BTB 1

6.9K 146 38
                                    

Sumakay na ako sa bus papuntang Maynila papunta ako dun para magtrabaho.

Hay! Kung hindi ko lang kailangan magtrabaho hindi ako lalayo sa pamilya ko dito sa probinsya.

"oh Cubao! Cubao sinong baba ng Cubao!" nagising ako sa sigaw ng konduktor. Nakatulog na pala ako!

Andito na pala ako sa Cubao kaya bumaba na ako. Teka! San nga pala ako pupunta?

Ano ba yan ang tanga ko talaga. Hindi nasabi sa akin ni Ngose kung saan ako baba.

At saktong nagring ang cellphone ko at tumatawag si Ngose.

"ngello ango angyang nga ngama nga Ngubao??" tanong sa akin ni Jose.

"oo Ngose andito na ako pero hindi ko pala alam kung saan ang address" sagot ko sa kanya.

"nga??" tanong nya.

Ay oo nga pala hindi nga pala nya ako maiintindihan kasi kailangan ngongo rin ako.

Juskoday! Ang daming pahirap sa buhay ko.

"ang ngame ngo! Angngito nga ango nga Ngubao. Ngaan ang angdress?" tanong ko.

Ayan pati ako naging ngongo na rin.

"ongey! Ingengext ngo nga lang ngayo!" sagot nya.

Hay buti naman naisipan nyang itext kasi pinagtitinginan na ako ng mga tao dito dahil sa pagiging ngongo.

Mga chismosa akala ko sa probinsya lang namin maraming chismosa pati rin pala dito sa Maynila.

'oh anong tinitingin tingin nyo? Ngayon lang kayo nakakaita ng magandang ngongo??" tanong ko sa mga nakatigil sa harapan ko.

Agad naman silang nagsialisan.

At sakto nagtext na si Ngose.

Binasa ko ang text nya at.

Juskoday! Pati ba naman text nya ngongo din???

Hindi ko maintindihan ang text nya pati google translate hindi to kayang intindihin.

Pumunta muna ako sa isang tindahan dito habang itinatranslate yong text ni Ngose.

"may bibilhin ka?" tanong sa akin nong magtitinda habang masama ang tingin sa akin.

Ang suplada naman! Psh! Bitter to. At malamang hindi rin to naniniwala sa forever.

"ah isa nga pong softdrinks" sabi ko.

"anong softdrinks?" tanong nya at masama pa rin ang tingin sa akin.

"yon pong ilabas ang kulit!!" masigla kong sagot.

Bigla nya akong sinamaan ng tingin.

Mukhang hindi nagets ni ate yong binibili ko ah. Hindi nya ba alam ang commercial na yon?? Siguro wala silang tv. Kawawa naman sila!

Bitter na nga at hindi naniniwala sa forever wala pang tv. Ang saklap! Tsk!

"ate yong royal po!" sagot ko.

"psh! Royal lang pala ang dami pang sinabi, ipaplastik ko ba?" tanong nya. Mukhang galit.

Kalma lang Maine. Bitter lang yan si Ate.

"ay Ate isako nyo po wag nyong iplastik!" sarkastiko kong sagot.

"ano ba Miss hindi ako nakikipaglokohan sayo!" sagot nya. Hala! Nagalit si Ate .

"ah Ate hehe joke lang po yon wag nyo pong kaseryosohin!" sagot ko. "ay wag nyo pong kalimutan ang straw ha?" sabi ko pa.

"psh! Wag mo akong jinojoke at wag mong sabihing wag kitang seryosohin. Kaya hindi nagtatagal ang isang relasyon eh may isang hindi nagseseryoso. Sa panahon talaga ngayon mas marami pa ang joke kaysa sa seryoso. Kaya ikaw kung gusto mong tumagal ang isang relasyon matuto kang magseryoso!" sabi ni Ateng magtitinda at winalk outan ako.

Babysitting The BAE (AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon