BTB 25

1.1K 54 13
                                    

"Uy Maine pinapatawag ka ni Sir Kris" tawag sa akin ni JOyce na kakalabas lang sa office ni Kris.

"ah sige" sagot ko.

Nakarating na sila at balik trabaho na ngayon at hindi pa rin kami nagkakausap.

Psh! Galit pa ako sa kanya kasi hindi nila ako sinama sa out of town.

Pumasok na ako at lumapit kay Kris.

"pinapatawag mo daw ako Sir" tanong ko.

Tinatawag ko lang syang Sir kapag naiinis ako sa kanya.

Hindi nya kasi ako pinapatawag na Sir sa kanya.

Tumitig lang sya sa akin at tinitigan ko lang sya.

Akala nya papatalo ako sa kanya.

Bigla syang ngumiti pero poker face pa rin ako sa kanya. Galit kaya ako.

Tumayo sya at lumapit sa akin habang pinisil ang pisngi ko.

"galit ka na naman?"

"psh!" sagot ko at inilayo ang mukha ko sa kanya.

"sorry naaaaa Maineeeee!!" paglalambing nya sa akin.

At syempre pa hard to get pa ako.

"hmm alam ko na libre na lang kita ng dinner" sabi nya.

At parang nakarinig ako ng magic word dahil agad akong napatingin sa kanya.

"talaga??" excited na tanong ko.

"got you!" tawang tawa na sagot nya.

AGad ko syang hinampas.

"ano ka baa! Nakakainis ka!" asar na sagot ko sa kanya.

"ahahaha! Wag ka na kasing magalit babawi ako sayo!" sagot nya.

"ehhh kasi naman ang daya mo!" sagot ko habang nakapout.

"haha sabi ko naman sayo trabaho yong pinuntuhan namin at hindi na kami nakagalaw!" sagot nya.

"eh bakit si Joyce?? Dont tell me may something something sa inyo ni Joyce!" asar ko sa kanya.

"haha hindi no! Imbento ka Maine, nagkataon lang na mas sanay sya sa trabaho at ikaw na man ang mapapagkatiwalaan ko dito sa office!" paliwanag nya.

"kahit pa diba nagpromise ka?" kulit ko sa kanya.

"hmm ililibre nga kita ng dinner mamaya!" sagot nya.

"saan? Doon na naman sa kinakainan natin lagi? Wala ka na bang alam na ibang restaurant ha? Grabe ka kilalang kilala na ako ng lahat ng waiter doon" sagot ko.

"favorite ko kasi don! Bumalik ka na sa trabaho mo sabay na lang tayo mamaya" sabi nya sa akin.

"psh! Sige na nga" sagot ko at pumunta na sa desk ko.

Nakita ko naman ang cellphone kong umilaw. Tiningnan ko ito at may nakitang text.

'Hi'

Sino to??

Agad akong nagreply at tinanong kung sino to.

Wala pang ilang segundo nagreply ito.

'Ah si Alden just wanna make sure na sayo tong #, Maine?'

Pakiramdam ko biglang nagwala na naman ang puso ko.

Ano ba Maine kalma lang pero paano ako kakalma naalala ko kung anong nangyari sa amin nong isang gabi!!! Yong halik nya kahit na sa noo lang yon kinilig pa rin ang tumbong ko. Haha.

Babysitting The BAE (AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon