ang lugar, hindi naman sa panget subalit kakaiba. 

Sa patuloy ko na paglalakbay ay wala man lang akong nakitang mga buhay na nilalang. Nakikita ko ang mga maliliit na gubat, at marami pang anyong lupa ngunit hindi gaanong kalaki pwera lang sa bulkan. Wala rin akong mahanap na anyong tubig. Puno ng lupa sa aking lugar na napuntahan.

Sa aking pagpunta sa gubat, umaasa ako na may mga pagkain na mahahanap dito ngunit wala. 

"Naku! Anong mangyayari sa akin nito? wala man lang akong pagkain. Hay!" 

Nagtaka ako na parang bumibilis ang pangyayari. Sa aking paglilibot ay nadaragdagan ang aking gutom sumasabay din sa sakit ng aking ulo. Hindi ko sukat akailain na darating sa punto na mawawalan ako ng malay. Grabe ang epekto, ang bilis!

Pagkagising ko ay namulat na lang ako na iba na ang lugar, wala na ang mga gubat at ang mga anyong lupa. Pula ang mga nasa paligid. Pula ang langit at naging pula na ang lupa.

"Hala ka, bakit ganito? paano ako napunta rito?"

Napatayo ako na parang walang nangyari, nawala ang aking sakit ng ulo at ang pagkagutom. 

"Bakit ganoon? Ang weird!"

Naglibot ako sa lugar at puro lupa na kulay pula ang aking nakikita.

"Ano kayang lugar ito? Red City?"

Patuloy ako sa aking paglalakbay at nakita ko ang aking Time Machine at andoon lang siya.

"Buti na lang at nandiyan ka." 

Gusto ko na umalis sa lugar, wala man lang attraction kaya sumakay ako sa Time Machine ngunit napigil ito ng may mga nakita ako na mga anino at natuwa ako!

"Wow! Saglit lang Time Machine."

Nakita ko ang anino na naaaninag ko kahit medyo may kalayuan. Natukso ako at nilapitan.

"Wow! May tao naman pala sa panahon na ito."

Lumapit ako nang lumapit at palapit ng palapit ang mga anino hanggang sa nakita ko na sila. Napabuntong hininga ako sa aking mga nakita. 

"Alam ko sila!" sabi ko sa aking isip.

Bumalik sa aking isipan ang mga binasa kong mga Time Machine na may istorya na libro. Naririnig ko ang kanilang pangalan ngunit ayon sa inilalahad ng mga manunulat ay pareho sa kanilang mga itsura. Hindi sila hayop, hindi rin sila tao.

"Totoo pala sila sa totoong buhay. Sila'y mga Morlocks!"

Bumilis ang takbo nila palapit sa akin at kaagad akong tumakbo papuntang Time Machine. Sampu sila at kailangan kong makatakas kaagad dahil wala akong panlaban. Sa mga nabasa ko, mabagsik sila at isang hawak lang sa'yo ay mamamatay ka na.

Nakasakay na ako sa Time Machine.

"Buti na lang at ligtas ako."

Ngunit nang pipiliin ko na ang oras para sa kasalukuyan, hindi gumagana at unti-unting nawawala ang Time Machine.

"Hala!!"

Nawala ang Time Machine at ako na lang ang natira. Paano ang nangyari iyon? hindi ako makapaniwala. Takot ang aking nasa mukha nang nakita kong papalapit ang mga Morlocks. Tumakbo ako sa abot ng aking makakaya ngunit nabigo akong mapalayo ng sobra dahil mabibilis sila. Napagod ako sa kakatakbo at nagkusang umupo ang aking katawan at hindi na ako nakatayo. Lumapit ang mga Morlocks at

"Ito na ang aking katapusan." sabi ko sa aking isip.

Dumilim at nagbago. 

Nagising ako na nakikita ko ang sampung earth.

"Panaginip lang pala, grabe, buti na lang dahil nakakatakot ang mga Morlocks."

