CHAPTER 50 - FIND HER

4.1K 95 9
                                    







~ Harry's POV ~


Kakauwi ko lang ng Pilipinas galing Dubai.


Nagkaron kasi ng problema sa isa naming company doon at dahil sa may sakit si ninong ay ako ang umasikaso nito.


Nagpapahinga muna ko ngayon dito sa bahay bago pumunta kina Khian mamaya. Kahit anong mangyari ay gagawa ko ng paraan para maging okay na kami ni Khian para kay Ashley. Lalo na ngayon at alam ko ng lahat ang totoo tungkol sa mga parents namin. Isa ito sa nalaman ko sa pag iimbestiga ko sa loob ng dalawang taon maliban sa pag papaimbestiga ko kina ate Irish at Kiefer. Isang malaking misunderstanding lang pala ang lahat. Nakakalungkot lang isiping kailangan pang mamatay ni dad. Parehas kaming nabalot ng galit ni Khian sa isang maling paniniwala. Gusto ko sanang sabihin ito sakanila, kaso baka mabigla pa sila lalo na si Khian. Lalo na at comatose pa ang tatay nila. Wala din akong sapat na ebidensyang mapapakita kaya malabong maniwala ito pag sinabi ko.


Haaayy bahala na mamaya. Matutulog na sana ko ng biglang nag ring yung phone ko.


Unknown number? Sino kaya to. Sabay sinagot ko na ito agad.


"Hel......."


"Let's meet. 10am sharp at Safe Haven"


Huh?


"W-wait? Who's this?"


"Khian"


Sabay binaba na nito yung phone call. Napaupo naman ako bigla sa kinahihigaan ko.


Khian?


Clifford?


Malamang Harry sya lang naman yung Khian na kilala mo. And sa Safe Haven pa kayo magkiki.............


WHAAAAT?!


Anong meron? Bat sya nakikipag meet?? At sa Safe Haven pa? So andun si Ashley? Naguguluhan ako.Chineck ko kung anong oras na at nanlaki yung mata ko ng 9:50 na!


"ANAK NG TINAPA!" – agad akong tumayo sa kinauupuan ko at mabilis na nag palit ng damit! Nakakaloko naman tong si Khian! Magbibigay ng oras 10 minutes before ng time! Ugh!


Agad na kong bumaba sa kwarto at pumunta na sa sasakyan. Nakita ko naman yung driver ko  at ng nakita ako ay akmang papasok na ito ng kotse. Tinawag ko naman ito agad.


"Wait! Jeff!", napatigil naman ito sa pagpasok ng kotse at napatingin sakin.


"Sir?"


"I'll drive for today. Give me the key" – nagmamadali kong sabi sabay inabot na nya sakin yung susi at pinaandar ko na agad yung kotse.


*****


Buti nalang at medyo malapit lang yung bahay ko dito sa restaurant ni Ashley. Buti din at hindi traffic. Kakapark ko lang sa labas ng Safe Haven at chineck ko na yung relo ko.


"SH*T!" – agad akong lumabas ng kotse at tumakbo na papasok ng Safe Haven. Pag kakita ko kasi ay 9:59 na!


Hingal na hingal akong pumasok at lahat ng mga mata ng tao ay nasakin. Nagulat naman ako ng nakita ko ng nakaupo si Khian sa waiting area. Sh*t nalate ba ako? Haay! Wait lang .. Hihinga lang ako.


"Oh? B-bat ka andito?! Bat hingal na hingal ka?" – napatingin naman ako sa sumalubong sakin na si Ashley habang hingal na hingal ako at nakahawak na sa mga tuhod.


A Gangster Daddy Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now