Natakot na ako sa lugar kaya nagpasya na akong bumalik sa kasalukuyan. Ito na siguro ang aking huling paglalakbay at magpapahinga muna ako. Hinanap ko ang Time Machine ngunit.

"Nasaan na kaya yun?" 

Naghanap pa ako sa maraming mga lugar at hindi naman deilikado ngunit wala pa rin!

"Hala! Magpakita ka na Time Machine, parang awa mo na!"

Naghanap pa ako ng naghanap ngunit

"Ayoko na, suko na ko."

Hindi ko pa rin nahahanap ang Time Machine. Hindi pwedeng mawala iyon, hindi pwede dahil mabubuhay akong mag-isa sa mundong ito at sa pagiging isa ko ay baka tuluyan na akong mamatay. 

"Ayokong mangyari iyon." 

Nagtiyaga ako at naghanap pa ngunit wala talaga.

"Asaan ka na Time Machine!!"

Napaupo ako at bigla na lang ako nalungkot at natatakot dahil hindi pwedeng mawala iyon.

"Hindi, hindi pwedeng mawala. Hindi na ako makakabalik sa kasalukuyan. Ayokong tumira sa ganitong lugar. Ayoko!"

Habang ako'y patuloy sa paghahanap ay nakaisip ako ng paraan na makakuha ng pansamantalang tirahan para sa aking pagpahinga dahil dumilim na rin ang langit. 

"Kailangan sa pagsikat ng araw ay mahanap ko ang Time Machine."

Kinabukasan, nakapagpahinga ako ng maayos at walang nagbago sa lugar. Ito na ang pagdating ng aking paggutom kaya naghanap ako ng mga pagkain ngunit wala. May enerhiya pa naman ako kaya nagsipag akong hanapin ang Time Machine ngunit wala pa rin.

Natatakot na talaga ako dahil ayokong mabuhay sa lugar na ito. Nawala ang aking pagkalalaki, nalungkot ako at napaluha dahil ayoko talaga.

"Asaan ka na Time Machine? Parang awa mo na, ayoko sa lugar na ito." 

Napagod ako kaagad kaya hindi ko namalayan na nakapahinga ako.

Napasok ako sa isang panaginip, umiral ang aking bihirang kakayahan na magkaroon ng panaginip sa past, present, at future. Napaginipan ko ang present at lumabas si Givan at may mga sasabihin.

"Angelo, patawarin mo sana ako. Malaking kasalanan ang hindi ko pa naibabanggit sa iyo. Naging kasabwat ako ni Steven Walton. Patawarin mo talaga ako dahil totoo iyon, ang dahilan ay nainggit ako sa iyo. Sa lahat na nakukuha mo, patawarin mo sana ako. Nadamay pa ang mga mahal mo sa buhay. Sa mga bagay na nakikita mo sa akin at pag-aanlinlangan na bakit may kinakausap na lang ako sa cellphone. Patawarin mo sana ako, nakokonsensya na ako kaya noong nakita kita nakaraan lang ay hindi kita pinansin. Sana mapatawad mo ako. Mabigat na kasalanan ang naibigay ko sa'yo at mayroon pang isa. Ang Time Machine, hindi ko nabanggit sa iyo na may expiration ang kapangyarihan at natatandaan ko na ngayong araw iyon. Huwag kang gagamit ng Time Machine ngayong araw dahil delikado. Ang dami kong kasalanan at marami pang iba! Sana mapatawad mo ako." 

Ang sinulat ni Givan sa isang papel para gawin liham at ipapadala kay Angelo.

Nagising ako at napuno ng galit kaagad ang aking nasa mukha.

"Naniniwala ako sa aking panaginip. Grabe! Grabe! Grabe! Givan!!" 

Nagalit ako at nagwala sa aking nalaman.

"Manglolokong kaibigan, Givan!"

Abangan: Episode 59

Time Machine: The Truth Behind Final ChapterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon